CHAPTER THIRTY FOUR

54 2 0
                                    

“It’s not just your family anymore. My father doesn’t understand that by marrying us, he’s joined our families... But I understand that. Nothing is going to happen to you or anyone you care about. Not on my watch.” matigas niyang sabi.

“Naniniwala ako sa’yo.”

“The war can’t wait anymore. We both have to get back to it.” I let out a resigned sigh, then lean in to kiss Ethan’s cheeks. He strokes my hair, then presses his lips to my temple.

“I’ll see you soon. Don’t get yourself kílled, okay?”

“Same to you. Be carefull, Chiara. Remember, none of this matters to me without you.” tumango ako habang pinipigilan ang luha kong nagbabadya ng mahulog ano mang sandali.

Sobrang bigat nang dibdib ko habang papalayo kay Ethan. So much is uncertain, but at least I know what I’m fighting for.

I arrive back at my family manor, primed and ready for whatever task my father has in mind for me next.

“Welcome home, Chiara. You did good work last night. We’ve been discussing our next steps.” saad niya na kinatango ko naman.

“Meron na ho tayong proof na magkaalyado na nga ang pamilya Moretti at ang ama ni Ethan. For now, malaking advantage yon sa atin.” sabi ko pagkaupo ko sa sofa, nasa living room uli kaming tatlo nila Kuya at daddy.

“Yes. Pero hindi natin puwedeng balewalain na buhay pa din si Rocco... isa iyon sa pinakamahihirapan tayo. Isa siya sa pinakamalakas natin kaalyado noon kaya alam ko kung paano siya kumilos. He’s a formidable opponet. Crafty. Conniving. Mahihirapan tayo sa kaniya ngayon nasa kalaban na siya.” saad niya.

“Hindi ko man masyadong nakita si Rocco nang malapitan, pero alam kong malala pa din ang injuries nito. Akala ko talaga patay na siya dahil sa tama nito sa kaniyang dibdib.” huminga ng malalim si daddy.

“Sanay nasa bala ang katawan ni Rocco kaya ganon, buong buhay niya ay iyon na ang pinagaaralan niya... sa pagkakatanda ko sampung taon palang noon si Rocco nang simulan siyang insayuhin ni Dominic, ang kaniyang ama. Araw-araw siyang tumatakbo sa palayan nila noon para lang hindi siya maabutan ng kaniyang ama dahil may hawak itong baril at kailangan niyang iwasan iyon dahil kung hindi ay papasuin nanaman ang buong likod niya nang sarili niyang ama.” kwento ni daddy. “Ang masaklap do’n.. natamaan siya ng bala ng kaniyang ama sa binti nito pero sa huli napaso pa din siya ng mainit na tubig non.” dugtong pa ni daddy.

“Palagi kong pinagsasabihan si Dominic noon sa paraan niya sa pageensayo kay Rocco pero hindi niya iyon pinakinggan. Kailangan daw masanay ni Rocco sa sakit nito para kung sakali man dumating ang panahon na ito na ang mamamahala ay hindi ito maging mahina. Kaya hindi ako magtataka kung bakit lumaki si Rocco na marahas at masama, malaki ang galit nito sa ama, lalo na sa kaniyang ina na wala man lang nagawa para ipagtanggol siya.” umiling si Kuya.

“Pero hindi enough yon para pagtaksilan niya tayo! Naging mabuti tayo sa kaniya, itinurin ko siyang kapatid ko pero anong ginawa niya?!” galit na sabi ni Kuya. “Magpasalamat siya at nabuhay pa siya sa ginawa ng asawa mo. Pero hindi magtatagal yon. I’ve got a bullet with Rocco’s name on it.” napatitig ako kay Kuya.

“May balak kang patayin si Rocco? Pero Kuya kaibigan mo siya at.. hindi pa natin alam kung ano talaga ang rason niya kung bakit niya ito ginagawa?” tiningnan niya ako ng deretso.

“He betrayed me, Chiara. Sa lahat ng kaalyado natin siya ang pinagkakatiwalaan ko na magiging kakampi ko, na magiging kasama ko para protektahan ang pamilya ko. Magkaibigan na kami buong buhay namin pero kinidnap at sinaktan ka pa din niya, para sa anong dahilan?!” hindi ako nakaimik dahil hindi ko din maintindihan kung ano bang nangyayari sa kaniya.

BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLOWhere stories live. Discover now