[Prologue]
"I'm home!" Sigaw ko agad no'ng buksan ko na ang pinto ng bahay pero sinalubong lang ako ng tahimik na paligid.
"'Saan sila?" Tanong ko sa sarili, pati ang mga katulong ay wala rin.
Napa singhap naman ako ng may ma isip. Naiiyak na napa takip ako sa bibig ko at nanghihinang napa upo sa sahig na marble.
"B-bakit nila nagawa sa akin 'to?" Tuluyan nang tumulo ang luha ko, pero natigil lang ang pag d-drama ko ng may bumatok sa akin.
"Ano ba!" Pagalit kong nilingon ang may gawa non at nakita ko ang pinsan kong lalaki na napapa iling na nakatingin sa akin.
"Nasa garden sila! Inaatake kana naman ng kabaliwan mo." Sambit niya kaya umirap ako sa kanya. Akala ko kasi pumunta sila sa jollibee at iniwan ako, hmp!
"Mag bihis kana, kakain na raw tayo."
"Oo na." Tumayo na ako sa pagkaka salampak ko sa sahig at umakyat na ng hagdan para maka punta na sa kuwarto ko.
Hinihingal naman akong naka rating sa kuwarto ko dahil masyadong malayo ito. Nasa pinaka huling pinto kasi ang kuwarta ko. Malaki at malawak ang bahay lalo na at lagpas 20 ang nakatira dito at tig iisa pa kami ng kwarto ng mga pinsan ko.
Nilagay ko na ang bag ko sa kama at tinungo na ang malaki kong cabinet at kumuha ng damit. Tinungo ko naman agad ang banyo pagkatapos, at naligo na.
Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay kinuha ko na ang phone ko at bumaba na ulit, at tulad nga kanina ay hinihingal na naman ako. Huminto muna ako saglit bago nag patuloy sa pag lalakad papunta sa garden.
Agad ko naman silang nakita na naka pwesto sa mahabang lamesa at naka upo na sa kanikanilang mga upuan, kaya lumapit narin ako.
"Hello, family!" Napalingon naman sila sa akin at kinawayan ako. Pag lapit ko ay agad akong nag mano sa lolo at lola ko pati narin sila mama at ang mga kapatid niya, maliban sa mga pinsan ko.
Ako kasi ang first apo at panganay na anak pa ng mama ko. Wala na akong papa kasi nandoon na siya sa iba niyang family, pero masaya parin naman kami kahit wala na siya.
"Maaga ka ata ngayon anak, wala ba kayong klase?" Agad na tanong ng mama ko ng maka upo ako sa gitna nila ng kapatid ko.
"Wala, half day lang kami tuwing friday. Matatapos na lang ang 2nd sem hindi mo parin maalala na tuwing friday ay half day lang kami?" Naka nguso ko sabi kaya sinampal nito ang balikat ko kaya napa daing ako, ang bigat ng kamay ni mama.
"Maganda lang ako, anak. Pero tumatanda na ako." At umirap pa talaga.
"Naks ah, may ibubuga rin." Natatawang sabi ko. Nabaling naman ang tingin ko sa kabila kong side ng may kumalabit sa akin.
"Bakit." Pag tataray ko sa kapatid ko kaya umirap rin ito sa akin.
"Mag papatulong ako sayo mamaya." Sarap talagang I hambalos ng babaeng to.
"Ano na naman yan?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"It's about math ate." At umirap ulit bago sumubo ng pagkain niya. O diba, grade 4 palang yang kapatid ko pero napaka attitude na. Saan kaya nag mana to?
"Oo, basta bigyan mo ako nong chocolate mo." Sambit ko kaya sinamaan niya ako ng tingin na ikinangisi ko lang. Madamot 'to eh.
"O tama na Iyan, mamaya niyo na ituloy ang away niyo at kumain na muna kayo." Sambit naman ni lola na katabi ni mama na nasa pinaka unahan at ang katabi naman ni lola ay si lolo na nasa gitna ng lamesa kaya kita siya ng lahat.
Pag tingin ko kay lolo ay para akong lion na naputulan ng buntot, ang sama kasi ng tingin niya hahaha. Makakain na nga bago pa mapagalitan ng hari ng mga lion.
Natapos kaming kumain pero hindi pa kami umaalis sa lamesa, tanging mga gamit lang sa lamesa na ginamit namin ang kinukuha ng mga katulong at pinapalitan iyon ng mga sweet snacks. Napangiti naman ako ng nilagay ng isang maid ang paburito kong dessert. Ice cream! At hindi lang isa, kundi tatlo na may flavor na paburito ko. Mango, strawberry, and vanilla.
At isa pa sanay narin sila na tig ta-tatlong baso ng ice cream ang gusto ko kaya hindi na sila nag tatanong kung ano o ilan ang gusto ko.
"Pst! Mady!" Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang pinsan kong babae dahil siya ang tumatawag sa akin. She's Alesendra, pinsan ko. Hindi nalalayo ang idad namin dahil 17 siya, ako naman ay 18, pero malapit narin siyang mag legal age, sa susunod na buwan siguro?
Nakalimutan ko ang birthday niya, hindi kasi ako marunong pag dating sa pag memorise ng birthdays. Minsan nga nakakalimutan ko ang akin.
"What?" Mahinang bulong ko, alam ko namang naiintindihan niya kung ano ang sinasabi ng bibig ko.
"Samahan mo ako mamaya, pupunta ako kina Sara, birthday niya kasi." Anya.
"Gabi?" Tumango naman ito sa itinanong niya kaya napa isip ako. Saturday naman na bukas kaya pwedi na. Tinanguan ko lang siya bago pinag patuloy ang pagkain ng dessert.
"Ma'am Mady?"
Natigil ulit ako sa pagkain ng tinawag ako ng maid na nag mamadaling lumapit sa akin kaya pati ang mga kasama ko ay napapatingin narin sa aming dalawa.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong rito ng tuluyan na siyang maka lapit.
"May padala po para sa inyo."
"Huh? Hindi naman ako nag order?"
"Pero pangalan niyo po ang nakalagay sa receiver, ma'am."
Huminga naman ako ng malalim at tumango nalang. Nag paalam muna ako sa kanila saglit at sinundan ang maid papasok sa bahay. Ano naman kaya iyon?
Pagdating namin sa sala ay may lalaki na doon at parang hari na naka upo sa sofa. At sino naman ito?
Hindi ko makita ang mukha niya dahil naka helmet siya at naka itim pa lahat ang suot. No'ng mabaling sa akin ang tingin niya ay dahan-dahan siyang tumayo sa pag kaka-upo niya kaya napa lunok ako dahil ang tangkad niya! At yung katawan niya!.....
Nevermind, hindi ko pala alam kung sino ang lalaking ito.
"Who are you?" Mataray na tanong ko dito, pero hindi ito nag salita at kinuha lang ang box na nasa sofa at inabot sa akin, hindi ko iyon tinanggap at tinignan lang ang box.
What if bomba iyon? Pero parang ang laking bomba naman ata niyan.
"There's an envelope inside, just read it." Napanganga naman ako sa sinabi niya, para kasing tinatarayan niya ako o sinusungitan. Aba ang kapal ng face, siya na nga itong pumasok nalang bigla sa bahay at parang hari pa kung maka upo sa sofa.
"Kunin mo Esa, at buksan mo." Sambit ko pero hindi ko hinihiwalay ang tingin sa matangkad na lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makaramdam ako ng pangingilabot. Parang nakatingin sa akin ang mga mata niya kahit hindi ko nakikita dahil hindi niya kinukuha ang helmet niya.
"Ma'am, isang evening gown na kulay blue po ang nandito at maskara na kulay blue din po." Na agaw ng maid ang atensyon ko kaya nabaling ang tingin ko sa hawak niyang evening gown na kulay blue at kumikinang pa.
Nalipat ang tingin ko sa box at doon may maskarang blue na may kuronang design at sa ilalim non ay kulay asul na envelope na may sealed na kulay gold at ang tatak non ay diamond shape.
Napanganga naman ako at binalik ang tingin sa lalaking matangkad, pero wala na siya!
"Nasaan 'yung lalaki?" Tanong ko sa mga katulong na nandito. Bigla nalang kasing nawala. Don't tell me nag teleport siya!? My goodness.
"Hindi po namin nakita ma'am, mukhang lumabas na siguro." Huminga ako ng malalim at napa hilot sa sintido ko.
"Akin na ang envelope." Inabot naman agad sa akin ni Esa kaya binuksan ko na agad iyon. Una kong nakuha sa loob ay isang card na Queen ang nakasulat pero binaliwala ko lang iyon at kinuha ang papel na may sulat.
To: Madeline Genevieve Hermedilla
A QueenWe're inviting you to the masquerade ball this June 16th at Chernyye Karty hotel. This ball will take happen in exactly 9pm in the evening. We'll look forward to your arrival soon.
From: Chernyye Karty Hotel
What the fuck! Chernyye Karty Hotel!!
BINABASA MO ANG
IL Ferno Series 1: Damien Dalerrios
RomanceIL Ferno Series 1 __________ Madeline Genevieve Hermedilla has a loving family, despite not having a father. In elementary school, she was bullied because she didn't have a traditional family structure. However, Madeline was too focused on other thi...