CHAPTER THIRTY-EIGHT

40 2 0
                                    


“What?” napabuntong-hininga ako bago ko sinalubong ang mata niya kahit nakikita kong lumalaki na talaga ang apoy.

“Sa tingin ko buntis ako. Hindi pa ako nakakapag pregnancy test pero hindi pa din kasi ako dinadatnan, hindi rin naman tayo nagiingat sa t’wing ginagawa natin yon.” mahina kong sabi.

Inangat nito ang kaniyang kamay para haplusin ang pisngi ko, ilang segundo din siyang nakatingin sa mata ko na parang doon siya naghahanap ng sagot.

“Please, Ethan, sumama kana sa akin..” sabi ko at ibinaba nito ang kamay niya at dumeretso ng tayo niya habang umatras ito palayo ng konti sa akin, kinakabahan ako sa magiging desisyon niya. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero muli siyang lumapit sa akin para tulungan akong makaakyat sa bintana.

“To the window. Climb down, Chiara.” mariing utos niya.

“Aakyat lamang ako kapag nangako kang susunod ka sa akin. Mangako ka, Ethan.” sabi ko sa kaniya kahit di ako sigurado kung gagawin nga niya.

“Pangako.” sabi nito kaya tumango ako. Wala na akong ibang magagawa ngayon kundi ang magtiwala sa kaniya na susunod ito sa akin.

Ilang minuto din ang lumipas simula nang makaapak na ang paa ko sa lupa ay ang pigura naman ni Ethan ang nakita kong umaakyat sa may bintana para sundan ako.

Mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit. “Thank god! Akala ko hindi kana susunod sa akin..” umiiyak kong sabi habang nanginginig na ang buong katawan ko sa nerbyos kanina pa.

“Shh. I gave you my word, my wife.” napapikit ako saka tumango-tango, naramdaman ko din ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit.

Nasa ganoon kaming pwesto ng makarinig kami ni Ethan ng palitan ng putok ng baril. Mahigpit akong hinawakan ni Ethan habang itinatago niya ako sa likod niya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon pero sinundan ko lang si Ethan, at hinanap namin iyon at ganon na lamang ang gulat ko, parang manghihina ang tuhod ko sa nakita ko. Naramdam ko ang higpit ng kapit ni Ethan sa kamay ko kaya naman nilingon ko siya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya, sobrang dilim no’n.

“E―Ethan...” binitiwan niya ang kamay ko kaya naman sinubukan kong hawakan muli ang kamay niya pero tinabig niya lamang iyon.. Kita ko ang nahihirapan niyang paglakad habang papalapit sa kakambal niyang si Solenn na nakahandusay sa lupa at wala ng malay.

Nakita kong andon sa tabi niya si Kuya Enzo, galit na galit ang mukha nito habang hawak ang baril at sa kabilang bahagi ay doon ko nakita ang nahihirapan nasi Mr. Lucan may tama ito ng bala sa dibdib niya mula sa baril ni Kuya.

Mabilis na lumuhod si Ethan at kinuha si Solenn sa kamay ni Enzo... “Di―Did you call am... a―ambulance?” mahina pero may riin na tanong nito kay Kuya Enzo...

“Tumawag na ako.” sagot nito kaya tumango ito at niyakap ng mahigpit ang kakambal.

“Who did this to her, Enzo?” tanong ni Ethan na mukhang hindi pa napapansin ang amang nahihirapan din sa kabila.

“Ang magaling mong ama, Montello.” sabi ni Kuya kaya naman sinundan ni Ethan ang tingin ni Kuya at nong makita niya ang ama ay maingat niyang binalik si Solenn kay Kuya at nilapitan ang ama.

Mabilis akong lumapit sa tabi ni Solenn at hinawakan ang pulso niya.

“W―Wala bang iba pang madaling paraan, nasaan ang mga kotse niyo?” tanong ko kay Kuya.

“Madaming mga nasugatang mga tauhan kaya pinahatid ko muna sila sa ospital, h―hindi ko alam na mangyayari ito kay Solenn..” sabi nito at kita ko ang takot sa mukha ni Kuya.

“K―Kuya magiging okay din si Solenn.” napalingon naman ako at may nakita akong kotse na huminto, medyo malayo iyon sa amin pero nakita kong may bumabang babae at nangunot ang noo ko ng makita si Rocco, galing ito sa loob ng building at madami din siyang naging sugat. Tumayo ako at tumakbo doon.

“Rocco! Pupunta kaba ng ospital?” desperada ko ng tanong at kumunot ang noo niya.

“Hindi.. Sa bahay lang ako. Hindi naman malala ang sugat ko, bakit?” tanong niya at napalingon siya sa likuran ko at nakita niya ang mga nangyayari. Wala pa man akong sinasabi ay binuksan na ng babaeng kasama niya ang kotse at may kinuha ito sa loob na gamit niya.

“Matagal na ba ang bala sa katawan niya?” tanong nito habang nagsusuot siya ng gloves kaya nilingon ko si Rocco at tumango ito sa akin.

“She’s Elena Mariani, doctor yan.” sabi niya at napasimangot ang mukha ng babae ng walang pumansin sa tanong niya at iniwan kami doon para icheck si Solenn.

Lumuhod ito sa tabi ni Solenn habang ginugupit nito ang parte ng damit nito para icheck ang tama ng baril sa dibdib.

Kita kong nakatayo nasa tabi namin si Ethan, tiningnan ko si Mr. Lucan at wala na siyang malay sa kakasuntok ni Ethan kanina.

Pagkailang minuto ay tumayo na nga si Elena at tumingin sa amin. “Natanggal ko na ang bala sa dibdib niya pero madami pa ding dugong nawala sa kaniya kaya kailangan na siyang maidala sa ospital para masalinan ng dugo. Rocco, kaya mo naman magmaneho di ba?” tanong nito sabay bato sa kaniya ng hawak na susi.

“Nakikita mo naman siguro ang lagay ko, di ba? Sa tingin mo kaya kong magmaneho?” angal ni Rocco.

“Kailangan kong hawakan ang pasyente, Rocco! Hindi ako puwedeng magmaneho―”

“Si Enzo na ang magmamaneho.” seryosong sabi ni Ethan kaya nilingon namin si Kuya at ng marinig niya yon ay agad kinuha nito ang susi kay Rocco. Nagmadali na kami pero maingat parin naming ipinasok sa loob si Solenn, nasa likuran kaming tatlo ni Elena at napapagitnaan namin si Solenn. Si Kuya ang magmamaneho habang si Rocco ay nasa passenger seat katabi nito.

“Hindi ka sasama sa amin?” tanong ni Kuya kay Ethan at umiling siya.

“Susunod ako. Hindi ko puwedeng hayaan na makatakas pa ang ama ko.” sabi niya kaya tumango ito, humalik pa muna si Ethan sa noo ko. “Update me, wife.” tumango ako bilang tugon.

“Sige, magiingat ka.” sabi ko.

“Tara na.” seryosong sabi ni Elena kaya naman sinara na ni Ethan ang pinto sa tabi ko at nagmaneho na nga si Kuya papunta sa ospital.

BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLOWhere stories live. Discover now