CHAPTER THIRTY-SEVEN

37 2 0
                                    


“Bago ako makipagkita sayo, nakipagkita na ako kay Enzo, ibininalik ko nasa kanila ang mga argamento na nais ni Lucan Montello. Bahala na kayong dalawang pamilya ang magpatayan.” sabi niya at unti-unti kong ibinaba ang baril ko.

“Bakit mo ito ginagawa?” tanong ko sa kaniya.

“Ang alin? Ang ibalik ang mga argamento?” tanong niya at umiling ako.

“Bakit mo ito ginagawa lahat? Kakampi ka namin noon, bakit sumasapi kana ngayon sa kalaban?” tanong ko at tumawa siya.

“Kwinekwestiyon mo ba ang pagkampi ko kay Lucan Montello? Bakit ikaw? Nagpakasal ka nga kay Ethan, di ba?” may pangaasar sa boses niya.

“Ayon ba ang dahilan mo?” tanong ko at tumawa ito saka umiling.

“Aaminin ko na gusto kita. Pero hindi ako magpapakatanga sa isang babae. Nagaalala ako sayo dahil kaibigan ko kayo ni Enzo, ayon lang ‘yon.” sabi niya at hindi ako nagsalita at pinakinggan ko ang paliwanag niya.

“Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil kay Ethan. Isa siya sa malaking kalaban ko ngayon.” sabi niya at hindi pa din ako nagsalita. “Alam niyo ang hirap ko mula pagkabata ko mula sa ama ko. Halos mamatay ako noon sa training araw-araw pero ano? Sa huli kay Ethan lang mapupunta ang pamumuno dito?” umiling ako.

“Ano bang sinasabi mo, Rocco? Iniisip mo bang nais agawin ni Ethan ang pamumuno mo sa Cosa Nostra?” huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Nagkakamali ka. Walang planong agawin si Ethan na kahit na ano mula sa pamilya niyo.” sabi ko. “Si Mr. Lucan ba ang nagsabi niyan sayo, ha?” tanong ko at tumango siya.

“Madami siyang ebidensya.” sabi nito at napasabunot ako sa buhok ko bago siya hinarap at nagpaliwag.

“Na sigurado akong pakana lang din niya, o baka naman ang ebidensya na idinidiin niya laban kay Ethan ay siya mismo yon.” sabi ko. “Rocco baliw na ang lalaking iyon. Masyadong gutom si Mr. Lucan sa kapangyarihan, kaya kung mayron man na umaagaw non sa’yo hindi kami, at mas lalong hindi din si Ethan. Tandaan mo ang mga pinaggagawa niya ngayon, naghahanda siya ng gyera laban sa amin? Maiintindihan pa yon kung sa amin lang pero kahit na ang sarili niyang anak ay kaya nitong isalang-alang matupad lang ang pangarap niya.” mahabang paliwanag ko.

“Wala ng saysay yang paliwanag mo. Ibinalik ko na ang mga argamento kay Enzo, kayong dal’wa nalang ang magpatayan, labas na ang pamilya ko dito. Pero ito ang tandaan mo, kung itutuloy ko ang laban na ito kasama si Lucan paniguradong panalo kami. Alam mo kung bakit? Pamilya ko, ang mga taong kakampi pa din ni Lucan, at ang pwersa ng pamilya ng babaing mapapangasawa ko.” sabi niya.

“Ang pamilya Mariani?” tanong ko at tumango siya.

“Pero para sa malaking respeto ko sa ama mo, sa kapatid mong si Enzo, hindi na kami makikisali pa.” napalunok ako.

“S―Salamat.” sabi ko at tumango siya.

“Sigurado naman akong kaya niyo na yan na wala ang tulong ng pamilya ko, hindi ba? Or pwede naman pagusapan yan kung sasabihin mong nagsisisi kang si Ethan ang pinakasalan mo.” umirap ako sa sinabi niya pero nakaramdam ako ng ng ginhawa ng makita kong tumatawa na siya.

“Thank you, Rocco!” sabi ko at niyakap ko siya bilang isang kaibigan, na itinuturin kong kapatid.

“Ang lakas naman ng loob mong yakapin ang asawa ko!” nanlaki ang mata ko ng makita ko ang galit sa mukha ni Ethan, at nong makita iyon ni Rocco ay tumawa lalo ito at ang siraulo ay inakbayan pa talaga ako.

“Teka lang, ano ba! Rocco, ano ba?” saway ko sa kaniya at umiling-iling ito at nong lalapitan ko na sana si Ethan ay bigla nitong sinunggaban ng suntok si Rocco at nong balak pa niyang saktan ito ay pinigilan ko na siya.

BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLOWhere stories live. Discover now