[Chapter 12]
"Madeline!"
Napabalikwas ako sa pagtulog ko ng may sumigaw. Kumurap-kurap ako dahil inaantok parin ako. Sumasakit panga ang ulo ko hanggang ngayon. Pagod na pagod ang katawan ko grabi.
"Akala ko ba mag re-review?"
Tinignan ko naman si Lyra at sinamaan ng tingin. Para namang tanga to, kitang natutulog ako ginulat pa ako. Pwedi niya naman akong gisingin ng maayos. Inirapan ko naman siya. Umupo na siya sa upuan niya at nilabas ang reviewer niya. Ako naman ay umayos na sa pagkakaupo at humikab.
"Nag re-review ako."
"Sa panaginip?" Tawa niya kaya bumusangot nalang ako at umayos na sa pagreview. Nag re-review naman talaga ako. Naisipan ko lang matulog muna dahil parang walang papasok sa utak ko kung inaantok naman ako. Itutulog ko nalang para naman gumana rin ang utak ko.
"Anong ni-ri-review mo?" Tanong niya habang nilalabas ang reviewer niya. Natawa pa ako ng makitang ang dami pa pala non.
"Piling larang nalang, pagkatapos nito tapos na. Inubos ko kagabi yung iba para wala na akong masyadong isipin ngayon."
"Ay nag review karin kagabi? Kaya ka puyat?"
Tinanguan ko lang siya nagbasa nalang ulit. Last exam day na namin ito ngayong araw at siguradong ipapatapos sa amin ni ma'am lahat ngayong umaga para maka uwi naraw kami. Buti naman. Para naman makapag pahinga narin ako. Bukas naman ay sabado narin, kaya makakapagpahinga narin ng mahabang araw. Huminga nalang ako ng malalim ng maramdaman ko'ng parang humahapdi ang mga mata ko. Pabili kaya ako ng kape para naman mabawasan ang antok ko.
Kinamot ko ang mata ko dahil naluluha na ako kaka hikab. Nakalimutan ko pa ang reading glasses ko sa bahay kaya medyo hindi ako makapag basa ng maayos. Kailangan ko pang tititigan ng mabuti ang papel ko para lang steady ang pagbabasa ko at makita ko ng maayos. At isa pa ay kakagising ko lang, kaya hindi ko na talaga siya maaninag.
Gusto ko sanang ipakuha sa bodyguard ko, pero huwag nalang. Malapit narin naman akong matapos kaya titisin ko nalang. Ngayung araw lang naman, kaya okay lang.
Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko at lumabas. Gusto kong magpa bili ng kape. Nitong mga nagdaang mga araw ay na realize ko na okay naman ang kape. Nakakawala talaga siya ng antok lalo na sa mga ganitong bagay. Pero alam kong masama iyon sa kalusugan, pero kailangan rin talaga para narin sa ikakabuti ng lahat. Minsan lang din naman, kaya hindi na masama. Ang masama ron kung sa isang araw, apat na kape ang ininom mo.
Tuluyan na akong nakalabas at nakita ko naman ang bodyguard kong nakatayo sa labas. Oo nga pala, ganito ba siya lagi? Nakatayo buong araw? Shit nakalimutan ko, hay nako dapat pala binigyan ko ng upuan. Di bali na nga lalagyan ko nalang ng monoblack diyan pag umalis na siya.
Pero ang steady niya lang ah, kung sino talaga ang dadaan rito hindi na ako magtataka kung ilang kababaihan ang lilingon sa kanya. Crush na crush nga rin siya ng best friend ng adviser namin eh.
Tuluyan na akong lumapit sa kanya at napatingin narin siya sa akin. Masama parin ang luob ko, pero kinikilig talaga ako sa pagmumukha ng kapreng 'to.
"Bilhan mo nga ako ng kape, inaantok kasi ako pero hindi ako puweding antukin, nag re-review kasi ako, please?"
"Alright."
"Thank you!"
Yumoko ako para dukutin ang pitaka ko para bigyan siya ng pera. Pero pag angat ko ng mga tingin ko habang inaabot ang pera ay wala na siya sa kinatatayuan niya. Umalis?
Nilingon ko ang daanan kung saan siya dadaan, pero wala narin siya. Gan'on ba siya ka bilis? Hindi ko man lang napansin na umalis siya. Grabi na talaga siya ha. Napaka mysterious ng kapreng 'yon, hay nako kaya nga crush ko kasi namamangha ako lagi sa kanya.
BINABASA MO ANG
IL Ferno Series 1: Damien Dalerrios
RomanceIL Ferno Series 1 __________ Madeline Genevieve Hermedilla has a loving family, despite not having a father. In elementary school, she was bullied because she didn't have a traditional family structure. However, Madeline was too focused on other thi...