[Chapter 1]
"Anong kulay ang bagay sa 'kin?" Tanong ko agad sa pinsan ko habang pinapakita ang dalawang satin wrap dress na kulay black at red.
"Teh, formal birthday ang pupuntahan natin, hindi party sa bar." Napa nganga naman ako. Eh, akala ko kasi malaking party at dapat sexy pag pumunta doon, hindi ko naman alam. Litsing pinsan to, hindi sinabi agad.
"Hindi ko naman alam, bakit ngayon mo lang sinabi." Inirapan ko lang siya at tumalikod na para bumalik sa kabilang cabinit kung saan nakalagay ang iba kong mga damit, nyahahaha.
Naka pili naman ako kaagad. High-waisted black pants suit tracksuits, with white strap corset crop pants and a black blazer.
Humarap na ako sa pinsan kong naka suot narin ng damit. She's wearing a white silk satin top and black high-waisted trousers at naka tuck-in iyon.
"Omygosh, para tayong mga girl boss, hahaha." Yeah, she's right, parang nga.
"Well, bilisan na natin, it's already 7:40, and the party will start at 8." Sabi niya, kaya nagkibit balikat nalang ako at sinuot na ang sandals ko. Tapos na kasi akong mag-make-up.
Kinuha ko na ang purse ko at sabay na kaming lumabas ni Alesendra. Buti nalang at malapit lang sa hagdan ang kuwarto niya, hindi katulad sa akin na parang tatawid pa akong ng limang bundok, kaya ang ending pagod na pagod ako.
Pag baba namin ay nakita namin ang buong pamilya na nasa sala at nanunuod ng TV, habang ang mga babies ay naglalaro sa carpet.
"Aalis na po kami" sabay na sambit namin, kaya sabay silang napa tingin sa amin.
"Oh wow, your outfits really suits to you two." Naka ngiting papuri ni tita Helly, ang panganay na anak nila Lola.
"Syempre naman tita, maganda ang genes natin kaya walang problema kung ano ang susuotin." At nag flip hair pa ako na Ikina tawa nila kaya, natawa narin ako.
"Sige na po baka ma late pa po kami." Paalam namin ulit bago tuluyang umalis.
Pag labas namin ay agad na kaming sumakay sa kotse. Ako ang mag-drive dahil hindi pa marunong mag-drive itong Isa at wala pa siyang lisensya.
Nakarating kami sa distinasyon namin. Marami ng naka park na mamahaling kotse sa labas ng bahay nila, kaya humanap kami ng mas malapit, buti nalang at meron.
Pagkatapos ay bumaba na kami at sumalubong agad sa amin ang napaka ingay na musika galing sa loob. May mga nakakasabayan pa kaming mga bisita.
Tumingin ako sa orasan at nakitang 7:59 na.
"Alesendra! Ate Madeline!" Nginitian namin si Sara no'ng maka lapit na kami sa kanya, mukhang siya ang sumasalubong sa mga bisita niya.
"Happy birthday, Sara." Bati naming dalawa ni Alesendra at niyakap siya.
"Pasok na kayo Alesendra, nasa living room sila Keyla." Ngiting sabi niya. Tumango naman si Alesendra at sabay na kaming pumasok at tinungo ang living room.
"Alesendra! Madeline!"
Tawag ng mga kababaehan na nasa living room, kaya napapatingin ang ibang bisita, pero diritso lang ang lakad namin sa limang babae na barkada ni Alesendra.
"Ang gaganda niyo!" Hyper na sabi ni Abby at niyakap niya kami isa-isa. Nakipag beso naman kami sa iba at na upo na. Agad akong nag di-kwatro pagka upo ko dahil mas kumportable ako kapag naka ganon ang paa ko.
"Wine ma'am?" May dumating na waiter sa tabi ko at inilapit sa akin ang tray ng wine, kaya kumuha na ako habang hindi tumitingin sa kanya, pero kumunot ang noo ko dahil sa boses niya, his deep voice! It's so familiar! Kaya naman ay agad akong lumingon, pero hindi ko na siya makita pa, ang dami kasing dumadaan na waiter.
BINABASA MO ANG
IL Ferno Series 1: Damien Dalerrios
RomanceIL Ferno Series 1 __________ Madeline Genevieve Hermedilla has a loving family, despite not having a father. In elementary school, she was bullied because she didn't have a traditional family structure. However, Madeline was too focused on other thi...