CHAPTER EIGHTEEN

62 3 0
                                    

“Kapatid ko siya. Hindi ko siya kayang ipahamak dahil lamang sa mga weapons na yan. Ayokong lalo kayong mag-away, lumalala na ang alitan niyong dalawa.” napahilamos siya ng kamay sa mukha niya at tumawa ng mahina.

“You didn’t trust me enough to tell me the truth. Either that, or you purposefully mislead me.” Ethan’s lips draw into a thin line. Iniexpect kong magagalit siya ng sobra pero hindi, sobrang kalmado lang siya kaya mas kinakabahan ako.

Nakatitig lang ito sa malayo na parang sobrang lalim ng iniisip niya. Pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan ay nagsalita na siya.

“Alam mo bang ikaw ang pinili ko.” natigilan ako. Huminga siya ng malalim. “It was part of the deal. I could choose which Bianchi to marry. I choose you.”

“Ako? Bakit ako?” naguguluhang tanong ko.

“I saw you once, three years ago. It was at a club in the city. You didn’t see me, but I never forget you.” natigilan ako at bigla kong naalala ang kwinento niya sa akin nong papunta kami sa Costa Rica, yung babaing nakilala niya sa bar pero hindi niya pinursue na ligawan dahil sa responsibilities niya as an heir ng Montello family.. So it was me? Ako ang tinutukoy niya? Naiiyak ako sa nalaman ko.

Isang malungkot na ngiti ang naglalaro sa labi niya habang inaalala nito ang gabing nakita niya ako. “You may be the daughter of my enemy, but you’re still the most beautiful woman I’ve ever seen. Poised, elegant, graceful... I thought, if I was going to be forced in marriage, it could be at least be with you.”

“Hindi ko alam, ang akala ko sina daddy lang ang nagdesisyon nito para sa atin. Pero kung pinili mo ako,  that means...” para naman akong nabuhayan, kung totoo ngang ako ang pinili niya at may nararamdaman siya sa akin ay baka maayos pa namin ito, baka mapatawad niya ako sa nagawa ko.

“It means I was weak. Choosing you was a weakness, because my feelings to you has clouded my judgment. That was my mistake.” his expression hardens. His eyes narrow with suspicious as he turns his steely gaze on me.

“You played the part so well. Napaniwala mo ako na may pake ka din sa akin, na yung relasyon natin ay pwedeng maging totoo.” lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

“It was real.. mahalaga ka sa akin.”

“I don’t believe you.” pilit niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya saka siya nagsimulang maglakad palayo sa akin kaya agad ko siyang sinundan. This is a mess, pero alam ko, alam kong maayos pa namin ito.

“Stop! Nagkakamali ka. I never betrayed you, pakinggan mo muna ako please, maaayos pa natin ito.” pakiusap ko pero umiling siya.

“You can never repair my broken trust. It’s done. The marriage will be annulled. I’ve arranged for a car to pick you up and take you to your family home. The driver will arrive soon.” saad niya at para akong naalarma ng maglakad muli siya.

“Ano? Pero Ethan, haya―”

“That’s enough. No more of your honey lies. It seems I fall for them too easily, but I suppose that’s your family was counting on.” iniisip ni Ethan na lahat ng ito ay plinano ng pamilya ko, para, para mas umangat ang pamilya namin, na lahat ng pinakita ko sa kaniya ay pawang pagpapanggap lang pero hindi, totoo ang pinakita at pinaramdam ko sa kaniya.

Naglakad ako papunta sa harap niya. “Sa tingin mo ba talaga nagpapanggap lang ako? Lahat ng pinakita ko at pinaramdam ko sayo, lahat yon totoo... alam kong galit ka sa akin ngayon dahil naglihim ako sayo pero kailangan ba talagang umabot tayo sa ganito? Sige, tatanggapin ko ang galit mo sa akin pero please ... bawiin mo yung annulment na sinabi mo kanina.” tumutulo na ang luha ko pero hindi man lang niya ako tiningnan, galit nga siya sa akin.

BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLOWhere stories live. Discover now