Chapter 17

26 5 0
                                    

[Chapter 17]

Humihikab akong nagising ng marinig ko ang ingay ng alarm clock ko at pinatay iyon. Nakapikit pa akong bumangon at pilit binabawi ang sarili sa antok.

Ngayon ang baccalaureate namin, kaya maaga akong gigising. Puyat pa nga ako dahil sa party kagabi. Buti nalang walang nangyaring inuman. Humindi rin kasi ang mga kaklse namin dahil nga sa event ngayon. Baka kasi magpagkamalan kaming demonyo na pumasok sa simbahan.

Madilim pa sa labas, kaya naman ay binuksan ko na muna ang Ikaw dahil maliligo na ako. Na plantsa ko narin kagabi ang susuotin ko ngayon, kaya make-up nalang at kain ang aasikasuhin ko.

Tatlong araw nalang at graduation day, kaya bukas ay ang last naming practice sa graduation march. Hindi ko nga alam kung bakit mabigat ang pakiramdam ko ngayon. Sa puyat siguro at pagod narin sa party kagabi. Ang ligalig kasi. May palaro kagabi, kaya walang hindi sumali sa amin, nakakapagod tuloy.

Time check: 6:00 am ay nandito na kami sa labas ng simbahan at naghahanda na para pumasok. Wala akong kasamang parent or guardian ngayon dahil pwedi namang wala na. Pero syempre hindi mawawala ang bodyguard ko na kulang nalang ibulsa ko para kahit sa pagtulog kasama ko parin.

Marami naring napapatingin sa kanya dahil naka itim na suit siya at pa tingin-tingin sa paligid at mayamaya lang ay mapupunta na naman ang pansin sa akin. Nong una ayaw ko ng bodyguard dahil parang ang awkward, pero dahil crush ko siya kahit dumikit pa siya sa akin ayos lang. Lande!

Maya-maya lang ay nagsimula na ngang kaming pumasok. Hinandanko narin ang mini fan ko dahil paniguradong maiinitan ako sa luob kahit umaga palang. Ang dami kayang tao. 800 kaming g-graduate, kaya magsisiksikan kami sa loob.

Sana naman, hindi na siya pumasok para hindi siya maiinitan. Char, concerned. Isang oras kaming nanatili sa loob para sa misa. Sumasakit na nga ang lalamunan ko kakasabay sa kanta dahil kailangan naming sumabay. May nakabantay kasing teachers sa mga gilid kaya todo kanta kami. Sana pala sumali nalang ako sa quire. Kaya nga hindi ako sumali kasi ayaw kong kumanta. Wala rin pala akong takas.

Pagkatapos ng Misa ay sa likod kami dumaan na magbabarkada dahil nagsisiksikan ang lahat sa front door. Tinawagan ko na lamang, and bodyguard ko na pumunta rito sa likod dahil may gate naman dito para labasan.

Diritso din kami ngayon sa Green Tea para uminom ng milk tea. Para narin kumain ng paburito kong snacks at burger. Nagutom ako kakakanta. Nauuhaw narin ako. Bawal daw, kasi mag dala ng kung ano sa loob. Kahit man lang tubig, hay nako!

Dumating na ang bodyguard ko. Natuwa pa ako ng may dala siyang tubig, kaya agad akong napa inom. Binigyan ko rin naman ang mga kaibigan ko na uhaw na uhaw narin. Kawawa.

"Tara na. Hindi ako kumain sa bahay kaya gutom ako." Ani ni Lyra. 

"Same!" Sabay naming sambit kaya nagtawanan kami at naglakad paalis. Malapit lang naman ang simbahan sa pupuntahan namin, kaya binalikan ng bodyguard ko ang kotse at susunod nalang raw siya.

Ilang minuto kaming naglakad ay nakarating narin kasi sa Green Tea. Marami ng istudyante duon, pero dahil malaki naman, ang ispasyo ay nakahanap parin kami ng mauupuan namin. Umupo kasi katabi ng wall glass, kaya kita ang labas. Sakto namang nakita ko ang kotse at lumabas galing doon ang bodyguard ko.

Pumunta narin sa counter si Amber at Lyra dahil sila na ang mag-order. Napalingon ako sa pintuan at nakita siyang nakatingin sa gawi namin, pero lumabas rin kalaunan. Mukhang tinignan niya lang kung nandito ba ako.

At ayon, nakatayo lang siya sa labas. Ang gwapo kaya ang ganda ng view ko. Dumating na ang order namin, kaya nagsimula narin kaming kumain.

Wala naman kaming ginawang apat kundi ang magkuwentohan lang, kaya pagkatapos ay agad narin kaming nagsi uwian. Pinapa uwi narin kasi si Amber. Hindi nga namin alam kong bakit, hindi naman siya pinapauwi agad pag kami ang magkakasama. Emergency siguro. Sana naman, walang nangyaring masama. 

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon