Kabanata XL

1.2K 92 27
                                    

Inangat niya ang kamay sa mukha nang masilaw. "A-Alvaro, it's me..."

"Tiana? What are you doing here?" maingat kong tanong. I lowered the flashlight away from her face.

Nanatili siya sa kinatatayuan. Parang nabato. "A-Akala ko... Akala ko ay isang linggo kang mawawala, Alvaro?"

"Naisipan kong bumalik na lang kaagad." Humakbang na 'ko hanggang sa pinto ng kubo, sinususian at binuksan ang pinto. I turned off the light switch. Kahit papaano ay umabot ang dilaw na liwanag hanggang sa kinatatayuan ni Tatiana.

Ibinaba ko ang mga dala kong gamit at pasalubong sa ibabaw ng lamesa. Katabi lang iyon ng pinto. I was waiting if she'd explain why she's in front of my quarter. Gayong batid niya palang wala dapat ako rito ngayon. Or...

When I turned to her again, I just realized she's still wearing her usual farm-work attire—long-sleeved blouse, slim fit jeans, and leather boots. She's even holding a straw hat on her right hand.

Tatiana cleared her throat. Ibinaling niya rin sa ibang direksyon ang paningin at buong mukha. Hindi ko makita ang emosyon roon. However, I noticed her slowly breathing in and out—as if calming down herself while thinking.

The silence stretched more between us. As much as I wanted to ask her again, I didn't say anything to prevent myself from saying things that would make her uncomfortable or upset.

Nasanay na rin akong kung hindi siya ang unang magsasalita, bawal akong makipag-usap sa kanya.

She exhaled sharply. Niyakap niya sa dibdib ang sumbrero at saka bumaling na ulit sa 'kin. Naaninag ko ang kanyang mukha at nabanaag ko agad ang nagtatalo niyang kalooban base sa pagkunot ng kanyang noo.

"Nandito ka na rin lang, may gusto sana akong malaman," marahan na imik ni Tatiana. "The night I went home d-drunk, were you there?"

I leaned on the door frame and put my hands inside my pants' pocket. Hindi umaalis ang tingin ko kay Tatiana.

"Kung hindi kahit sino kina Manuel at Barbs ang tumulong sa 'kin hanggang makaakyat sa k-kuwarto... Ikaw ba 'yon? Ikaw ang umalalay sa 'kin?"

I put my lips together to dampen it a little. I cannot lie to her anymore. "Yes..." I whispered.

Her eyes widened. Amidst the soft light and little brightness reaching her, I noticed her cheeks colored. "I-It wasn't a d-dream then..." Napayuko si Tatiana, nahihiya. "H-Hindi malinaw sa 'kin pero i-ikaw... Alvaro, ikaw ang kausap ko?"

Sinigawan, inaaway, tinulak, niyakap, hinalikan... I filled air inside my lungs. "Ako nga. Inalalayan kita hanggang sa silid. You could not walk nor stand properly. Gusto mo na lang matulog sa sahig ng sala."

Napabuga siya ng hangin. "Did you stay? Pagkahatid mo sa 'kin s-sa... sa kuwarto?" she asked, defeated—tanggap na kung ano man ang maging isagot ko.

"I stayed... until I was sure you're sleeping properly."

Napapikit siya nang mariin. Yet gradually, she raised her head. Pagdilat niya, nagsalubong na ang mga mata namin.

Napakurap ako. Lumamlam ang mga mata ng asawa ko at namumuo ang luha...

"I was not dreaming that time...?" nanghihina niyang tanong. "H-Hindi iyon panaginip, Alvaro? Naalala k-ko lahat... O hindi lahat malinaw, pero ang mga s-sinabi ko... Lahat iyon... Totoong kausap kita?"

I nodded.

"H-H-Hinalikan din kita...?" There was a hint of begging in her voice.

Begging for what? Begging that it wasn't true? That she didn't do it? Begging that I deny it?

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon