“Mukha ba akong demanding, Montello?” pabiro kong tanong at umiling-iling naman siya.
“That’s not what I meant. I just want you to know that you can have whatever you want.” sabi nito kaya tumango nalang ako at nanatili kami ng ilang segundo sa ganong posisyon pero maya-maya din ay binitiwan na din niya ang aking pisngi at huminga ng malalim.
“Anyway, I’ll have the staff bring your luggage up to your room.” kumunot ang noo ko.
“My room? Baka ibig mong sabihin room natin?” saad ko at umiling siya.
“Not yet. I think it would be best for us to sleep separately, until this marriage feels more... natural.” natahimik naman ako, may parte sa akin na parang gusto kong tumutol sa ideyang iyon pero alam ko naman na ginagawa niya lang iyon para sa akin.
“Do you think you could be happy here? Maybe not now, but one day soon.” sabi niya at tumango naman ako, halata sa kaniyang mata na tila may hinihintay siyang sagot ko pero ngumiti na lamang siya.
“Good. If that’s settled, then it’s time for me to give you my wedding gift.” nagulat ako.
“You got me a gift? Hindi― Hindi ko alam na may pa-gifts pala, sana nakapag-prepare ako.”
“It’s okay. I don’t know if it’s a typical thing to do, but I wanted to do this for you.” bigla naman namuo ang kuryosidad sa akin ng ipakita nito ang isang wrapped package. It’s large and rectangular, para itong frame.
Agad kong binuksan iyon para makita ang nasa loob nito. Isang picturesque scene ang tumambad sa akin.
“Wow! It’s... a painting. It’s a beautiful landscape. Parang familiar sa akin pero hindi ko lang alam kung saan ko ito nakita.”
“It’s Catania in Sicily. The town where you were born.” mangha ko siyang tiningnan.
“Paano mo nalaman na doon ako pinanganak?”
“Your father told me, of course. What do you think of the painting? Do you like it?” tumango-tango ako.
“Sobra! Sobra akong nasurprise, hindi ko ini-expect na makakatanggap ako ng ganitong regalo from you. Dito nakatira ang Mommy ko. Meron pa kaming mga pamilya doon pero hindi nanamin nabibisita pa.” kwento ko sa kaniya habang naluluha.
“I heard about your mom. She died when you were young.” tumango-tango muli ako na parang batang nakayuko habang nakatitig sa painting.
“Too young. Ni hindi ko man lang siya nakilala, pero palagi siyang kwinekwento ni dad sa amin ni Kuya.” saad ko pa at nong iangat ko ang tingin ko sa kaniya ay agad din akong umiwas ng tingin dahil nakatitig nanaman siya sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago muli siyang binalingan. “Why did you buy me this as a gift?” sinubukan kong maging masigla ang boses ko.
“This home is our future, but I wanted you to have a piece of your past with you. A reminder of where you came from. And... it’s a beautiful view, that’s all.” his voice is a little hoarse, so he clears his throat, napangiti ako, kung hindi ko lang kilala itong Montello na ito ay iisipin kong kinakabahan siya ngayon.
Dahil nakatingin ito sa iba ay titingkayad sana ako para hagkan siya sa kaniyang pisngi para pasasalamat ko pero no’ng ididikit ko na ay siyang lingon din niya.
Halata ang gulat sa kaniya sa nagawa ko, habang ako naman ay hindi na nakagalaw pa. Bakit naman kasi humarap pa siya? Dapat sa cheeks lang yon eh.
“Chiara?” namutawi sa kaniyang labi habang magkadikit pa din iyon.
“S―Sorry―!” napahawak ako sa kaniya ng humigpit ang kapit nito sa aking baywang para makalapit sa kaniya, nagulat ako dahil gumagalaw na ang kaniyang labi na parang inaakit akong tumugon, at ng ikulong na nga nito ang aking katawan sa kaniyang braso ay wala na akong nagawa kundi ang magpatyanod.
YOU ARE READING
BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLO
RomanceIn this story, an arranged marriage with Chiara Bianchi worst enemy will lead her to a life of passion she never imagined!