44: Daluyong

817 26 16
                                    

Reference photo of Keifer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Reference photo of Keifer
.
.
.
.
.
.

KEIFER

Mabigat man ang kalooban ko ay pinagpatuloy ko ang ginagawang paliligo sa loob ng banyo. Hindi ko tuloy maiwasang pakinggan si Damian habang kinakausap niya iyong lalaki na mahaba ang buhok.

"Pasensiya ka na at wala talaga kaming bangko rito kaya pagtiyagaan mo na muna sa tiles," dinig kong sabi ni Damian. Huminto pa ako sa pagkuskos ng sabon sa aking balat at bahagyang lumapit sa pinto. Para naman akong tsismoso sa ginagawa ko kahit na hindi ko naman ugali ang makinig sa usapan ng iba. Umagang-umaga naman kasing nang-aabala itong long hair na 'to! Panira ng moment!

"Kain ka muna kaya? Kape?" tanong sa kaniya ni Damian. Asikasong asikaso, ah?

"I'll go with coffee," the long hair man replied. "I can also eat you if you want to. Oh, sorry I forgot, you are already taken!"

Parang nagpantig ang tenga ko ro'n sa mga narinig ko mula doon sa lintek na 'yon. Nayari tuloy ako sa paliligo ng wala sa oras. Ni hindi man din nag-react si Damian kaya pakiramdam ko ay mas nadagdagan ang pagkainis ko sa kanilang dalawa.

Kukuhanin ko na sana ang tuwalya nang mapansing wala akong nadala rito sa loob kaya naman kahit naiinis ako ay lumapit pa rin ako sa pinto ng banyo upang kuhanin ang atensiyon ni Damian.

"Love, pasuyo ng tuwalya," sigaw ko sa kaniya na halos ipangalandakan na ang salitang love nang mahiya naman si epal sa mga sinasabi niya sa boyfriend ko.

"Ay, oo nga pala, sorry, love," dinig kong sabi ni Damian mula sa labas. Napangiti naman ako dahil sa kaniya, pero naiinis pa rin ako ah, kasi bakit hindi siya nagalit doon sa sinabi noong epal na 'yon sa mga sinabi sa kaniya? Bakit naman din kasi ang rupok-rupok ko? Nadinig ko lang ang sagot niya sa akin na may endearment na love ay kinilig na agad ako! Dapat inis at galit ako! Bawal ngumiti, Keifer!

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagkatok ni Damian sa pinto ng banyo. Bahagya ko itong binuksan upang kuhanin ang hawak niyang tuwalya. Tila ba wala pa siyang balak na iabot ito sa akin dahil tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa sabay taas-baba ng kilay niya. Nakangiti pa nang nakakaloko.

Pilyo talaga! Huwag mo akong ginaganyan dahil galit dapat ako sayo! Mamaya nang gabi bubukaka! Ikalma mo ang talulot ng bulaklak mo, Keifer!

Hinablot ko 'yong tuwalya sa kaniya, nag-iingat na hindi mabuksan nang tuluyan ang pinto dahil baka pati si long hair ay makita akong nakahubo.

"May kasalanan ka pa sa akin! Huwag kang ngingiti-ngiti diyan!" sambit ko sa kaniya sabay irip. Kitang-kita ko pa ang pagkagulat niya hanggang sa maisara ko ang pinto ng banyo.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Kung wala lang siguro rito ang epal na long hair na 'yon ay baka hinatak ko na si Damian dito sa loob para sa round two naming dalawa. Landi! Kainis!

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon