[Chapter 20]
Ininom ko ang baso ng tubig na nasa lamesa Hanggang sa maubos ko iyon. Nagulat naman ako ng may maglagay pa ng tubig doon, kaya napatingin ako sa katabing ko na siya pala ang nagbunuhos ng tubig sa baso ko galing sa pitsel ng tubig na gawa sa glass. Napansin ko naman ang ganda ng pitsel na may mga design na gold. Ang ganda! Magkano kaya 'to? Hingin ko kaya para dagdag design sa bahay. Para may maipagyabang ako.
Hey guys, gift pala sa akin ng Chernyye Karty hotel!
Hiningi lang pala iyon eh."Drink." Nabalik ang pansin ko sa katabi kong tapos na pala sa paglagay ng tubig sa baso ko, kaya ininum ko rin agad iyon.
Namangha pa ako sa lasa ng tubig. Lemonade? Lasang lemonade! Ang sarap. Kaso busog na ako, kaya hindi ako makakainom non ng marami, baka kasi pumutok ang tiyan ko.
"You want more?" tanong ng gwapong nilalang na nasa tabi ko, kaya inilingan ko nalang siya. Hindi ko na nga maubos-ubos ang pagkain ko dahil tuwing malapit ko ng maubos ay dadagdagan niya na naman. Grabi si kuya niyo; hindi naman ako payat para pakainin niya ng marami. Hindi rin naman ako mataba. Sakto lang, kasi ang katawan ko.
Sa totoo lang noong nasa elementary palang ako, lagi akong na bu-bully dahil masyado akong mataba. Kaya napapaaway ako lagi noon dahil lumalaban ako. Minsan nga nasasaktan ko na sila ng pisikal, pero wala naman akong pake.
Wala naman sana akong paki-alam na mataba ako, kasi tuwing nabu-bully ako ay pumapatol naman ako, pero noong malaman ng tita at mama ko na ganun na pala ang nangyayari sa akin sa school ay pina diet nila ako. E sinabihan rin nila akong dilikado rin sa tao ang masyadong mataba kaya ayon sumunod ako, pero okay lang naman. Nagsimula akong mag diet noong unang tongtong ko sa high school at malaki naman ang pinagbago ng katawan ko may leeg narin ako sa wakas non.
At doon pumasok ako sa SPA strand and nag audition sa pagkanta, Sumali ako sa mga compitition, but hindi pa masyadong maganda ang boses ko. Ang una ko lang napalunan ay iyong walang hiyang compitition na paramihan ng pagpiyok at ako nga ang nanalo. Ewan ko ba kung anong naging trip ng school namin non. Pero noong naga Grade 9, na ako doon na gumanda ang boses ko. Ang strict ba naman ng voice mentor namin kaya ayon, para hindi parusahan naghusay ako hangang sa nagawa ko nga, gumanda ang boses ko.
Tatlong singer kaming pambato kapag may kumpitisyon sa kantahan sa ibat-ibang paaralan. Marami na nga akong na iuwing mga trophy.
Pero akala ko hangang pagkanta lang kami, hindi pala. As a talented person, daw dapat alam namin lahat, kaya nilagay na naman kami sa pagtogtog ng instrument. Pinapili pa kami non ng dalawang instruments na gusto naming tugtugin.
At ang napili ko, non ay violin at guitar, kaya nagpabili ako ng guitar at violin kay mama. Akala ko magiging madali ang kapalaran naming mga singer don, masahol rin pala. Lalo na sa akin na string ang piniling tugtugin. Puro sugat at gasgas ang natamo ng kamay ko non. Pero makaraan lang ay naging mahusay narin ako sa dalawang instrumento. Hindi naman ako nagsisi dahil ang ganda ng outcome non, kaya napagisipan kong i-try ang electric guitar. Kaya ayon tatlong instrument na ang alam ko. Galing ko eh, ang ganda pa ng boses ko.
Nabalik ang pansin ko galing sa pag-iisip ng marinig ang marahang musika na siyang tumutogtog na ngayon. Napatingin ako sa katabi naming table at nakita ko ang anim na magagandang babae na inaalayan na ng mga kapares nila papunta sa gitna ng ballroom.
May sayawan pa pala? Ay oo, tanga mo Madeline, malamang ball to. Nabaling ko ang tingin sa katabi ko ng maramdamang umalis siya sa kinauupuan niya at naglahad ng kamay para tanggapin ko.
"May I have this dance, my lady?" Tanong niya.
Pinipigilan ko namang mapakagat sa labi dahil sa lambing ng boses niya.
BINABASA MO ANG
IL Ferno Series 1: Damien Dalerrios
RomantikIL Ferno Series 1 __________ Madeline Genevieve Hermedilla has a loving family, despite not having a father. In elementary school, she was bullied because she didn't have a traditional family structure. However, Madeline was too focused on other thi...