Nagdadalawang isip ako kung susundan ko ba siya o hindi, gusto kong malaman ang totoo, kung nagsisinungaling lang ba siya sa akin o hindi. Hindi ako matatahimik kung ganito palagi ang mangyayari.
Kung talagang dinala lang ba niya ako dito para makita lamang ang shipment na yan, at kung totoo yon hindi ko talaga siya mapapatawad sa pagsisinungaling niya sa akin.
Mabilis ko nga siyang sinundan palabas ng villa at ang una niyang ginawa ay tumigil muna ito sa isang flower shop at bumili ito ng orchids.
Flowers? Para sa akin ba ang binili niya? Katulad iyon ng mga bulaklak na gamit ko sa kasal namin.
Nalilito pa din ako sa nakikita ko kaya sinundan ko pa din siya at ang sunod niyang pinuntahan ay ang isang maliit na bakery shop, kung saan makikita mo ang iba’t-ibang desserts like cake and cupcake.
Tinitigan ko ang ginagawa niya. Naghahanap ako ng mas malalim na kahulugan ng ginagawa niya, alam ko naman na para sa akin iyon. Pero bakit? Lumabas lang ba talaga siya para bumili lang non? O binili lang niya yon para pagtakpan ang tunay niyang motibo sa paglabas nito.
Napailing ako, hindi ko na alam ang iisipin ko. This is purely innocent. Paano yung sinabi ni Kuya? Yung shipment?
Naglakad pa uli si Ethan, saka ito tumigil sa isang gilid at kinuha ang kaniyang telepono. May tinatap ito sa screen at maya-maya ay nilapit na niya sa tainga ang cellphone.
“Hey, yeah, it’s me. No, I left her at the villa. Told her I needed to step out for a while.” nangunot ang noo ko, sinong kausap niya?
“Yeah. I’ve got the flowers and the desserts. There’s plenty of wine back at the villa. Anything else I should pick up before I head back.” mas lalo lamang nadagdagan ang kunot sa noo ko sa mga narinig, bakit kailangan nitong sabihin sa kausap nito ang kaniyang binili?
“Thanks, Solenn. You know I hate asking for advice, but this trip could make or break my relationship with Chiara. I already screwed up by not taking her on our honeymoon straight away. I have this week to make it up to her.”
Napaawang ang labi ko sa mga narinig ko. Kausap ba niya ang kakambal niyang si Solenn? And... humihingi siya ng advice para maayos ang sa aming dalawa.
“I’ll talk to you soon. Wish me luck tonight.” I stare at him in shock as he puts his phone away.
This doesn’t seem to have anything to do with the weapons shipment at all. What’s going on?
Nataranta naman ako ng mapansin kong pabalik na siya at hindi pako nakakaalis sa kinatatayuan ko.
Shít! Shít!
Bumilis kaagad ang kabog sa dibdib at aatras na sana ako para magtago pero huli na dahil nakita na niya ako.
“Chiara?”
Agad siyang lumapit sa akin ng may pagtataka sa kaniyang mukha.
“What are you doing here? Why aren’t you at the villa?” napalunok ako sa katanungan niya. Alam ko pag nagsinungaling ako sa kaniya ay mas lalo lamang itong lalala kaya naman buong lakas loob akong umamin sa kaniya.
“I was following you.”
“Why?” Ethan’s angry expression demands answer from me, pero nagaalangan akong aminin sa kaniya kung bakit ko siya sinundan.
“Gusto ko lang naman malaman kung saan ka pupunta. Bigla ka nalang nagsabi na aalis ka.” saad ko at napabuga siya at pumikit ng mariin bago muli siya tumingin sa akin.
“I was just picking up a few things for you!”
“Yeah, I know. I saw you. I’m sorry I followed you, but it seemed so strange when you left like that. I was worried.”
YOU ARE READING
BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLO
RomansaIn this story, an arranged marriage with Chiara Bianchi worst enemy will lead her to a life of passion she never imagined!