CHAPTER NINETEEN

64 2 0
                                    

 
Hindi ako umimik dahil nagkakamali siya, ngayon na alam ko ang totoong nararamdaman ni Ethan sa akin. He chose me, pwede siyang pumili kina Ate pero ako ang pinili niya. Ang mga nalaman ko ang nagpapatatag sa sarili ko na maaayos pa namin ito.

“Someone will come to me.” saad ko.

“We’re counting on it. Pero sino nga kaya ang magliligtas sayo is it Bianchi or Montello? Something tells me na kahit ikaw ay hindi ka sigurado kung sino sa dalawang pamilya mo ang pupunta dito.”

“Ililigtas ako dito ni Ethan.” natawa naman siya.

“After you lied to him, duda akong maniniwala ang asawa mong tunay ang kidnapping na ito. Kapag naman hindi ka niligtas ng asawa mo at nalaman ito ng pamilya mo lalo na ang kapatid mo ay sigurado kong magagalit yon ng sobra.” hindi ako nakasagot dahil sa mga sinabi niya ay hindi ko rin sigurado, paano kung mas matimbang nga ang galit sa akin ni Ethan ngayon.

Natigilan naman kami pareho ng makarinig namin ang malalakas na sigawan sa labas.

“What was that?” huminga siya ng malalim.

“It must be Enzo. Talagang umaasa kang darating ang asawa mo? At saka kapatid mo lang naman ang hindi nagiisip ng maigi at basta-basta nalang sumasabak sa gyera ng hindi pinaghahandaan.” nakahinga ako ng maluwag sa isiping makakaalis na ako dito, pero narealize ko na tama si Rocco, basta-basta nalang talagang nagdedesisyon si Kuya ng walang plano na parang mas inuuna niya ang bugso ng damdamin nito.

Ang mga natutunan ko kay Ethan ay nagpaplano muna siya ng maigi bago sumabak sa mga ganitong gyera kaya palagi niyang nakukuha ang tagumpay na nais niya.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga tauhan ni Rocco na pumosisyon na para idefend ito habang si Rocco ay sa akin nakabantay.

Hinila niya ako sa isang sulok. “Stay here.” aniya saka nito inilabas ang baril nito.

A door bursts open, rattling on its rusted hinges from the force of it. Napatitig ako sa lalaking pumasok sa pinto.

“Ethan?”

Natawa naman ng malakas si Rocco ng makita din si Ethan. “Well, well, hindi ko inaasahan na ikaw ang pupunta. Akala ko pa naman sinukuan mo na ang anak ng kaaway ng pamilya mo.”

“Fúck you!” Ethan’s fist strikes Rocco’s jaw, while Montello men rush out after him. They quickly engage the Morettis.

Hindi ko alam ang gagawin ko at nakatayo lang ako habang pinapanood si Ethan at Rocco kung paano magpalitan ng mga suntok, hanggang sa makatutukan na sila ng kanilang mga baril.

“Take her out of here. Now.” utos niya sa mga tauhan niya kaya mabilis silang lumapit sa akin at kahit ayaw kong iwan si Ethan sa loob ay ayaw ko din naman siyang sawayin pa at baka mas lalo lang siyang magalit sa akin.

Paglabas ko ay napayakap ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa mga sunod-sunod na putukan ng baril na naririnig ko? Hindi ko alam kung sino sa kanila ang tinatamaan nito.

Naiiyak nalang ako sa pagaalala sa kaniya hanggang sa makita ko nalang ang paglabas niya sa warehouse at kinausap nito ang isa sa tauhan niya.

Lumapit naman ako sa kaniya pagtalikod ng isa sa mga Montello at inaasahan kong kakausapin niya ako pero ni hindi man lang niya ako tiningnan at dumeretso siya sa ibang Montello na kasama niya.

Alam kong iniiwasan niya ako pero hindi ako tumigil sa pagsunod sa kaniya. “Ethan..” mahina kong tawag sa kaniya at huminga ito ng malalim bago siya humarap sa akin pero dumilim ang expression niya ng mapansin ang sugat sa ulo ko.

BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLOWhere stories live. Discover now