Chapter 26

24 5 0
                                    

[Chapter 26]

Habang kumakain ako ay napansin kong nakatitig lang si Damien kaya inangat ko ang tingin sa kanya. Ano na naman kaya ang problema niya? Or what if may lason ang pagkain kaya hindi siya kumakain!

“Can you feed me? I can’t use my other hand.” Ay iyon naman pala. Akala ko may lason na. Ito namang lalaking ‘to pinapakaba ako. Pero pakakainin? Susubuan ko siya?

“ahm..” sambit ko dahil nagiisip pa ako. Susubuan ko ba? Kawawa naman kasi at may sugat pa. Ay nako sige na nga, kawawa eh.

“Okay.” Sagot ko nalang bago umayos ng upo sa harapan niya. Ramdam ko ang mga tingin niyang nakasunod lang sa mga galaw ko. Naiiling pa ako dahil ang lalim kung maka tingin, parang pati kaluluwa ko nakikita niya e.

Dinampot ko na ang kutsara at tinidor. Gamit ang tinidor ay tinulak ko ang kanin at ulam sa kutsara at inangat papunta sa labi niya. Pero Hindi siya naka nganga kaya napatingin ako sa mga mata niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

“Ayaw mo?” Tanong ko. Pero bago ko pa mailayo ang pagkain ay hinawakan na niya ang palapulsuhan ko at sinubo na ang pagkain na nasa kutsara. Sikreto akong napalunok dahil habang sinusubo niyo iyon ay nakatingin siya sa akin! Bakit parang ang landi niya ngayon!

Pagkatapos niyang masubo ay binitawan niya na ang kamay ko kaya dahil sa kaba ay hindi ko na namalayang nakisubo na pala ako at gamit pa ang kutsara na ginamit niya! Nako naman Madeline!

“Hala! Sorry, papalitan ko nalang!” Akmang aalis na ako ng pigilan niya ako sa pag hawak ng kamay ko. Nilingon ko siya at nakitang nakangisi pa siya. Ayan na naman!

“Don’t, let’s just share it. Don’t move your leg too much.” Pag aapila niya. Wala sa sarili naman akong tumango na ikinainit ng mukha ko. Yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko! Ang lakas ng kabog non, diyos ko, mag hunos dili ka Madeline!

Bakit ba kasi ganon. Nasa tabi ko lang naman ang sarili kong pagkain. Tanga mo rin Madeline e. Napapayuko nalang ako.

“No need to be shy baby, we’ve kissed already. Remember?” Anya kaya hindi makapaniwalang naiangat ko ang tingin sa kanya at napanganga. Pero sa ginawa ko ay nagkalapit ang mukha namin. Ang lapit na pala niya kaya muntikan pang magkadikit ang labi namin. Buti nalang at mabilis ang kilos ko at napaatras konte..

Mahina siyang natawa sa nangyari. Gusto kong mag salita pero hindi ko kaya! Pakiramdam ko talaga kinakapusan ako ng hininga sa lalaking ‘to! Ano bang meron dito at nagustuhan ko. Hindi naman ganito ang pakiramdam kapag may crush ako. Ibang iba ang nararamdaman ko sa kanya.

“You’re not talking, are you okay? Are you uncomfortable?” Oo naiilang ako sa kalandian mong lalaki ka! Hindi ako sanay kasi hindi ka naman ganito noong bodyguard pa kita!

“Kumain ka nalang.” Sambit ko nalang at tinapat na sa labi niya ang pagkain. Nakangisi niya iyong sinubo habang nakatitig na naman sa akin. Umirap nalang ako at nagsubo rin ako ng pagkain ko pero gamit na ang kutsara ko.

“I have something to tell you,” umangat ang tingin ko sa kanya. Ang kaninang nakangisi niyang mukha ay seryuso na ngayon. Nagtaka naman ako sa sasabihin niya.

“We’re going to Italy.” Agad na sabi niya. At katulad niya ay naging seryuso narin ako. Anong ibig niyang sabihing pupunta sa Italy? Ang layo non ah.

“Dito lang ako.” Seryusong sambit ko habang masamang nakatingin sa kanya. Aba nasa pilipinas nga ako pero malayo naman sa pamilya ko pero ngayon ilalayo niya rin ako sa bansa!

“Wither you like it or not, we have to live this country. My whole soldato are not here, that’s why it’s more dangerous. You’re more safer there with me.”

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon