[Chapter 4]
Maluko kong pinagtatawanan ang mga pinsan ko ngayon dahil naka busangot sila sa harapan ko. Serves you right, inasar niyo ako kahapon dahil may klase ako, ngayon sila naman ang tatawanan ko dahil may klase na sila. Buong grade 12 kasi ang walang klase ng apat na araw. Kaya ngayon, makakapagpahinga rin ako sa wakas!
"Well guys, being a student is hard. Pero deserve rin namin ng pahinga lalo pa at mag co-college na kami.” Nag flip hair pa ako at sinubo ang ice-cream sa bibig ko with matching pikit pa para ramdam ko ang sarap ng ice-cream.
“Tsk!” Sabay sabay pa na sambit nila. Kawawa naman. Okay lang yan, everyone, makakabawi rin kayo! Mag-aral lang tayo ng mabuti. Dapat talaga tayong mag-aral ng mabuti mga insan, sayang ang perang pinapaaral sa atin at baka magsisi pa tayo sa huli.
“O siya magsilakad na kayo, malapit ng mag 8.” Sabi ko at mahinang nag wave ng kamay sa kanila. Si Alesendra ay aalis rin ngayon kasama ang barkada niya.
Napapa iling nalang ako habang nakikita ko silang lumalabas ng pinto. Nagkibit balikat ako bago nag patuloy sa pagkain ng ice cream. I’m addicted to ice cream, and thankfully, hindi lumalaki ang stomach ko. May iba kasi talaga'ng lumalaki ang tiyan kapag umiinom o kumakain ng malamig.
Ako kasi mabilis lang rin mag digest ang mga kinakain ko. Hindi rin naman ako makakapayag na lumaki itong tiyan ko no!
“Gene, aalis na kami ha? Ikaw na muna ang bahala sa bahay.” At oo nga pala, pati nga pala sila mama ay aalis kasama sila tita at Lolo. Basta sila lahat aalis. Kaya ako nalang mag-isa ang maiiwan dito sa bahay, at kasama ang mga kasambahay syempre.
“Take this apo, for your safety.” Tinanggap ko naman ang ibinibigay ni lolo at ibinulsa sa likod ng short ko.
“Okay.” I sweetly smiled to them, and mama pinched my cheek before sila lumabas ng bahay.
“Mag iingat ka dito Mady.” Tinanguan ko sila tita at tuluyan na nga silang umalis. Nakarinig narin ako ng pag-busina ng kotse hudyat na lalabas na sila sa gate.
Well, solo ko ang bahay! Hahahahahaha!
“Ma’am Mady? May gusto pa po ba kayong kainin? ”Tanong sa akin si Esa na nasa likuran ko. Naka upo kasi ako sa sofa at naka harap sa TV at nanunuod ng korean drama.
“Vegetable salad, tyaka carrot shake nalang Esa. I need to maintain my diet, baka kasi lumubo nalang ako bigla.” Narinig ko ang marahang pagtawa ni Esa bago siya umalis sa likod ko.
Ilang minuto ay dumating na nga ang pagkain ko, kaya sinimulan ko na iyung kainin. Matagal-tagal kong na ubos ang pagkain dahil narin sa pinapanuod ko. About kasi sa zombie ang pinapanuod ko at halo-halo ang imosyon ko, sumisigaw, umiiyak, natatakot, nagagalit, at iba pa. At mas lalo akong na t-thrill dahil sa mga maid na nakiki nood narin.
“Sa likod! Tumakbo kana bobo!!” Sigaw ko.
“Ay nako maryusep, tumataas BP ko sa mga batang ito! Tumakbo kana!” Sigaw din ng isang kasambahay na may katandaan na. Nako! Tumataas na daw ang BP!
“Sa likod mo! Huwag kanang humarap! O ayan kinagat ka tuloy, bobo ka kasi!!” Sigaw naman ni Esa, kaya pinipigilan ko na ang tawa ko dahil sa mga pinag sasabi nila.
Hanggang sa natapos namin ang last episode. Ang ingay parin nila dahil ang bobobo nga daw ng mga characters, kaya natatawa nalang ako sa mga kumento nila.
“Hay.. Maiwan ko na muna kayo. Sa kwarto lang ako.” Pagpapaalam ko sa kanila at umakyat na pataas. Habang umaakyat ako ay ang ingay parin nila sa baba. Napapailing nalang ako dahil sa kanila.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama ko at in-open ang cellphone at nag basa ng wattpad. Kapag kasi wala na akong ginagawa ay ito lang ang ginagawa ko. Magbasa ng wattpad, manunuod ng palabas, at magbasa ng manhwa.
BINABASA MO ANG
IL Ferno Series 1: Damien Dalerrios
RomanceIL Ferno Series 1 __________ Madeline Genevieve Hermedilla has a loving family, despite not having a father. In elementary school, she was bullied because she didn't have a traditional family structure. However, Madeline was too focused on other thi...