Chapter 25

30 5 0
                                    

WARNING: This chapter may not be appropriate for younger readers due to its use of triggering themes. Please read at your own risk!

****

[Chapter 25]

Hatinggabi na, pero hindi parin ako makatulog. Madilim na ang buong kwarto ko, pero dahil sa repleksyon ng buwan na nanggagaling sa labas, kaya dim lang dito sa kwarto.

Kanina pa ako isip ng isip sa nakita ko. Letsing curiosity 'to, baka dito pa ako mamatay eh. Hindi ako makatulog dahil gusto kong malaman ang mga nangyayari. Isa pa sa pagiging curious ko ay dahil sa mabigat na pakiramdam ko kanina.

Sa inis ay pabalikwas akong bumangon sa kinahihigaan ko. Aalis na sana ako ng magulat ako sa narinig. Baril ba iyon? Sa pangalawang pagkakataon ay may pumutok na naman ulit kaya napatayo na ako.

Lumapit ako sa pintuan ko at idinikit ang tenga ko duon. May narinig akong pagkalabog at parang may hinihilang kong ano. Bumaba ang tingin ko sa paanan ko, at duon nakita ang anino na nanggagaling sa labas.

"Hmm!!"

Sigaw ng kung sino na nanggagaling sa labas. Nasa anino lang ang tingin ko at kitang kita ko na ang likot ng anino. Nanginig ang mga kamay na napasapo ako sa sariling bibig.

Napalunok ako at dahan dahang lumuhod at dumapa. Sumilip ako sa ilalim ng pintuan kung saan may siwang. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may hinihilang mga tao. Sunod sunod iyon. Sapilitan silang hinihila, at ang mas nakagulantang sa akin ang ang mga dugong nasa sahig non. Hanggang sa may hinihila na naman na lalaki. May takip ang bibig niya at duguan ang mukha at maraming sugat. At sa hindi inaasahan ay nag tagpo ang tingin namin.

"Hmmm!!" Sigaw niya, kaya mabilis akong umatras sa pintuan. Umalis ako sa pagkaka silip duon habang tinatakpan ang bibig ko.

Shit shit shit!

Hanggang sa may humintong anino sa tapat ng pintuan ko, kaya kahit nanginginig sa takot ay patakbo akong bumalik sa kama at nagtalukbong.

Ilang sigundo pa ay wala namang nag bukas sa pintuan kaya sumilip ako. Para naman, akong nakunan ng tinik sa dibdib ng wala na akong makitang anino doon.

Dahandahan ulit akong bumangon at sa pagkakataong ito ay matapang kong pinihit ang pintuan at dahan-dahang lumabas. Hindi ako gumawa ng ingay. At habang papalabas ako ay nanayo ang mga balahibo ko ng makita ang dugo sa sahig.

Shit baka may bumalik dito at linisin ang sahig. Walang pweding makakita sa akin!

At tama nga ako dahil may narinig akong nga yapak ng mga paa, kaya sinarado kong muli ang pinto ng tahimik.

"Grabi, nakakakilabot talaga si boss."

"Kaya nga e, buti nalang at hindi na tayo kailangan sa loob."

"Ginagalit kasi si boss, tss tss."

"Kaya nga e. Linisin na natin to."

Paguusap nong dalawang lalaki sa labas. Huminga nalang ako ng malalim at naghintay nalang ng ilang minuto hanggang sa matapos sila. Umalis narin sila, kaya dahan dahan kong binuksan ulit ang pinto at sumalubong sa akin ang mabangong aroma. Pinabanguhan pa ang sahig, kaya hindi na ako nakaka amoy ng dugo.

Kinuha ko ang sapin sa paa para hindi ako makagawa ng ingay. Alam kong may cctv rin dito, pero may mga blind spot naman kaya magagawa kong maglakad at mag tago sa cctv.

Aalis na talaga ako rito; hindi ko kakayanin rito kung mananatili ako!

Pero natigilan ako ng makarinig ng mga yapak na papasalubong sa akin, kaya napa atras ako. Kaya imbis na sa hagdan ako tutungo ay sa iba ako napunta. Sa daan kung saan dinaanan ng mga tao kanina. Nyeta naman!

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon