CHAPTER TWENTY THREE

40 2 0
                                    

“Hindi naman. We just met at the engagement party. And then we spent some time together at your wedding.” saad niya kaya naman agad kong tiningnan si Kuya dahil nagtataka lang ako kung bakit ayos lang sa kaniya na kausap si Solenn eh galit nga siya sa buong pamilya nito.

“If you know Enzo so well, you must know that he and I have nothing in common.” sagot naman ni Ethan sa kapatid niya, ngumiti naman si Solenn dito.

“You do have one thing in common. You both care about Chiara. You both only want what’s best for her.” umirap si Kuya.

“If that’s true, then we don’t have the same idea of what’s best for her.” hirit pa ni Kuya.

“A doting husband. Isn’t that what you want for me?”

“Are you supposed to be her doting husband. You don’t even sleep in the same bedroom!” palitan nila ng mga salita, agad akong tiningnan ni Ethan at nakasalubong na ang noo nito na parang iniisip niyang ikwinento ko pa iyon sa kapatid ko eh sa totoo lang hindi ko alam kung paano nalaman ni Kuya ‘yon.

“Kakikilala palang namin ni Ethan noon, binibigyan lang niya ako ng privacy for myself kaya madalas hindi kami natutulog ng magkasama.” he scoffed.

“Or kailangan lang niya ng privacy for himself so he can plot against our whole family!” huminga ako ng malalim saka tiningnan siya.

“Alam ko naman ang concerns mo kay Ethan. Pero magkasama na ang pamilya natin. Hindi na natin sila kaaway, Kuya.” pangungumbinse ko.

“Oh yun lang ang gusto nilang paniwalaan natin.” napapikit ako dahil hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko kay Kuya, madalas kasi ang bibig nito ay walang tigil, madalas mas inuuna niyang magsalita ng masasakit tapos pagsisisihan din niya sa huli.

“Strange, isn’t it? Palagi mong ini-imagined ang sarili mo sa lalaking mapapangasawa mo in the future and yet you ended up with an arranged marriage, nakakalungkot lang.” napalunok ako dahil hindi ko alam kung saan nanaman patungo ito.

“The most romantic person I know never got a chance to find her soulmate. You never even got a real proposal.” pinilit kong huwag magpaapekto sa sinasabi ni Kuya dahil alam ko sa sarili ko na sapat na ang relasyon namin ngayon ni Ethan, inimagine ko man ‘yon o hindi.

“Come on, Kuya. Isa lamang ‘yon na childish fantasies, this is reality.”

“Depressing reality.” natatawang sabi niya saka sumandal sa kaniyang upuan at tiningnan si Ethan ng tumayo ito.

“Excuse me.”

Halos mapalundag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang pagatras ng upuan ni Ethan at iwan kami sa hapagkainan. Agad kong tiningnan ng masama si Kuya.

“You’re being an ásshóle. Kailangan mo paba talagang sabihin sa kaniya ‘yon?” inis kong tanong sa kaniya saka tumayo.

“Bakit ka ba nagagalit, ha? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, hindi ko na kasalanan kung hindi niya yon matanggap!” huminga ako ng malalim saka tiningnan si Solenn, I give her an apologetic look bago ko sinundan si Ethan.

Naabutan ko si Ethan sa may terrace habang hawak ang isang bote ng tequila at iniinom iyon. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.

“Sorry about my brother.” he took a deep before and turns towards me, sobrang tense lang ng expression niya habang nakatitig sa mukha ko na parang may hinahanap siya.

“Is it true, what he said about you? Have you always been a romantic?” napayakap ako sa sarili ko ng humingin ng malakas.

“Well, I had those dreams when I was young. I always thought I’d find my soulmate someday and that we’d get married. Pero hindi naman yon ang nangyari sa akin.”

BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLOWhere stories live. Discover now