“We need more information, Enzo, you and your men should round up the usual suspects and interrogate them. Find out what you can.” napangisi naman si Kuya.
“Sounds like fun.”
“Anong puwede kong gawin dad?” tiningnan naman niya ako.
“Dito kalang dahil mas ligtas dito. Sasabihan ka nalang namin kapag mayroon ng ibang updates.”
“Pero dad, hindi mo ko puwedeng asahan lang na manahimik dito at maghintay lang habang kayong dalawa lang ang nagpapakahirap sa lahat. Hayaan niyo na akong tumulong sainyo, kahit sina Ate Charlotte at Ate Chelsea nalang ang protektahan niyo, huwag na ako. Kaya kong protektahan ang sarili ko, kaya ko din ang mga ginagawa ni Kuya Enzo.”
“At sinong may sabi?” parang gusto kong saktan si Kuya sa sinabi niya.
“Lahat tayo dito ay may parteng ginagampanan. Pero hindi ito ang tamang panahon na tumulong ka sa amin, hindi kita puwedeng ipahamak lalo na’t kayo ni Ethan ang puntirya dito ni Lucan. Hindi ka puwedeng makuha ng mga kalaban.”
“There must be something I can do, dad. You need me. I could make a difference! Hindi man ako kasing lakas ni Kuya Enzo, pero kaya ko. You taught me well. Let me show you please.” pinagekis ko ang aking mga braso. Habang si daddy ay napabuntong-hininga nalang, pero nakita ko ang pagtango ni Kuya sa akin saka nito nilingon si daddy.
“What about a recon mission? Something low stakes, but useful. We could send her out after it gets dark tonight.” saad ni Kuya.
“Perhaps...” parang hindi pa din kumbinsido si daddy na pumayag kaya nagsalita muli ako.
“That works for me. I’m small enough to get in and out of places undetected. Give me a chance, please.” pakiusap ko.
He sigh. “I was going to send a team to the Moretti hideout that Rocco took you to. I’m sure they’ve abandoned it by now, but...”
“Ano naman ho sa tingin niyo ang makikita natin doon?” tanong ko.
“We believe the Morettis might’ve allied with Lucan. His plan didn’t come together overnight.”
“Kung magkakampi na nga ang pamilya Moretti at si Mr. Lucan, baka matagal na nila itong pinaplano, hindi ba?” saad ko.
“Look for any evidence of their alliance. Kailangan nating malaman kaagad kung magkakampi na nga ang dalawang pamilya.”
“Ayon ang nababagay na mission sayo, Chiara. Lalo pa’t doon ka dinala ni Rocco noong kidnappin ka niya.” tumango ako sa kaniya.
“I’ll make this work, Kuya. I’ll find whatever I can.” sabi ko.
“Hindi ito madaling misyon, Chiara. Kailangan maging maingat at mapanuri kasa kapaligiran mo. Tumawag ka agad sa amin kapag nakaramdam ka agad ng kapahamakan, naiintindihan mo ba ako?” saad ni Kuya at tumango muli ako.
“Yes, Kuya, naiintindihan ko.” sagot ko na kinabuntong-hininga niya at nilingon pa namin si daddy na parang hindi pa din siya panatag sa desisyon naming magkapatid.
Masyadong focus na ang utak ko para sa misyon na gagawin ko mamayang gabi ngunit agad naputol iyon ng lapitan at kausapin ako ni daddy.
“Chiara? Huwag mo sanang masamain ang pagiingat ko sayo, hindi ako tumututol sa nais ninyo ng Kuya mo dahil wala akong tiwala na hindi mo kaya, alam kong kaya mo. Ikaw man ang pinakabunso sa lahat pero taglay mo ang katapangan ng inyong ina. Basta magtiwala kalang sa sarili mo at siguradong malalagpasan mo itong misyon na nais mo. Good luck.” aniya saka ako niyakap nito ng mahigpit.
Sobrang mahalaga sa akin ang mga salitang binitiwan ni daddy, kaya naman kailangan ko itong pag-igihin, hindi ako puwedeng pumalpak.
Hanggang sumapit na nga ang gabi, at oras na nang pag-alis ko. Nakatitig lamang ako sa harapan ng salamin at pinapalakas ang aking sarili pero nakarinig ako ng hakbang kaya naman agad kong tiningnan kung sino iyon at nakita ko agad si Kuya na nakatayo sa gilid ng pintuan, nakaekis ang kaniyang mga braso habang nakatitig ng mataman sa akin.
YOU ARE READING
BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLO
RomansaIn this story, an arranged marriage with Chiara Bianchi worst enemy will lead her to a life of passion she never imagined!