***
THE NEXT MORNING nagising akong nakayakap pa din kay Ethan, napangiti ako kahit inaantok pa ng makita ko ang kaniyang maamong mukha pero agad ding natauhan ng marealize ko ang naging reaksyon ko ngayong umaga. Bakit parang masaya akong magkatabi kaming natulog?
This is the second time na nagising akong katabi siya and masasabi kong iba ang pakiramdam ko ngayon kaysa sa una. It feels right.
Hindi dapat ako ganto ka-kumportable sa kaniya, pero merong katangian si Ethan na nagpapalimot sa akin kung sino talaga siya, kung ano ang kaniyang apelyido.
Mukhang panatag na natutulog si Ethan sa tabi ko, kung titingnan mo ito ay isa itong cold, at tagapagmana ng kanilang ari-arian na ayon naman ang balita sa lahat.
Huminga ako ng malalim at muli itong tinitigan, nais ko man siyang gisingin pero sobrang himbing at mukhang payapa talaga siya kaya naman hindi ko na ito iistorbohin pa.
Tumayo naman na ako para maligo at ng makapaayos ako ng gamit ko dahil sa pagkakaalala ko ay aalis kami ngayon ni Ethan.
***
LATER that morning, tumungo na kaming pareho ni Ethan sa dining area para mag-breakfast na hinanda ng kaniyang chef.“Eat up. We’ve got a long day of travelling ahead of us. But I promise when we get there, it’ll all be worth it.” tumango naman ako.
“But you still haven’t told me where we’re going yet?” ani ko.
“Costa Rica. To a little beach town in the middle of nowhere where we can have our privacy. You’ll love it there, wife.” kusa na akong napapangiti at parang nasasanay nalang ako sa pagtawag nito sa akin ng wife. Maybe it sounds cringed for others, but for me...
“It sounds perfect! I mean... mukhang perfect talaga yung location for us.” sabi ko at tumango ito.
“Okay. Uhm, I need to take care of a few things before we leave, so I’ll meet you at the airport. After that, I’m all yours.” napangiti nalang ako sa kaniya saka tumango din.
“Okay. Umaasa din naman ako na sana walang distracting sa ating dal’wa kapag nandon na tayo. I was planning to lounging around by the pool all day, syempre kasama ka doon. Mukhang puro bikinis na nga ata nadala ko eh.” natatawang sabi ko sa kaniya.
“Hmm. That’s not good.” napatingin ako sa kaniya.
“Huh? Bakit naman?” takang tanong ko.
“The bikinis will be distracting, and that’s not good for me, wife.” aniya sabay kindat sa akin na feeling ko kinainit ng malala ng aking pisngi.
OMG. Is he flirting with me? Napapaypay ako ng mabilis sa akin gamit ang aking kamay, natawa nanaman ito sa reaksyon ko.
Tumayo na nga ito pagkainom niya ng tubig saka lumapit sa akin. “Anyway, I should go before I ran out of time to get everything done.”
“Okay.” tanging sagot ko, hinawakan naman niya ang chin ko at siniil ang labi ko ng ilang segundo.
“See you in the airport, wife.” napatikom naman ako, at tanging pagtango nalang ang nasagot ko na kinangiti niya at umalis na nga ito pagkakuha ng kaniyang susi.
Natauhan lang ako sa pagiisip sa halik sa akin ni Ethan ng tumunog ang cellphone ko, at nakitang si Kuya Enzo iyon. Tumikhim muna ako bago ito sinagot.
“Kuya Enzo! Hello, what’s going on?”
“Nothing. Just checking in with my baby sis. Kamusta diyan? How’s what’s his face?” tanong nito.
“Tinutukoy mo ba ang asawa ko? He’s fine, actually aalis nga kami today dahil matutuloy na ang honeymoon namin. Nagsorry na din siya for postponing it and babawi na siya sa akin.” masayang kwento ko. OMG What’s happening to me? Bakit ang lapad ng ngiti ko?
“Finally! Mukhang nataunan na din ang gàgong yan. So, saan ka naman niya dadalhin?” tanong nito.
“Pupunta kami sa Costa Rica.” sagot ko.
“Costa Rica? Sigurado ka ba? Doon talaga ang destination ng honeymoon niyo?” tanong nito na kinasimangot ko.
“Oo nga, narinig mo naman ang sinabi ko di ba? Bakit, do you have some problem with us going there?” sabi ko at umakyat na nga para magayos ng gamit ko pero natahimik nanaman ang kapatid ko kaya parang kinabahan ako, at mas lalong nadagdagan iyon sa sunod niyang sinabi.
“I need to see you before you leave. It’s important, Chiara.”
“Huh? Pero wala na akong oras para makipagmeet up pa sayo, Kuya. Need ko na ding makarating ng maaga sa airport.” ani ko.
“I’ll catch you on the way. This can’t wait.”
The knot in my stomach tightenes as I end the call. Hindi ko maiwasang isipin na walang magandang kalalabasan ito pwes na malaman ko ang rason kung bakit nais makipagkita ni Kuya sa akin.
***
HABANG papunta nasa airport ay kinita ko muna si Kuya Enzo. Bumaba agad ako at lumapit sa kaniya, may pagaalala at galit sa kaniyang mukha.
“What’s this about, Kuya? Ano bang importante ang sinasabi mong hindi na makapaghintay?” tanong ko.
“I just wanted you to have all the facts before you leave with Ethan. Idea mo ba na pumunta sa Costa Rica?” tanong nito.
“No. Sinabi niya lang sa akin ang location namin kaninang umaga.” huminga ito ng marahas.
“That’s what I feared...” tumigil ito sandali, parang naubusan ito ng sasabihin, pinigilan ko ang sarili kong magtanong pa dahil panigurado akong sasabihin at sasabihin niya sa akin kung ano ang nalalaman niya.
“An informant recently told us that a huge shipment of weapons is being smuggled out of Costa Rica.” saad nito.
“It’s the Moretti family, pero narinig namin na kasabwat doon ang mga Montello. Kaya siguro nais niyang pumunta doon, to oversee the shipment.” para namang sumikip ang dibdib ko sa narinig, parang sobrang genuine nito sa akin kagabi habang sinasabi niya na babawi daw siya dahil sa pagdelay nito sa honeymoon namin, pero ngayon maririnig ko lang ay para sa business trip lang pala ang lahat ng ito.
Umiling-iling ito. “No. Baka coincidence lang ito.” pinilit kong ngumiti sa kaniya. “Pinili niya ang lugar na iyon for us, Kuya. It doesn’t have to be about the shipment.” tiningnan ako ng seryoso nito.
“Come on, Chiara. Don’t be so naive!” inis niyang sabi sa akin. “Hindi basta-basta magbabago si Ethan ng ganon lang. All he cares about is the Montello family business!” napapikit ako habang napapabuga ng sunod-sunod.
Ito na nga ba ang kinatatakutan ko ng kinasal kaming dalawa. It’s all Montello business to him.
“He made me believe we were escaping for a few days together. Ang sabi niya gusto niyang bumawi sa akin.” lumapit at hinawakan nito ang magkabilang braso ko.
“Listen to me. Chiara, you can’t trust him. He’s got ulterior motives, I just know it.” yumuko at napakagat nalang ako sa labi ko habang iniisip kung gaano ka sincere ang itsura ni Ethan habang sinasabi niya ang mga promises nito. Was he lying to me?
YOU ARE READING
BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLO
RomanceIn this story, an arranged marriage with Chiara Bianchi worst enemy will lead her to a life of passion she never imagined!