CHIARA POINT OF VIEWMabilis na tumakbo ang sasakyan sa kalagitnaan ng gabi, ang mga ilaw ng daan ay nagiging mga guhit nasa paningin ko dahil sa sobrang bilis ng kaniyang pagpapatakbo. Ang tensyon sa loob ng sasakyan ay sobrang bigat na, nababasag lamang ng mahina at hirap na paghinga ni Solenn at ng tunog ng makina.
Si Elena naman sa kabilang tabi ni Solenn ay puno ng pag-aalala sa kaniyang mukha, ang kamay ay nakapatong sa dibdib ni Solenn para pigilan ang pagdurugo nito ng sobra.
Hindi ko mapigilan ang guilt na nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya nasa ganitong kalagayan, kasalanan ko kung bakit nabaril siya, hindi ko alam pero sarili ko ngayon ang sinisisi ko bukod kay Mr. Montello.
Si Rocco naman, nakasandal sa upuan ng passenger seat. Ang mukha niya ay namumutla na habang ang panga ay nakakuyom, at isang luha ang bumaba sa kanyang pisngi marahil siguro dahil sa hapdi ng mga sugat niya sa braso na natamo mula sa sunog sa loob ng building kanina. Mukhang nanghihina na din siya.
“Maraming dugo na ang nawawala sa kanya,” sabi ni Elena, ang boses ay puno ng pag-aalala. “Kailangan nating makarating sa ospital nang mabilis.”
Tumango si Kuya Enzo nang may pag-aalala, ang paa nito ay mas lalong dumiin sa pedal ng gas. Ang sasakyan ay mas lalong bumilis. Tumingin ako kay Solenn, ang mukha niya ay namumutla na, ang dibdib nito ay nagtataas-baba na at mukhang hirap na hirap na siya sa kaniyang paghinga. Gusto kong abutin ang kamay niya, hawakan siya, sabihin sa kanya na magiging okay ang lahat, ngunit alam kong hindi iyon sapat.
“Miss,” tawag ni Elena sa akin kaya tiningnan ko siya. “Magiging okay siya.” pagpapalakas nito ng loob ko. Hindi ako sumagot pero ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ko na ang kamay ni Solenn at inilagay iyon sa pisngi ko.
ELENA POINT OF VIEW
“Bilisan niyo na ang pag-prepara sa kanya. Maraming dugo ang nawala, at kailangan nating ihinto ang pagdurugo kaagad sa madaling oras!” saad ko sa ibang nurse.
Mabilis at maingat na gumagalaw ang mga kamay ko habang sinusuri ang mga sugat ng pasyente. Nakikita ko ang malalim na sugat sa dibdib nito, at ang hirap ng kanyang paghinga. Nakikita ko rin ang takot sa mga mata ng pamilya at kaibigan ng pasyente, ang takot na kapareho ng nararamdaman ko ngayon. Alam kong isa itong kritikal na sitwasyon, at kailangan kong makapag-focus ng maayos.
“Magiging ayos lang naman siya, di ba?” napalingon ako sa babae, sa pagkakaalam ko siya si Chiara, ang nagugustuhan ni Rocco.
Huminga ako nang malalim saka tumango sa kaniya. “Magiging ayos lang siya, miss.” sabi ko saka nilingon si Nurse Emily. “Kailangan na nating operahan siya kaagad. Dalhin niyo na ang trauma team, at ihanda ang blood transfusion.” utos ko. Kalmado lang ang boses ko, pero sobrang bilis na ng kabog sa dibdib ko.
I can feel the weight of responsibility on my shoulders. Alam kong nasa kamay ko ngayon ang buhay ni Solenn, at handa kong gawin ang lahat para sa huling surgery ko bilang doctor, nais ko bago ako lumisan sa ospital na ito ay makaligtas pa ako ng buhay ng pasyente.
Habang sinisimulan ko na ang surgery, I notices something unusual. Solenn’s uterus is enlarged, and there’s a faint heartbeat. Maingat kong in-examine ang area, at parang sumikip ang puso ko ng ma-realize ko ang nangyari.
“The patient is pregnant. And had a... miscarriage. We need to be very careful during the surgery.” Malungkot na tumango ang ibang mga doctor at nurses. Alam nila na ito ay isang maselang sitwasyon, at kailangan nilang maging mas maingat.
“Let’s get started. We have a lot of work to do.”
Sinisimulan ko na ang operasyon, hindi natitinag ang aking focus sa ginagawa ko, my determination fueled by the knowledge that Solenn’s life hangs in the balance. I know that I am facing a difficult challenge, but I’m determined to do everything I can to save Solenn.
YOU ARE READING
BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLO
RomanceIn this story, an arranged marriage with Chiara Bianchi worst enemy will lead her to a life of passion she never imagined!