THE NEXT MORNING, nagmamali akong bumaba dahil hindi ko nanaman nakita si Ethan sa kaniyang kwarto at muli akong nakahinga ng matagpuan ko siya sa kusina at tahimik na nakaupo. Natigilan ito ng makita niya ako pero agad din siyang nagiwas ng tingin.“Ganito nalang ba ang mangyayari sa atin sa araw-araw? Ayoko ng ganito, Ethan. Oh, baka naman wala lang sayo lahat ng ito dahil ikaw ang lalaki sa pamamahay na ito. You can do what you like.” saad ko habang nakatingin sa malayo, umagang-umaga pero nasasaktan nanaman ako.
Hindi nito pinansin ang pinagsasabi ko. Tumayo lang ito saka lumapit sa akin at hinawi ang ilang buhok sa ulo ko para icheck ang sugat ko.
“How’s your head?” napalunok ako.
“Uh.. I’m fine, hindi naman na masyadong masakit.” saad ko at tumango ito.
“Good. I hope you’re feeling refreshed. You seemed to be sleeping soundly when I checked on you last night.” nagulat ako.
“Chineck mo ‘ko kagabi?” tumango ito habang napapakamot sa kaniyang ulo.
“Yeah. A few times. I’m surprised you weren’t hurt any worse. Kilala ang pamilya Moretti sa pagiging marahas sa lahat.” at agad kong nakita ang pag-irap niya. “Obviously may tinatagong pagtingin sa’yo ang Rocco na ‘yon kaya hindi ka niya sinaktan ng sobra.” ako naman ang napairap sa kaniya.
“Bakit mas prefer mo bang sinaktan niya ako ng sobra?” hindi siya sumagot kaya napayakap ako sa sarili ko ng mamayani ang katahimikan.
“I’m sorry hindi ko sinabi ang naging deal ng kapatid ko sa pamilya Moretti dahil sinabi niya sa akin na huwag kong sabihin sayo.” huminga siya ng malalim. “May sarili naman akong desisyon sa buhay ko pero ang ending palagi ay sinusunod ko ang nais ng iba. Kagaya nalang ang ikasal sayo, kahit ayoko naman noong una pero dahil utos ni daddy ay sinunod ko pa din. Pangalawa kahit gusto kong aminin ang totoo tungkol sa shipment ay hindi ko sinabi sayo dahil utos ni Kuya na hindi mo naman kailangan malaman.” hindi siya nagsalita at tila nakikinig lang siya sa paliwanag ko.
“Kahit ikaw...” tiningnan niya ako. “Natulog ako sa dati kong kwarto dahil sinabi mo, kahit na ang totoo ay ayokong matulog ng hindi ka katabi.” tiningnan ko siya, mukhang kalmado naman na siya, pero hindi ko pa din matukoy kung ano ba ang naglalaro sa isip niya ngayon.
“It got heated between us last night. May mga nasabi akong masasakit na salita sayo na pinagsisihan ko.” huminga ako ng malalim.
“Alin sa mga sinabi mo ang pinagsisihan mo?” napapikit ito ng mariin.
“Chiara―” napabuntong-hininga siya saka tumango. “I don’t hate you, Chiara, and maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin sa mga pinagsasabi ko sayo kagabi... pero hindi naman di ba? We were just starting the good part. Ayokong masayang lahat ng pinagsamahan natin.”
“I want this to work. Pero hindi ko kayang gawin ito ng mag-isa.. kailangan pareho tayong maging prepared sa mga pwedeng mangyari, hindi yung naghinala kalang ipagtatabuyan mo na ako na parang hindi mo ako asawa.” pinikit niya ang mata niya. “Tas wala man lang sorry kahit isa.” paglalabas ko ng sama ng loob.
Natawa ito ng mahina. “Bakit parang nabaliktad? Bakit ikaw na yung galit?” mahina at may pagkalambing na uli ang tono sa kaniyang boses.
“Pareho tayong may kasalanan sa isa’t-isa, kagabi pa ako nagso-sorry sayo, turn mo naman ngayon.” ngumiti ito saka tumango.
“I’m sorry, Chiara. I’m really sorry, please, forgive me.” kagat-labi akong tumango kaya mabilis niya akong niyakap ng mahigpit, ramdam ko ang haplos niya sa likod ko.
“Do you have plans for today?” tanong niya saka niya ako binitiwan.
“Uh, actually.. meron sana akong lunch date with your sister.. pero maiintindihan ko kung tatanggi ka.” umiling ito.
“No, you should go. Solenn has been complaining that I take up too much of your time. She wants to see you.” aniya habang hinahaplos naman ang ulo ko. “I also have plans today, I need to see my contact about the Morettis. They’re lying low after last night. We need to find them.” naalala ko naman si Rocco.
“Patay na ba talaga si Rocco?” tanong ko at huminga ito ng malalim.
“He got two shot on his chest. May basag na din ang kaniyang ulo, imposibleng mabuhay pa siya.” nakaramdam naman ako ng awa sa kaniya kasi kahit papaano ay naging kaibigan talaga namin siya ni Kuya. Itinurin ko na din talaga siyang nakatatandang kapatid ko.
“May maitutulong ba ako?” tanong ko.
“Don’t worry, ako ng bahala dito.” tumango ako sakaniya.
Napansin ko naman ang paglapit ng mukha niya sa akin na parang hahalikan niya ako pero agad din niyang tinigil saka huminga ng malalim.
Nakaraan lang ay parang hindi kami mapaghiwalay ni Ethan. Ngayon naman sobra na ang akwardness sa aming dalawa dahil sa mga nangyari at baka iniisip pa din niya ang mga masasakit na sinabi niya sa akin. Gusto ko ng matapos ito at makabalik kami sa dati.
Agad akong lumapit sa kaniya kahit may namumuong kaba sa dibdib ko at sinabit ang dalawa kong kamay paikot sa kaniyang leeg.
“Ethan..” dinikit ko ang ilong ko sa tungki nito, at pumikit pa ako ng konti na parang nagsa-suggest ako ng kiss sa kaniya. Nagreact naman agad siya at hinila ako palapit sa kaniya.
He captures my lip, our tongues swirling together, bumilis agad ang pulso ko ng malunod nanaman ako sa kaniyang halik.
“Is that what you wanted?” tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya. “Is that what YOU wanted?” balik kong tanong sa kaniya habang magkahinang pa din ang aming mga labi.
Hindi na siya sumagot pa at lalo lamang nitong pinalalim ang halikan namin hanggang sa kapusin na ako ng hininga ko. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay wala akong ibang makita sa mata niya kundi pagmamahal. Para namang napupuno ng tuwa ang puso ko sa isiping mahal niya ako, na ayos na kami.
Mabilis niya akong kinulong sa mga braso niya habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg ko at unti-unti kong nararamdaman ang pagsipsip nito doon na agad kinaungol ko.
Ramdam ko ang excitement sa buong katawan ko, nararamdaman ko nadin ang pagkabasa sa pagkababae ko, habang ang kaniya ay ramdam ko na sa bandang puson ko.
“You’re going to make me late.” agad bumaba ang kaniyang palad sa pang-upo ko at agad hinimas iyon na nagpadagdag sa init na nararamdaman ko. “Ang hirap magpigil sayo.” natawa ako ng mahina at naalala ko ang kagabi.
“Talaga ba? Bakit parang hindi naman ganon ang nangyari kagabi?” pangaasar ko at tumawa ito ng mahina saka itinigil ang ginagawa.
“I love you, Chiara. But I don’t want to claim you last night na ganoon ang sitwasyon natin. I was really mad last night pero hindi sayo, ayoko lang maibunton sayo ng sobra ang lahat, napagsalitaan na kita ng masasakit kagabi kung may nangyari pa sa atin ay baka naging marahas pako sayo.” ngumiti ako.
“Rough sounds good.” natawa nanaman siya at hinalikan ang leeg ko.
“Pilya ka, Chiara, and I really like that. Next time or maybe... later.” nanlaki ang mata ko at natawa nanaman siya sa reaction ko, niyapos na lamang niya ako habang pinapaulanan ng halik sa buong mukha ko saka niya ako binitiwan habang may nakakalokong ngiti sa labi niya.
“See you later. Enjoy your lunch date with Solenn.” medyo naexcite naman ako sa pa ‘See you later’ niya.
YOU ARE READING
BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLO
RomanceIn this story, an arranged marriage with Chiara Bianchi worst enemy will lead her to a life of passion she never imagined!