I arrived at the place I arranged to meet Rocco. I’m a ball of nervous energy right now, waiting to see if he’ll really show. Shít! He actually came. I thought he would, but to actually see him here... God, I hope this works.“Chiara... akala ko nagbibiro kalang. Hindi ka naman siguro pinadala ng pamilya mo dito.” nakangisi niyang tanong habang nakapamulsa pa at seryosong nakatingin sa mukha ko na parang pinagaaralan nito ang ekspresyon ko.
“I’m here for myself, Rocco. And... f―for you.” napatawa ito saka umiling-iling pa, tumingin din siya sa malayo pero patuloy pa din ang nakakainis na pagtawa nito bago huminga ng malalim at tumingin muli sa mata ko.
“Huling kita natin halatang gustong-gusto mo ang Ethan na iyon. Why the sudden change of heart?” tanong niya saka ito dahan-dahang lumapit sa akin at hinawakan pa ang baba ko para iharap ko sa kaniya ang tingin ko pero mukhang hindi ko siya kayang titigan. This is not Rocco na nakilala namin ni Kuya noon.
“I... I h―haven’t had a change of heart. I was asked to play a part and I played it. Our marriage is just a sham. Alam mo yan.” pagsisinungaling ko. Sobrang sakit sa akin ng mga pinagsasabi ko pero ito lang ang paraan ko ngayon, at sasabihin ko lahat kay Rocco ang mga nais niyang marinig na matatamis na salita mawala lamang siya sa mga kalaban ni Ethan.
Napalunok muna ito bago nagpakawala nanaman ng malalim na pagtawa, hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa akin o hindi pero napalis ang mga iniisip ko ng hawakan nito ang beywang ko at hapitin palapit sa kaniya at ilapit ang kaniyang labi sa may tenga ko.
“So sinasabi mo bang napapagod ka nang magpanggap na mahal mo si Ethan kaya ka lumapit sa akin, ganon ba ‘yon?” tanong niya at no’ng tingnan ko ang mukha niya ay may naglalarong ngisi sa kaniyang labi.
“H―Hindi ka ba naniniwala sa akin, Rocco?” kinakabahan kong tanong at hindi siya nagsalita kaya huminga ako ng malalim at inipon ang buong lakas ko bago ko hinawakan ang pisngi niya at hinaplos iyon, kita ko ang pagtagis ng kaniyang baga habang tinitingnan ang kamay kong nakahawak sa kaniya.
“Kilala mo ako, Rocco, alam mong hindi ako magsisinungaling. We could be good together.” pagpapanggap ko at lumunok muli ito ng kaniyang laway bago ito sumagot.
“Paano naman ang loyalty mo Chiara? Sa akin o sa pamilya mo?” napakurap ako sa tanong niya pero agad din akong sumagot kasi alam naman ng pamilyang kong pagpapanggap lamang ito.
“Syempre sayo, Rocco. Ayoko na ng mga nangyayari, puro away nalang. Umalis nalang kaya tayo.” sabi ko habang ang aking paghinga ay nagiging marahas na dahil sa kaba ko sa magiging sagot niya.
Tumawa ito ng mahina saka kinagat ang kaniyang ibabang labi. “Aalis tayo? Sasama ka sa akin?” nakangisi niyang tanong at tumango ako.
“Oo, l―like I said ayoko na nang mga nangyayari. Alam kong mga bata palang tayo ni Kuya noon ay inihahanda na tayo pero hindi ‘yon ang gusto ko. Kaya please... Rocco, m―maniwala ka sa akin, h―hindi ako nagsisinungaling sa’yo.” pangungumbinsi ko pa sa kaniya.
“Fine.” saad niya kaya napaayos ako ng tayo ko.
“Fine? So... naniniwala kana sa akin?” tanong ko at hindi ito nagsalita at tinitigan lang ako ng mataman kaya napaiwas ako ng tingin. Mukhang nagdududa talaga siya sa akin. “Rocco... saan tayo pupunta ngayon? Puwede mo ba akong ilayo? Natatakot ako kay Mr. Lucan, eh.” pagpapanggap ko pa at huminga ito ng malalim at hinawakan ang kamay ko na parang natauhan siya.
“Yes, kailangan kitang ilayo dito. Lucan wants to kíll you.” napatitig ako sa kaniya, kita kong seryoso ang pagaalala sa mukha nito kahit hindi ako sigurado kung naniniwala ba talaga siya sa akin.
YOU ARE READING
BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLO
RomanceIn this story, an arranged marriage with Chiara Bianchi worst enemy will lead her to a life of passion she never imagined!