Chapter 2

63 5 0
                                    

[Chapter 2]

It's Monday again, and here I am fixing myself for school. I wear a white craptop shirt with high-waisted white retro trousers and white shoes. I don't want to wear our uniform today since I'm not in the mood. White dress shirt, black blazer, pleated skirt, and gray tie—that's the style of the girls uniform—but the weather is too hot for me, so I decided not to wear it. 

"Goodmorning everyone!" Bati ko agad no'ng maka pasok na ako sa kusina pagkatapos kong bumaba at nakita silang nag hahanda na para kumain, at mukhang ako nalang ang hinihintay.

"Goodmorning." Sabay nilang bati pabalik. Naupo naman agad ako sa upuan ko na pinagigitnaan ni mama at ng kapatid ko. Nag dasal muna si lola bago kami kumain. 

---

"Ako lang papasok?" Tanong ko sa mga pinsan kong naka ngisi sa akin dahil pinag mamayabang nila sa akin na wala silang klase lahat kaya ako lang ang papasok ngayon. Hinatid pa nila ako dito sa labas, walanghiya! 

"Oo kaya umalis kana, malapit ng mag 8." 

Bumusangot nalang ako at sumakay na sa kotse. Pag pasok ko ay kumunot na naman ang noo ko dahil sa pabangog naamoy ko, dalawa lang kami ng driver at sigurado akong sa kanya galing iyon. 

Tumingin ako sa rearview mirror, pero naka diritso ang tingin nito sa daanan pero nakikita ko ang napaka asul niyang mata. Nagka salubong ang kilay ko, pero iniwas din ang tingin ng tumingin narin siya sa rearview mirror at nag panggap na nag-cellphone. 

Nag simula ng umandar ang kotse, kaya nilagay ko sa bag ang phone at binuksan ang bintana na katabi ko at nangalumbaba doon habang patingin-tingin sa mga nadadaanan namin. 

"Bago ka diba?" Agad na tanong ko sa driver, habang nasa labas parin ang tingin. Pero hindi ito sumagot, kaya ginilid ko ang ulo ko para makita siya. 

"Hindi ka ba nakakapag salita?" Tahimik ang paligid kaya medyo narinig ko ang paghinga nito ng malalim na para bang nahihirapang mag salita. 

"O-opo." Umangat ang kabilang bahagi ng labi ko nong sumagot siya. 

He's the same person. At mukhang nahihirapan pa siyang sumagot gamit ang tagalog na lingwahe dahil may accent ito. Akala mo ha, hindi mo ako maluluko. 

"Taga saan ka?" Umayos na ako ng upo at lumayo sa bintana. Sinandal ko ang likod sa upuan at pinag kros ang kamay pati narin ang paa ko. 

Madiin akong tumitig sa rearview mirror, pero abala ito sa pag d-drive. Hindi ko makita ng buo niyang mukha dahil hindi nakababa ang salamin sa harapan. Parang tanga lang, napaka suspicious tuloy. Kanina ko pa hindi nakikita ang mukha.

"Ilo-ilo" mahina akong natawa.

"bulol" pilit kong hindi ngumiti dahil sa pagkakasabi niya non. Pano ba naman, ang tigas ng accent niya. First time, niya sigurong mag salita ng tagalog. Pero, in-fairness, naiintindihan niya ako. 

"Hmm... what's your name?" 

"Juan." Anya. 

"Ilang taon kana?" 

"28" 

"Ahhh, so dapat mang Juan ang itawag ko sayo. 10 years ang gap natin kaya okay lang naman siguro na tawagin kitang mang Juan." Matamis ko siyang nginitian no'ng dumako na ang tingin niya sa salamin kaya nag tagpo ang tingin namin. Nakita kong medyo gumalaw ang panga niya galing dito sa likod niya.

Nainis? Hahahahaha! Dumaan pa ang mga sigundo at hindi na ako nag salita dahil baka mainis na nga siya ng tuluyan. Ang sungit naman nito.

Nakarating na kami sa school, kaya bumaba na ako at hindi na siya pinansin pa. 

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon