42: Talipandas 🔞(WARNING)🔞

1.6K 46 22
                                    

Warning: This chapter may contain language and scenes unsuitable for younger readers.
.
.
.
.
.
.

KEIFER

Hindi ko alam kung anong mahika meron ang mga halik ni kuya Damian dahil paulit-ulit akong nahulog dito. Mapait ang alak na iniinom namin pero bakit tila ba napakatamis ng labi niya? Sa tamis nito ay halos ayaw ko nang pakawalan pa.

Hingil na hingil ako nang lumayo sa akin si kuya Damian. Nakaalalay pa rin ang mga kamay niya sa aking likuran upang hindi ako tuluyang mapahiga. Napahawak na rin ako sa kaniyang mga balikat at sa pagkakataong ito ay mataimtim kaming nagpapalitan ng titig sa isa't-isa.

Napakaseryoso ng mukha niya pero kahit na ganoon ay napakag'wapo niya pa rin sa paningin ko. Pasibol na rin ang bigote at ang mga buhok niya sa balbas pero hindi naging dahilan 'yon para magsawa ako sa aking nakikita. Kahit na ilang lalaki pa siguro ang ihanay sa harapan ko, si kuya Damian pa rin ang gugustuhin kong pagmasdan.

Hindi ko alam pero may kung ano sa mga titig niya. Para bang humihingi siya sa akin ng pahintulot sa mga balak niyang gawin kaya naman marahan akong tumango sa kaniya.

Lumukso ang puso ko nang sunggaban niya ako. Agad niyang binaon ang mukha sa aking leeg at pinaulanan iyon ng kakaibang halik. Napahawak ako sa ulo niya't hindi ko na napigilan pa ang sarili na mapasabunot sa kaniyang buhok. Pigil na pigil ako sa aking labi dahil oras na maging pabaya ako'y tuluyan nang alalpas ang mga ungol mula rito.

"Akin ka lang, ha?" dinig kong bulong ni kuya Damian sa aking tenga.

Marahan akong tumango sa kaniya. Lumayo siya nang mahagya sa akin at saka niya ako hinalikan sa aking labi. Siguro ay tumatalab na ang alak sa sistema ko dahil unti-unti na akong nakararamdam ng hilo. Para akong mas nalasing dahil sa ginagawa niyang paghalik sa akin. Lunod na lunod na ako sa pagmamahal na pinauulan niya ngayong gabi at ito ako ngayon, nagpapatangay sa agos nito.

Lumayo sa akin si kuya Damian. Tinitigan niya ako sa aking mga mata at saka gumala ang kaniyang paningin sa kabuoan ng aking mukha. Nang ibalik niya ang kaniyang tingin sa akin ay gumuhit ang mumunting ngiti sa kaniyang labi.

"Mahal na mahal kita, Keifer," halos pabulong niyang sabi sa akin. Naghuhumiyaw ang paghanga sa kaniyang mga mata.

Hinawakan ko ang pisngi niya. Napapikit pa siya nang dumampi ang kamay ko sa malambot niyang balat.

"Mahal na mahal din po kita, Damian," sabi ko sa kaniya.

Nagulat na lang ako nang buhatin niya ako na para bang bago kaming kasal. Dinala niya ako sa k'warto at maingat akong inilapag sa kutson.

Ni-lock niya ang pinto at saka siya humarap sa akin. Kitang-kita ko ang malamlam niyang mga mata. Para bang hindi siya ang Damian na kilala ko dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unti niyang hinubad ang suot na damit. Bumungad sa akin ang maskulado niyang katawan maging ang nagtatambukan niyang mga abs. Pakiramdam ko tuloy ay pinagpawisan ako bigla habang pinanonood siyang naglalakad palapit sa akin.

Nahigit ang hininga ko nang pumaibabaw sa akin si kuya Damian. Ikinulong niya ako sa kaniyang mga naglalakihang bisig. Ramdam na ramdam ko ang katawan niyang nakadikit sa aking balat. Sobra kong nagustuhan ang init na hatid ng kaniyang paghinga na matagal ding tumambay sa aking ilong dahil sa bango na hatid nito sa akin. Kahit na malaki at maskulado siya ay hindi ako nahirapan sa p'westo naming dalawa dahil alalay pa rin ang bigat niya sa aking ibabaw.

"May permiso naman na ako pero bago ko gawin ito, p'wede bang sagutin mo muna ako, Ki,"

Napangiti ako dahil halos ngumuso na siya sa akin na parang bata. Niyakap ko siya nang mahigpit at saka siya pinaulanan ng maraming halik mula sa noo, sa pisngi, sa dulo ng kaniyang matangos na ilong, sa kaniyang baba hanggang sa mapunta ang labi ko sa labi niya.

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon