[Chapter 49]
"Yeah, I can see that. It's just that.... What the fuck!"
Natawa ako sa naging reaksyon niya. Hindi siguro sinabi ni Damien na kaya kong gawin iyon. Pero natigilan ako ng makarinig ng mga yapak ng sapatos. Pati ang nasa kabilang linya ay natigilan din sa pagsasalita.
"Sino 'yon?" Mahinang tanong ko na siya lang ang makakarinig. Papalapit na ang mga yapak kaya naririnig ko narin ang mga boses na naguusap. May kasama.
"Sila ang kukuha sayo. Papunta na si Dalerrios diyan kaya kailangan kana nilang kunin. That woman will kill you infront of Damien."
Oo nga pala. Iyon ang sinabi ni Farah kanina. Papatayin niya ako sa harapan ni Damien. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ni Damien kapag namatay ako. Alam kong malaki ang galit ni Farah kay Damien, kaya naman ay hindi ko siya masisisi. Pero galit ako sa ginawa niya sa pamilya ko!
"Kaya mo ba sila?" Tanong ni Harrison.
"Hindi ko alam. Ilan ba sila?" Pabalik ko namang tanong. Kailangan ko ring mag ingat lalo na at buntis ako. Kahit pa malakas ang kapit ni baby ay hindi parin iyon nakakasigurado. Kailangan kong makalabas agad dito.
"Two of them. I think you can easily take them down." Tumango ako at inihanda ang sarili. Nagtago ako sa isang pader para hindi nila ako makita. Kailangan ko silang papasukin sa loob ng silid na iyon para magawa ang kailangan kong gawin. Ayaw ko namang makipag patentero nalang sa kanila lagi no... nakakapagod kaya.
"Mukhang plano ni madam na pakasalan ang lalaking iyon," rinig kong pagkakasabi no'ng Isa na ikina kunot ng noo ko. Ano daw? Sinong magpapakasal?
"Diba pinatay ng lalaking 'yon ang pamilya ni madam at walang itinira? Bakit gusto niyang pakasalan ulit?"
"Baliw na baliw pa daw si madam sa lalaking 'yon. Kaya bago sila magpakasal dapat patay na ang babaeng bihag na iyon. Sagabal daw kasi sa pag ibig nila."
The fuck!? Pag ibig!?
"Tsk tsk, mental hospital ang kailangan ni madam, hindi pag ibig."
Hindi ko naman napigilang matawa ng mahina at napatakip sa aking bibig. Galing niya don ah, true 'yan. Akala ko ba galit, pero pumapag ibig parin pala? Galing din nitong si Farah eh.
Muli ko silang sinilip na binubuksan na ang bakal na pintuan. Hudyat ko naman iyon na lumapit na kanila. Dahan dahan lang ang galaw ko at hindi gumawa ng ingay. Pumwesto ako sa likuran nila at kinuha ang baril sa likod ko at pinukpok sa likod ng leeg nila. Mabilis ang galaw ko kaya agad nahimatay ang dalawa. Walang ingay, walang dugo, wala gulo. Malinis!
"That was clean" kuminto ni Harrison.
Pero hindi ko nalang siya pinansin muna at lumapit sa dalawang lalaki na nakasalampak sa sahig. Binuksan ko muli ang pintuang bakal at isa isa silang pinasok doon, bago lumabas ulit at kinandado ang pintuan.
"Saan ako dadaan?"
Tanong ko kay Harrison bago pa ako magtagal dito. Baka maghinala ang nag utos sa kanila kung bakit ang tagal nilang nakabalik para kunin ako. Tulad nga ng sabi ni Damien ay dapat wala munang mangyayaring gulo hanggat hindi pa ako nakakalabas. Gusto ko mang pumunta kay Damien ay hindi pa puwedi, baka masira ko ang plano niya. Mas madedehado lang kapag hindi nasunod, kaya mas safe na sundin nalang ang plano nila.
May pag aalala akong nararamdaman dahil hindi mapipigilan na may gulo talagang mangyayari. Pero magiging pabigat lang ako kay Damien kapag nalaman niyang hindi pa ako naka alis dito ng ligtas. May tiwala rin ako kay Damien sa mga plano niya kaya ayaw kong sumagabal.
BINABASA MO ANG
IL Ferno Series 1: Damien Dalerrios
RomanceIL Ferno Series 1 __________ Madeline Genevieve Hermedilla has a loving family, despite not having a father. In elementary school, she was bullied because she didn't have a traditional family structure. However, Madeline was too focused on other thi...