Kabanata XXXIV

1.5K 127 28
                                    

Going back to what used to be the Lemuel Ranch while riding my favorite horse with my daughter, I wasn't expecting the gush of nostalgia would hit me this hard.

Napatanaw ako sa ekta-ektaryang lupain na minsang pag-aari ng pamilya namin. Mula sa hanay ng mga barn houses, nakita ko ang pagpapastol ng mga baka. Sa hindi pa kalayuan, pinapakain ang mga manok. At sa kung saan kami nanggaling ni Thalia, bagong tayo na ang kuwadra ng mga kabayo.

The Lemuels used to be the only family to own an animal ranch here in Constantia. A ranch turned to a business extending to animal farming of cows, goats, pigs, and a poultry.

Hindi man ako ang namahala ay palagi akong hinihingan ng tulong nina Papa o Vio sa tuwing may problema sa rancho. Kabisado ko ang pagpapatakbo nito noon.

Sa nangyaring sunog tatlong taon nang nakalilipas, tuluyang nawala sa 'min ang rancho. Tatiana's biological father, Hilario Ferreras, bought the land to build his own ranch business. Ang pera ay ipinambayad lang din ni Kuya Sylvan sa lahat ng utang sa bangko.

"Alvaro, bakit lalakad lang si... si... Ano pangalan kabayo mo, Alvaro?"

Napayuko ako sa anak ko. "Ito si Bishop... He is my horse since I was a young boy."

"Bi... shop?"

Tumango ako. Nakaangkas kami ngayon sa puti kong kabayo na si Bishop. My little daughter is sitting comfortably in front of me while grasping at my knuckles for support. Hawak ko naman ang renda ng kabayo para magmaniobra.

The side of my lips turned up a bit as I recall I used to be the little boy sitting in front of my father while holding tightly to his hands.

"Natatakot ka ba, Alvaro?" Papa asked me.

I looked up to him. I shook my head.

He smiled at me. "Gusto mo rin pala 'to katulad ng kuya mo. Gusto mo rin ba ng kabayo sa iyong paglaki?"

Tumango ako.

"Anong kulay?"

"Anghel..." sabay turo ng maliit ko pang daliri noon sa kabayo ni Papa na sinasakyan namin.

"Ah, puti rin." His one hand let go of the rein and encircled around my tiny body instead. "Magsisikap ako palagi para maibili ko rin kayo ni Sylvanno ng mga sarili niyong kabayo paglaki niyo. Si Flavio kaya, magugustuhan din ito?"

"Huwag Vio..." Sabay iling ko. Kasama na palagi ni Vio si Mama, pati ba si Papa at Anghel din?

Papa laughed. "Tama ang Mama niyo, ano? Ikaw ang magiging selosong anak... Magkakaiba nga kayong mga bata." He continued laughing while Anghel galloped faster, and I smiled as the wind tickled my face.

I love riding horse with Papa...

"Matanda na si Bishop. Hindi na siya pang-takbo," kuwento ko kay Thalia.

She gasped. "Tanda na? Lolo na?!"

I chuckled. My bright little girl! "I had Bishop since I was very young, darling."

It was Papa's gift when I turned thirteen. Mahilig kaming mangabayong magkakapatid noon—marahil siguro'y lumaki kaming nakikitang ito rin ang libangan ni Papa at namamangha kami sa tuwing nakasakay ito ng kabayo.

All our stallion were well-bred and imported from other countries. Ngunit hindi katulad nina Kuya Sylvan at Vio na laging ginagamit ang mga alaga nila, I occasionally ride on Bishop when I became busy with college and work.

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon