CHAPTER TWENTY FOUR

55 2 0
                                    


Pagpasok nga namin sa dining room, agad naningkit ang mata ko sa ayos na naabutan namin ni Ethan kila Solenn at Kuya Enzo.

Nakaupo lamang sila pero ang kaninang medyo magkalayo na upuan ay halos magkatabi na, nagtatawanan pa sila habang may tinitingnan sa cellphone ni Kuya Enzo.

Sobra ang mga ngiti sa labi nila, parang ito lang ata ang unang beses kong makitang tumatawa ng genuine si Kuya na kaharap ang isang Montello. Dahil sa pagkakatanda ko wala siyang pinipili, galit ito sa lahat, mapababae man o lalaki.

Agad lumayo si Solenn kay Kuya ng marinig niya ang pag-ubo ni Ethan sa tabi ko, napaiwas din ng tingin si Kuya.

“Oh! A―Andyan na pala kayo Kuya...” hindi makatingin ng deretso si Solenn sa kakambal niya, wala namang sinasabi si Ethan pero yung tingin niya sa kanila ay parang iba na eh. Napalunok naman ako ng tumaas ang kilay ni Ethan, looking between the two of them expectantly. Solenn gives him a bright and slightly guilty smile.

“Did we interrupt something, Enzo?” tanong ni Ethan kay Kuya kaya agad kong hinawakan ang kamay ni Ethan sa ilalim ng lamesa.

“No, not at all, Kuya. Enzo was just showing me a video on his phone.” paliwanag nito sa kakambal. “Is everything okay?” pagiiba nito sa topic at tumango naman ako habang si Ethan ay huminga ng malalim.

Inilipag ko na nga ang desserts para sa aming apat pero kapansin-pansin pa din ang pananahimik ni Ethan kanina pa, alam kong napapansin na din niya ang ibang closeness ni Solenn at Kuya, for me kung ano man yan ay ayos lang naman sa akin.. pero for sure akong nagaalala lang siya sa kakambal niya kasi alam nito ang galit ni Kuya Enzo sa pamilya niya.

Kahit ako din naman nagtataka kung bakit tila exempted si Solenn sa galit niya eh.

***

We manage to make it through dessert with any more arguments breaking out. Solenn’s presence is a huge help. She keeps the conversation lighthearted.

“I’m not sure this dinner really brought Ethan and Kuya Enzo together, but at least it proved they can be the same room.” natawa naman ng mahina si Solenn habang pinagmamasdan din sila, sinubukan muna namin silang iwan sa dining table pero malapit pa din kami sa kanila. Parang may pinaguusapan sila at hindi namin iyon marinig, mukhang nagpapalitan nanaman sila ng mga salita, napailing ako, parang mga bata talaga.

“This was really fun! We should all have dinner again soon. Maybe I can host the next one.” tumango naman ako sa kaniya at nagsitayuan na sila, natigilan naman kami dahil baka bigla nanaman silang magsuntukan pero buti nalang ay huminga ng malalim si Ethan habang si Kuya naman ay umirap lang sa kaniya at lumapit na sa amin. Agad ko namang hinila si Kuya para kausapin.

“Uh, by the way... thanks for coming and trying to have a dinner with us.” sabi ko sa kanya at ngumiwi ito. “Alam ko namang hindi madali para sayo ‘to pero importante talaga sa akin ang magkaayos kayo, pareho kayong importante sa akin, pareho ko kayong mahal.” huminga ito ng malalim, mukhang kalmado naman siya.

“Well, mukhang hindi naman lahat ng Montello sa pamilya nila is masama ang ugali katulad ng mga kwento ng ninuno natin. Solenn’s pretty great.” napakagat ako sa labi ko para pigilan ang matawa. “Sobrang layo ni Solenn kay Ethan.” dagdag pa niya.

“Hoy para sabihin ko sayo parang tayo lang yan, madami ding hindi makapaniwalang magkapatid tayo kasi dyan sa instinct mo minsan mali, at saka mabait ang asawa ko Kuya.. hindi mo lang kasi siya sinusubukan kilalanin.” natawa nalang ito.

“By the way kanina... kapansin-pansin talaga ang closeness ninyo ni Solenn.” sabi ko sa kaniya.

“We hardly know each other. Baka mas kilalanin ko pa siya...”

BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLOWhere stories live. Discover now