43: Siklap 🔞(WARNING)🔞

1.3K 38 15
                                    

Warning: This chapter may contain language and scenes unsuitable for younger readers.
Read at your own risk!
.
.
.
.
.
.
.


KEIFER

Nang mga sandaling idilat ko ang aking mga mata ay kasabay nitong bumalik isa-isa ang mga imahe ng mga ala-alang pinagsaluhan namin kagabi ni Damian. Tila ba naiwan pa sa aking balat ang pakiramdam kung paano niya ako hawakan, kung gaano kahigpit ang kaniyang yakap at ang ingat ng bawat pagkilos at paggalaw ginagawa niya sa akin. Naging dahilan ito kung bakit bumilis bigla ang tibok ng puso ko maging ang biglaang pamumula ng aking mga pisngi. Tandang-tanda ko pa ang pawisan niyang katawan, bawat butil ng pawis niya ay mas lalong nakadagdag sa mas nakakahumaling na bersiyon ni Damian, bersiyon na hindi ako magsasawang tingnan at pagmasdan.

Nababalot ako ng kumot ngayon ngunit para bang sinisilaban ang aking katawan kahit na may nakatutok naman sa aking electric fan. Napayakap tuloy ako sa aking hubad na katawan nang mapansing underwear ko lang ang tanging suot ko ngayon.

Tinanggal ko ang kumot na nakalagay sa akin at saka bumangon ako mula sa pagkakahiga nang mapansin na iisa lang ako ngayon sa loob ng kwarto. Nakasara ang pinto kaya wala akong marinig na kahit na ano mula sa labas kaya naman kahit mabigat pa ang katawan ay tumayo na ako. Iika-ika akong nagtungo sa pinto ng silid at binuksan ito. Med'yo may kirot pa sa pagitan ng binti ko dahil sa nangyari kagabi pero keri naman na.

Dahil malapit lang ang kusina sa kwarto ay agad kong nakita ang pakay ko.

"Good morning, love," bati sa akin ng nakangiting si Damian. Nagluluto siya ng fried rice na ang tanging suot lang ay ang boxer shorts niya at ang paborito niyang apron. Alam kong masama ang magmura pero makailang ulit ko itong ginawa sa aking isipan habang pinagmamasdan siya sa suot niya. Para akong nakatingin sa isang cheese bread na nag-uumapaw sa matamis, malapot at masaganang keso sa ibabaw! Kung tinapay lang ang tao na ito ay baka kanina ko pa siya nilantakan. Pwede ko naman lantakan ngayon kung gugustuhin ko.

Napaiwas ako nang tingin sa kaniya at mabilis na nagtungo sa banyo. Mas dumoble ang kaba ko dahil sa nakita ko ngayong umaga. Hindi pa man kami nag-aalmusal ay busog na agad ako.

Ginawa ko ang daily morning routine ko sa banyo. Naghilamos ako mukha upang magising ang aking diwa dahil pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang lahat ng ito. Nagsipilyo na rin ako dahil nakakahiya naman kung haharap ako kay Damian at makikipag-usap nang hindi pa fresh ang bibig ko. Ew 'yon.

Nang mayari ako sa ginagawa ay lumabas na rin ako ng banyo. Bumungad agad sa akin si Damian na inaayos ang mga pinggan na pagkakainan namin. Nakatanggal na ang suot niyang apron kanina kaya mas malinaw na sa akin ngayon ang ganda at tikas ng katawan na meron siya.

Ilang beses ko nang nakita 'yon pero hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa akin. Para akong nahuhulog sa mahika niya at ako naman itong gustong-gustong nahuhulog sa kaniya.

"Mag-ayos ka na nang makakain na tayo. Marami pa tayong pupuntahan ngayon pagkayari mong maayos ang mga dokumento para sa passport mo," sabi sa akin ni Damian saka siya nagpunta sa sala bitbit  ang mga pinggan.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil sa mga sinabi niya pero kahit na ganoon ay nakaramdam ako ng lungkot nang maglaro ang mumunting ideya sa isipan ko. Siguro ay nilulubos niya lang ang mga oras na magkasama kami kaya handa siyang lumiban sa trabaho para lang magkasama kami buong araw at magawa ang mga bagay na pinaplano niyang gawin kasama ako.

Mabilis akong nagbihis at nagtungo sa sala kung saan nakahain ang pagkain namin. Naabutan ko si Damian na naka-indian sit sa harapan ng hapag. Maayos na ring nakahain ang pagkain na siya mismo ang nagluto. Kahit na simpleng tocino at hotdog lang ang naroroon pati na rin ang fried rice na niluto niya ay tila ba naging espesiyal ang lahat ng 'yon sa akin dahil siya ang nag-asikaso nito.

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon