CHAPTER TWELVE

74 1 0
                                    


HINDI ko alam kung anong iisipin habang nasa byahe kami. Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang mga paalalang sinabi sa akin ni Kuya.

“So, what do you know about Costa Rica?” napalingon naman ako sa kaniya ng magsalita ito at nakatingin pala siya sa akin kanina pa.

“One of the beaches I’m going to take you to is actually in the shape of a whale’s tail. It’s a great spot for whale-watching too.” masayang saad niya, pinilit kong ngumiti.

“Sure. That sounds good.” sagot ko at nawala ang ngiti sa labi niya.

“I was expecting a little more enthusiasm. Or maybe you’re not as excited for our destination as I thought you were.” naalarma agad ako ng makita kong muli ang seryoso niyang expression.

“Ethan... hindi naman sa ganon, ano kasi..” napakagat ako sa labi ko. Ayoko siyang kumprontahin dahil ayoko namang masira ang trip namin, pero alam kong alam niyang may tinatago ako.

“I think I know what this is about. You’re nervous about spending a week alone with me, am I right?” napatitig ako sa kaniya.

“Bakit naman ako matatakot sa asawa ko? Hindi mo ‘ko matatakot kahit anong gawin mo.” natawa naman siya ng mahina at hinawakan ang kamay ko saka tumango.

“Fine. We’ll be at the villa pretty soon after we land. Assuming it doesn’t take the airport staff an extra hour to unload all your luggage.” biro niya saka ngumiti sa akin.

“Girls don’t tend to pack light when they go on vacation. Wala ka pabang ibang babae na dinadala or sinasama man lang sa bakasyon mo?” tanong ko.

“What do you think?” balik-tanong din niya sa akin. Tss. Ginawa pa talaga akong manghuhula.

Ngumiwi ako at nagisip sandali. “Actually, I don’t know what to think. Wala ka pa namang kwinekwento about sa past relationship mo, ano.”

“There’s nothing to tell. I told you I’ve always been solitary.” sagot niya.

“Nasabi mo na nga ‘yan, pero... wala man lang ba talaga? Kahit isa lang na babaing nakasama mo noon?” paguusisa ko pa.

“You really want to talk about this?” tila di makapaniwalang tanong niya sa akin at kumibit- balikat ako.

“Why not? Come on, Ethan, hindi ko naman tinatanong yung about sa mga intimate moments mo with other girls, di ba? Nako-curious lang naman ako sa romantic past mo. Sobrang strange ba ‘non? Kasal naman tayo.” sabi ko at napakamot naman siya sa pisngi niya at tumingin sa akin na parang nagiisip pa kung magkwekwento nga siya o hindi.

Sa huli, bumuntong hininga ito saka tumango sa akin. “Fine. You can ask now.” napa ‘yes’ naman ako sa loob-loob ko.

“Uh, okay... Wala kaba talagang nakarelasyon? Kahit isa lang?” tanong ko.

“I’ve had flings, but they were never serious.” sagot niya at natawa naman ako kaya napalingon siya sa akin ng may pagtataka sa mukha.

“Seryoso ‘yan? Parang ang hirap naman paniwalaan na hindi ka nagseseryoso sa isang relasyon o kahit sa anong bagay. Alam mo ang naiisip ko sayo if sakaling may naging girlfriend ka man, serious relationship ‘yon.” sabi ko.

Tumawa na din siya at umiling-iling sa akin na parang ang ewan ng pinagsasabi ko.

“To be honest, wife. I wasn’t always like this. When I was younger, I didn’t have as many responsibilities. Life was more free to me.” napatango naman ako at hinayaan lang siyang magkwento sa akin. “There were plenty of women and parties.” sabi pa niya.

“So wala kang sineryoso talaga sa mga naka-fling mo, ganon lang ‘yon?” tanong ko pa at natahimik ito na parang may iniisip pero maya-maya ay napangiti ito na dahilan naman ng pagsimangot ko.

“Bakit ka ngumingiti? Wait... sinong naalala mo?” tanong ko.

“No, nothing.” napasimangot lalo ako.

“Akala ko ba ‘I can ask anything’. So?” sabi ko.

“Wala nga. I just remember someone.”

“And who is this ‘someone’ na tinutukoy mo? Is she a girl?” tanong ko and nanlaki ang mata ko ng tumango ito.

“Yeah. I met her three years ago with her friends.” sagot niya na kinairap ko ng palihim.

Sus. Kunwari pa na walang past serious relationship pero may pa remember ‘someone’ naman.

“So, naging kayo ba? I mean naging fling.” tanong ko at umiling ito.

“Nah, I just met her once.” sagot niya.

“Bakit naman hindi mo niligawan?” paguusisa ko pa at tumingin siya sa akin.

“The burdens of leadership, I guess. I’m the heir to the Montello legacy.” sagot nito.

“Pero nagsisisi ka ba? I mean, halata kasing kahit isang beses mo lang nakilala ang someone na yon parang na-in love kana? Lalo pa ngayon kung pinursue mo sana yung ‘someone’ na yon edi sana siya ang asawa mo and hindi ang isang Bianchi.” tumingin muli siya sa akin at nakaarko na ang isang kilay niya kaya napaiwas ako ng tingin.

Nagsisisi nga kaya siya? Paano kung oo? Paano kung...? Bakit ba kasi ako nagtanong pa about sa past relationship niya. Eh, bakit ba kasi affected ako? Asawa lang naman niya ako. We don’t even love each other... Di ba?

“I don’t think na pagsisihan kong ikaw ang pinakasalan ko.” sabi niya at natigilan ako sa iniisip ko. “So stop comparing yourself to other girls, Chiara Bianchi, Montello... My wife.” his words surprise me, hindi ko ineexpect na sasabihin niya iyon sa akin.

“I don’t know what to say.” Ethan reaches across his seat and laces his fingers with mine. Tumingin naman ako sa mga kamay naming magkasalikop, hindi ko pa din alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Muli ay binalik ko ang tingin ko sa mga mata niya pero huli na para makita ko pa ang sunod niyang gagawin, nakapikit nalang ako at ninanamnam ang matamis niyang halik sa akin.

“This is going to be the best week of your life. I promise you the perfect honeymoon and I always deliver on my promises.” sabi niya ng bitawan na nito ang labi ko, napatango nalang ako dahil para padin akong windang sa nangyari, pero isa lang ang nasa utak ko ngayon, ayokong masira kung anong nasimulan namin.

Ayoko siyang magbago. Gusto kong isipin na baka coincidence lang ang tungkol sa shipment na iyon, gusto kong isipin na pinili niya ang lugar na ito para sa amin.

***

Our honeymoon gets off to the most amazing start. Ang Villa na nirentahan ni Ethan para sa pagistay-an namin ay sobrang ganda talaga.

“Hindi ako makapaniwalang sobrang ganda dito. Para tayong magistay ng isang linggo sa paraiso.” mangha kong sabi habang pinagmamasdan ang kapaligiran.

“That’s the plan. Just you, me, and the most beautiful scenery you’ll ever see. My views includes you, of course.” hinawakan niya ang kamay ko para hilahin palapit sa kaniya at yakapin ng mahigpit, magkatitig lang kami sa isa’t-isa kaya diko maiwasang mamula ng sobra.

“Listen to me, Chiara. I don’t care how long it takes, whether it takes months or years... But I’ll learn how to love you. How to take care of you. How to make you happy.” sabi niya.

“You make it easy to believe you, Ethan.” tumawa siya ng mahina.

“I don’t think so. But I’ll show you that you can trust me. I’ll prove it to you. Just give me a chance, Chiara.” sabi niya at nakangiting tumango ako at tumingkayad ako para hagkan siya sa pisngi niya at makikita mong masaya siya sa nangyayari ngayon sa amin.

“Wife, it so hot. Let’s cool down with a swim. Grab your swimsuit and meet me out by the pool.” bulong niya sa akin na kinalaki ng mata ko at pinalo siya sa kaniyang braso habang natatawa ng mahina.

“Hoy, ikaw ha!”

“You don’t want?” mapangakit niyang tanong at napangiti ako ng sobra habang nagiinit ang magkabilang pisngi ko.

“I’ll be there soon.” napakagat-labi naman siya na parang pinipigilan ang mapangiti din ng sobra. Patakbo nga akong pumunta sa kwarto namin para magpalit ng swimsuit ko.

BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLOWhere stories live. Discover now