Chapter 48

22 5 0
                                    

WARNING: This story may not be appropriate for younger readers due to its use of triggering and violence themes and some oppressive language. Please read at you own risk.

****

[Chapter 48]

Sinamaan ko ng tingin si Farah nang bigla niya akong sampalin at sabay na tumawa na parang baliw. Kamuntikan pa akong mabuwal sa kinauupuan ko sa lakas n'on. At hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang magagawa niya sa akin ito. Gusto ko mang magulat pero wala ng oras para doon, nasa piligro ang buhay namin anak ko.

"Buti nalang at hindi ako nagkamaling kaibiganin ka, Madeline," umirap ako sa itinuran niya. Buti naman. Sa ganda kong 'to magkakamali ka pa? Congratulations, yey!

"Pero malas lang at nadamay ka sa gulo ni Damien. Hindi ka sana kasali eh, pero nalaman kong anak karin pala sa isa sa pumatay sa pamilya ko," ang ngisi niyang naka paskil sa kamyang labi ay biglang nawala. Naging seryoso ang tingin niya sa akin, habang ang mga mata ay napupuno ng galit.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at naglakad paikot sa akin. Hindi nakasunod ang tingin ko sa kanya at diriteo lang ang mga mata sa bakal na pintuan dito sa madilim na silid at pinapakiramdaman siyang nasa likuran ko na.

"Ikinasal kami ni Damien nang tumontong kami sa tamang idad. No'ng pinagkasundo kami ay may boyfriend ako kaya hindi ko matanggap na ikakasal ako sa hindi ko naman mahal," biglang pag k-kuwento niya. Kumunot naman ang noo ko sa isinalaysay niya. Yan, nice one!

"Pero wala akong nagawa para pigilan na mangyari iyon dahil papatayin nila ang kasintahan ko kapag nagmatigas ako.." bigla siyang huminto sa harapan ko. Tumitig siya sa akin na parang kasalanan ko lahat ang nangyari.

"Ikinasal kami ni Damien. And guess what, ang lamig niya sa akin at hindi man lang niya ako kayang tignan kahit saglit. Pero ayos lang sa akin dahil may kasintahan ako. Ang hindi ko lang inaasahan ay sa kabila ng pagiging malamig niya sa akin ay nahulog ako sa kanya."

"Grabi kana Damien. Ang pogi mo talaga." Bulong ko sa aking sarili. At alam kong hindi iyon narinig ni Farah dahil naglalakad na naman siya at nagiingay na naman ang takong niya.

"Dahil doon ay nakipaghiwalay ako sa kasintahan ko at pinipilit na maging malapit kay Damien, pero walang nangyari. Lagi siyang umaalis at hindi na umuuwi minsan sa bahay namin." Bakit parang napaka familiar ng kuwento niya. Nahulog rin kasi ako sa kalamigan ni Damien, pero may gusto rin naman si Damien sa akin. Denial lang talaga siya no'ng una.

Pero bakit iba ang babaeng nakita ko sa picture nila noon sa Farah na kilala ko? Ibang-iba ang mukha nila.

"Matagal siyang umuwi. Hanggang sa dumating ang isang taon. Umuwi siya dala ang divorce paper namin at pinipilit na pirmahan ko. He even blackmailed me by saying he will kill my mother if I didn't sign the paper. Natakot ako dahil kilala ko si Damien, gagawin niya ang lahat para sa kaligayahan ng sarili niya. A selfish bastard." Ramdam ko ang galit sa boses niya habang nagsasalita. Pero no'ng lingunin ko siya ay walang emosyon ang mukha niya.

"And then he started a war between the two family. His family and mine. Sinira niya ang pagkakaibigan ng grandparents namin kaya nagkaroon ng away. Sinira niya ang pagkakaibigan ng dalawang pamilya ng walang nakaka alam kundi siya lang. Dahil sa nangyari ay namatay ang pamilya ko. Ni isa sa kanila ay walang natira, ako lang ang nakaligtas sa kasamaan ni Damien."

Mahinahon lang siyang nag k-kuwento pero may diin sa bawat salita na binibitawan niya.

"He even killed his grandfather-"

"They killed his parents, Farah." Madiin kong turan na ikinatawa niya.

"Dahil nagmatigas sila! Kung sinunod lang nila ang sinasabi sa kanila ay hindi mangyayari sa kanila iyon! Sacrificing is what makes you safe, Madeline. Walang nagagawa ang pag ibig sa mundo namin."

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon