[Chapter 32]
"Pakawalan niyo ako rito!!" Sigaw ako ng sigaw dito sa pinag lalagyan kong kwarto. May kama at lamesa ang nandito pero iyon lang ang laman. May bintana pero nasa pinaka itaas iyon. Ang pintuan naman ay gawa sa bakal.
Nagising ako kanina na nakahiga na sa kama dito na maalikabok pa! Ito ang totoong kidnaping eh, pero may allergies ako sa alikabok!
Hindi ako mamatay sa kamay nila, sa alikabok ako mamamatay!
"Tang Ina niyo! Kahit linisin niyo man lang ang kwartong 'to ta's palitan niyo narin ng bedsheets at pillowcase!"
Kanina pa ako bumabahing dito dahil sa nasisinghot kong alikabok. Pakiramdam ko pulang-pula na ang buo'ng katawan ko dahil sa hinigaan ko kanina. Ang malala pa ay na kidnapped na naman ako, ano bang nangyayari sa world! Bakit laging ako ang trip ng mga taong 'to!
"Ilabas niyo ako dito!!" Sigaw ko ulit at bumahing. Pagod na pagod na ako kakabahing at nangangati na ang buong katawan ko.
"Hoy! Ang ingay mo! Na kidnapped ka na nga napaka demanding mo parin!" Sigaw nong nagbabantay ata sa labas. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinagot niya. Oy Philippines!! Philippines!!
Okay stop.
"Aba syempre! Kayo may kailangan sa akin kaya mag d-demand talaga ako! Buti pa 'yung isa kong kidnapper binibigay lahat sa akin tapos ngayon kahit bagong gamit dito sa kwarto nato wala kayong maibigay! Ang poor niyo naman!!"
"Tang inang babae 'to! Hoy manahimik kana diyan!"
"Hindi ako tatahimik hanggat hindi nalilinisan ang kwartong 'to! Isa pa kailangan ko nang maglinis ng sarili ko! Bakit ba hindi kayo nagpakabit dito ng comfort room!!"
"Tang Ina, patahimikin mo nga ang isang 'yan."
"Eh sabi ni boss huwag galawin"
"Tang Ina nga naman"
Kumunot ang noo ko. Dalawang pilipino! Grabi, may pang flight sila papunta dito pero bedsheet at pillowcase wala!!
"Bigyan niyo ako dito ng bagong pillowcase at bedsheet!! Samahan niyo anrin ng walis!!"
Sigaw ko ulit. Pero napa atras ako sa harapan ng pintuan dahil kinalabog nila iyon galing sa labas ng tatlong beses.
"Manahimik ka diyan babae kung ayaw mo'ng masaktan!" Sigaw ng nasa kabila kaya wala sa oras kong kinuha ang upuan na gawa sa bakal at itinapon sa pintuang bakal na gumawa ng malakas na ingay.
"Palabasin niyo ako dito!! Allergic ako sa alikabok mga minions kayo!! Pag nakalabas talaga ako dito pakakainin ko talaga kayo ng banana habang buhay! Mga walang hiya kayo!!"
"Puta, demonyo ba ang nasa kwartong 'yan?"
Bulungan nila sa labas kaya pinaghahampas ko ulit ang pintuan sabay bumahing. Letsi nahihilo na ako!!
"Buksan niyo" natigilan ako sa pagkalabog ng pinto ng may marinig akong boses ng lalaki.
At sa hindi amlamang dahilan ay biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Parang kilala ko ang boses na iyon.
"Pero boss, nagwawala 'yung babae sa loob."
"Ako na'ng bahala," malamig na sambit ng lalaki. Napaka pamilyar talaga ng boses niya! Hindi ako mapakali kaya kinalabog kong muli ang pintuan.
"Hoy Ikaw, third person! Baka naman may plano ka diyan!!"
Pero hindi ako pinansin at patuloy ko lang na naririnig ang kandadong kinakalas nila sa pintuan. Over naman, kung maka kandado parang sinapian ng masamang ispirito ang kinukulong dito.
BINABASA MO ANG
IL Ferno Series 1: Damien Dalerrios
RomanceIL Ferno Series 1 __________ Madeline Genevieve Hermedilla has a loving family, despite not having a father. In elementary school, she was bullied because she didn't have a traditional family structure. However, Madeline was too focused on other thi...