[Chapter 19]
Anong ibig nilang sabihin? Dahandahan akong umaatras habang nakakunot ang nuo at lumalim ang iniisip. Naguguluhan ako. Bakit nila alam ang pangalan ko? Ano ang plano nila? At bakit sinasabi nila iyon?
Huminga naman ako ng malalim bago kinuha ang purse ko. Kailangan kong maka siguro! Nakuha ko ang cellphone ko sa purse at agad nag on ng wifi at dumiritso sa Google.
Syempre para ma translate iyung sinasabi nila. Hindi ko sila maiintindihan eh, pero ang seryuso ng pinag uusapan nila. Parang nahaluan narin ako ng pagiging chismosa ni Nathalie.
At isa pa, para naman may ma learn akong new language. At para narin ma chismis ko sa mga kaibigan ko mamaya sa chats para sila ulit ang mag-Google.
Ano nga ulit iyung sinabi niya?
At ayon na nga, nakalimutan ko na naman. Tsk! Okay lang, Madeline, excuse me, kasi hindi mo naman sila naiintindihan. Gumagamit sila ng alien language, kaya hindi mo talaga sila maiintindihan. Remember, diyosa ka.
Napangiwi nalang ako dahil sa nakalimutan ko ang mga pinagsasabi nila. Pero isinantabi ko nalang para hindi ako ma stress sa mga pinag uusapan nila. What if nagmumurahan pala sila in another language? Ang lala naman nila. Challenge siguro nila paramihan ng nalalamang mura gamit ang ibat-ibang salita.
Hanggang sa tumunog na ang telecom na nasa bedside table, kaya lumapit ako doon at hindi na pinansin ang nasa labas dahil parang may dinadasalan sila sa kabilang pinto. God bless you all; sasagutin ko lang itong tumatawag.
"Hello?" Bati ko sa kabilang linya habang nakangiti. Excited na akong lumabas!
"Good evening, Ms. Hermedilla. In a few seconds, the person who will pick you up will come to your room to take you to the ballroom because the masquerade ball is about to start. Again, have a good night and enjoy."
Anya ng babaeng nagsasalita sa telecom. Ako naman ay umupo nalang sakama habang naghihintay sa mag-susundo sa akin.
At ilang sigundo nga lang ay may kumatok na sa pintuan ko, kaya nakangiti akong umayos ng tayo. Pinagpagan ko pa ang suot ko at taas noong naglakad sa pintuan at pinagbuksan ang taong iyon.
"Good evening, Ms. Hermedilla. This way, please." Marahan naman akong tumango bago kinandado ang pintuan ng hotel room ko at sinundan siya.
Nilibot ko ang tingin sa paligid ng hindi ko makita ang bodyguard ko. Nasa baba na kaya siya? Na miss ko tuloy siya. At ang mas malala ay hindi ko makalimutan kung gaano siya ka gwapo kanina sa suot niya.
Hay, Madeline baliw ka na nga.
Pumasok kami sa elevator, at tahimik lang kami habang nasa luob. Ayos lang naman dahil abala rin ako sa kakaisip sa bodyguard ko. Saan kaya napadpad ang isang iyon. Hindi ba siya pinayagan na umakyat dito? Siguro? Pero baka nasa baba na nga iyon.
Bumukas ang elevator at lumabas ang lalaking sumundo sa akin, kaya sumunod narin ako. Dahil sa tahimik na paligid ay tanging ang takong ko lang ang nag-iingay. Lumiko kami sa isang pasilyo at sa hindi kalayuan ay may nakita pa akong mga kababaihan. tatlo silang naroon at katulad ko ay may suot narin silang maskara. Isa ata sila sa mga swerting napili bilang reyna ng gabing 'to.
Kahit malayo palang ako, alam ko ng magaganda at napaka sopistikada nila.
Ang una kong nakita ay ang babaeng naka suot ng white one-shoulder sequin-beaded mermaid gown. And her mask is also white, with a feather in her left eye. Naka easy twisty ang buhok niya at naka upo siya sa sofa in an elegant way. Ang ganda namang umupo nito, parang Reyna na sinasamba ng lahat.
BINABASA MO ANG
IL Ferno Series 1: Damien Dalerrios
RomanceIL Ferno Series 1 __________ Madeline Genevieve Hermedilla has a loving family, despite not having a father. In elementary school, she was bullied because she didn't have a traditional family structure. However, Madeline was too focused on other thi...