CHAPTER TWENTY

51 2 0
                                    

Bumalik kami sa penthouse. Ang apoy sa mukha ni Ethan ay agad naging yelo. Tiningnan niya ako nang malamig na tila wala siyang paki-alam sa akin na nagbigay ng kakaibang sakit sa dibdib ko.

“Go to your room, Chiara. We can discuss what this all means tomorrow.” umiling ako at lumapit sa kaniya.

“I’d rather discuss it now. Our future is looking very uncertain right now...” umiwas agad siya ng tingin at inilayo ang kaniyang kamay na nais kong hawakan.

“Go to your room and I’ll go to mine. I won’t tell you twice.” napalunok ako at agad pinalis ang luhang tumulo sa pisngi ko saka umiling muli.

“Paano kung ayokong matulog na magkahiwalay ang kwarto natin? What if I want a real marriage, not a fúcking sham!” hindi ko na naitago pa ang emosyon ko sa kaniya, sobra na akong nasasaktan sa nangyayari sa amin.

Pero isang mahinang tawa lang ang nakuha ko mula sa kaniya na nagpakulo sa dugo ko. Hanggang sa maari ay ayokong magalit sa kaniya kasi alam kong galit lang siya sa nagawa ko, dahil kasalanan ko naman talaga pero yung maging ganito siya.

Agad kong sinuntok ang braso niya kaya sumeryso ang mukha nito at tiningnan ako ng deretso. “Bakit ang dali mo ‘kong talikuran. Maybe I should be accusing you of tricking me, instead of the other way around!” sigaw ko sa kaniya pero wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya. “Ang sabi mo sa akin pwede kitang pagkatiwalaan. You made a promises to me. You made a vows! Pero agad mo akong tinalikuran dahil nanghihinala ka sa akin na hindi totoo ang lahat ng pinakita ko sayo? Bakit ha? Naghinala din naman ako sayo pero pinili ko padin na mag-stay sa tabi mo, sinubukan kong alamin kung nagtatago at nagsisinungaling kalang sa akin.” nangunot ang noo niya at nilingon ako.

Tumango ako sa kaniya. “Oo, tama ka. Noong bago tayo sumakay ng eroplano papunta sa Costa Rica nakipagkita sa akin ang kapatid ko para sabihin na may shipment na magaganap, naghinala ako sayo non na baka way mo lang ang honeymoon trip natin pero ang totoo nais mo lang talagang makita ang shipment... pero sumama pa din ako sayo, pero hindi ako mapanatag kaya noong gabi ay sinundan kita, inalam ko ang totoo kung nagtatago ka sa akin pero nalaman ko na hindi. Kaya bakit ikaw napakadali lang sayo ng lahat! Bakit hindi mo muna alamin ang totoo, oo nagsinungaling ako sayo pero totoo lahat ng ipinakita at pinaramdam ko sayo!” paglalabas ko ng sama ng loob sa kaniya pero kagaya kanina ay wala akong natanggap na sagot sa kaniya at tinalikuran lang niya ako kaya mabilis akong humarang sa harap niya.

“Ayusin natin ito, Ethan, please. Nangako ka sa akin, di ba? Huwag naman ganito.” nakikiusap kong saad sa kaniya at umiwas siya ng tingin ng subukan kong salubungin ang kaniyang mata.

“I let my emotions lead for a moment, but I’m over now. I know our marriage is essential to the peace process.” umiling ako sa kaniya.

“Pero hindi lang ito basta political, Ethan. Ang sabi mo pinili mo ko. Ang sabi mo ako ang kahinaan mo, hindi ba?” napalunok ako ng tingnan niya ako ng deretso.

“Did you see weakness tonight? Rocco tried to take what’s mine and I took it back. Besides, I couldn’t let him threaten the truce.” hinawakan ko ang mukha niya.

“Natatakot kalang sa nararamdaman mo. You think falling for me will cloud your judgment, but we could be stronger as a team.” inalis niya ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit na kinadaing ko.

“We will never be a team, Chiara. That’s not in store for us. I allowed myself to feel for you, for a misguided moment. That moment is gone. From here on out, you’re my wife in name only.” saad niya saka ako iniwan doon na umiiyak.

Pumasok na nga ako sa dating kwarto ko pagkalipas ng ilang minutong pagluha ko at sinubukan kong ikalma ang sarili ko dahil nagmumukha na akong batang paslit na iniwan na walang kamuwang-muwang sa mundo.

BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLOWhere stories live. Discover now