CHIARA’S POINT OF VIEWI saw Elena approach us, her face etched with concern. Pinagmasdan ko siya nang maigi, sobrang bilis na ng kabog sa dibdib ko, kahit siguro yakap ko na si Ethan ay hindi padin mawala ang kaba sa dibdib ko lalo na nakikita ko ang pagaalala at galit sa mukha nito. I know that Elena’s news will be crucial, but I’m still terrified of what I might hear from her.
“Pasensya na sa paghihintay. Tapos na ang operasyon. Ang pasyente ay nasa recovery room na ngayon.” nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya, ngumiti din ako kay Ethan na parang ganon din ang nararamdaman niya ngayon.
“The surgery is over. Solenn is alive, love.” mahina kong sabi kay Ethan at tumango-tango ito habang pinipigilan ang maluha.
“Pero may kailangan pa akong sabihin sa inyo. Ang pasyente ay buntis, pero nakunan siya dahil sa natamo nitong sugat... hindi kinaya ng baby at nauwi ito sa miscarriage.” paliwanag niya. My world stops.
The air seems to thicken around me. So, buntis nga siya? I can’t believe it. Solenn was really pregnant? And she lost the baby? Why? Why would this happen to her? My sister-in-law, my best friend, the strongest woman I know, is going through this? Napalingon ako kay Kuya nang magsalita ito.
“Anong sabi mo? B―Buntis si Solenn?” Mababanaag mo ang sakit at galit sa mukha nito. Mabilis akong lumapit at niyakap siya ng mahigpit, ramdam ko ang pag-nginig ng katawan niya.. Inangat ko ang tingin ko kay Kuya na ngayon ay sobrang dilim na ng ekspresyon.. hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari sa pamilya naming ito... ramdam ko ang galit ni Kuya kahit hindi siya magsalita masyado.
“Alam kong mahirap tanggapin ito. Pero kailangan kong sabihin sa inyo ang totoo. Ang nangyari kay Solenn ay isang malaking pagsubok. Pero alam kong malalampasan niya ito basta nandyan lang kayo sa tabi niya.” rinig kong sabi ni Elena pero hindi ako makapagsalita, sobrang layo na ng tinatakbo ng utak ko ngayon.
Nilingon ko si Ethan, his face is a mix of shock and grief. I see the pain in his eyes. Gusto ko siyang i-comfort, to tell him and Kuya that everything will be okay, but I don’t know if that’s true. I don’t know how to make sense of this. Hindi ko alam kung paano tutulong sa kanila.
Nang sabihin nga ni Elena na puwede na naming puntahan si Solenn ay pumunta na agad kami para icheck kung ayos lang ba siya.
The recovery room is a quiet, dimly lit space. The air is filled with the scent of antiseptic and the faint hum of medical equipment. Solenn lies in a hospital bed, her face pale, her breathing shallow. She’s hooked up to various monitors, and a bandage covers her chest.
“Solenn! It’s me, Ethan. How are you feeling, sis?” mahinang tanong ni Ethan nang makalapit siya sa kakambal niya. Nakita ko naman ang dahan-dahang pagbukas ng mata ni Solenn. She smiles weakly, her voice hoarse.
“Kuya.. You’re here. I’m so glad.” Ethan takes Solenn’s hand, his eyes filled with love and concern. I can see the pain in her eyes, but she doesn’t know the full extent of what she’s been through. She still doesn’t know about the miscarriage.
“We’re so happy you’re okay. We were so worried about you, sis.” nahihirapang sabi ni Ethan habang hinahalikan ang kamay ng kapatid.
Napansin ko na nagsisimula nang umiyak si Solenn, “Si daddy Kuya... Daddy wants to use me against you...” nahihirapang sabi ni Solenn.
“T―Tell me what happened, sis?” saad ni Ethan kaya dahan-dahan siyang tumango.
“O―One of... One of daddy’s men take me... Ang sabi niya kailangan daw muna niya akong dalhin sa mas ligtas na lugar.. He said na... utos daw iyon ni daddy kaya naman nagtiwala ako...” panimula ni Solenn, katabi ko ngayon si Kuya Enzo na nakikinig lang din katulad ko sa paguusap ng magkapatid.
“Pero nagulat nalang ako na dinala nila ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin... Nakita ko na nasusunog yung building kaya mas kinabahan ako, bakit nila ako dadalhin doon kung kailangan lang naman nila akong ilayo sa kapahamakan dahil nga nagaaway-away na ang family natin.” sabi pa niya..
“Sinubukan kong tumakas.. I use all the technics na napapanuod kong itinuturo sayo noon ni dad para lang makatakas... I was about to escape when I see daddy holding a gun...” nakita ko ang paglunok ni Kuya sa tabi ko, namumula na ang mukha niya.
“He was.. he was aiming Enzo.” umiiyak na sabi nito... “Lumapit ako para sana pigilan at kausapin si daddy na itigil niya iyon pero paglapit ko ay siyang sakto naman ng pagpapaputok niya sa baril niya at tumama iyon sa akin.” sabi ni Solenn.
“Why did you do that? Hindi mo ba naisip yung kapahamakan na makukuha mo, ha?” galit na sabi ni Ethan sa kapatid. “Enzo was capable of defending himself!”
“I’m sorry.. I just want to stop daddy... And also I don’t want something happen to Enzo. Kuya I’m pregnant... hindi pa alam ni Enzo yon, paano kung may mangyari sa kaniya, ha?” umiiyak na sabi ni Solenn. Sa tingin ko hindi pa alam ni Solenn na nasa kwarto din si Enzo at nakikinig sa pinaguusapan nila.
Napaiwas nang tingin si Ethan. “Why don’t you look shocked, Kuya? Alam mo na ba na buntis ako?” tanong ni Solenn at tumango ito.
“Yeah... T―The doctor told us..” sabi niya.
“Yes, Kuya... I’m sorry I didn’t tell you. Ang dami na din kasing nangyayari sa pamilya natin. Ayoko munang dagdagan ang pagiisip niyo kaya tinago ko muna.” paliwanag niya at hindi nakaimik si Ethan, nakayuko lang ito at parang nahihirapan din siya kung paano sasabihin sa kakambal niya ang nangyari sa baby niya.
Napansin naman ni Solenn ang pananahimik ng kapatid, inilibot niya ang paningin niya at nakita niya akong nakatayo malapit sa may pintuan habang katabi ko si Kuya na hindi rin makatingin ng deretso kay Solenn. “Enzo... nandito ka?” makikita mo ang pagngiti ni Solenn pero agad napalis iyon ng hindi pa din siya tingnan ni Kuya.
“Kuya... kausapin mo siya.” mahina kong sabi sa kaniya, alam kong nahihirapan din siya pero siya ang pinaka-kailangan ni Solenn sa mga oras na ito.
“Hey... W―What’s wrong? Bakit ganiyan ang mga mukha niyo?” she asks, her voice laced with fear and confusion.
Tumingin ako kay Ethan na ngayon ay nakatingin din sa akin na parang nanghihingi ng saklolo kung paano sasabihin sa kaniya. Nakikiusap akong tumango sa kaniya na parang sinasabi kong sabihin na niya ang totoo. The silence hangs heavy in the air, making Solenn’s anxiety grow.
Ethan and Kuya exchanges glances, struggling with how to break the news to her. Lumapit naman ako kay Solenn para hawakan ang kamay niya, offering my silent support.
“Solenn, there’s something we need to tell you. It’s about what happened during the surgery.” mahinang sabi ni Ethan.
Nakita ko ang takot na rumehistro sa mukha ni Solenn, she looks between me and Ethan, her eyes wide with fear and confusion.
“What do you mean? What happened?” Ethan takes a deep breath, his eyes filled with tears. He gathers his courage to speak the painful truth.
“Solenn, during the surgery... you... you had a miscarriage. I’m so sorry, sis..” ramdam ko naman ang mahigpit na kapit ni Solenn sa kamay ko, ramdam ko ang pagpapawis at panginginig nito habang pinoproseso ang sinabi ni Ethan.
Napailing siya.. “No... no, it can’t be... ” bulong niya habang natatawa ng mahina.. “ no.. my baby...” kita ko na nagsisimula na siyang mahirapang huminga kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang kapit ko sa kamay niya, habang sunod-sunod na ang luha na tumutulo sa pisngi nito.Lumapit si Kuya Enzo sa kaniya kaya agad na tiningnan siya ni Solenn.. “No... no. Sabihin mo na hindi totoo ang sinasabi ni Kuya Ethan!” umiiling na sabi nito kaya lumingon si Kuya Enzo sa amin.
“Chiara... Ethan, please.. Iwan niyo muna kami ni Solenn, ako na ang bahalang kumausap sa kaniya.” pakiusap ni Kuya dito at kita ko ang pagtanggi sa mukha ni Ethan pero nakiusap nalang ako.
“Ethan...” mahina kong sabi sa asawa ko habang inaaya siyang lumabas na muna kami para makapagusap silang dalawa ni Solenn.
Paglabas nga namin sa kwarto ni Solenn ay agad na lamang napaupo si Ethan sa may waiting area habang mahigpit ang kapit sa kaniyang ulo. Lumapit ako at agad ko siyang niyakap. Hindi ko alam kung anong puwedeng sabihin ko ngayon, parang kahit siguro anong sabihin ko ay walang kwenta at hindi mabubura nito ang sakit na nararamdaman ng bawat isa sa amin.
YOU ARE READING
BILLIONAIRE SERIES4: ARRANGED MARRIAGE TO MY ENEMY: ETHAN HARRIS MONTELLO
RomanceIn this story, an arranged marriage with Chiara Bianchi worst enemy will lead her to a life of passion she never imagined!