Chapter 8

36 5 0
                                    

[Chapter 8]

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa school dahil narin may practice kaming sayaw para sa opening ng malaking program na mangyayari bago ang exam. At isa pa, last na performance na namin iyon bago kami grumaduate.

Medyo madilim pa habang naglalakad kami sa hallway, kasama ang kapre kong bodyguard na nasa likuran ko lang. Humihikab pa ako habang naglalakad at niyayakap ang sarili dahil nilalamig ako kahit naka suot na ako ng hoodie. Ang aga naman kasing tumawag ang walang hiyang president namin tapos ang ending siya rin ang late. 

Isa pa kulang ako sa tulog dahil sa kakaisip kagabi tungkol sa nakita ko at ng bodyguard ko. Ewan ko kung pinuntahan niya ba kagabi o hindi nalang pinansin.

Malayo palang ay rinig ko na ang music ng building namin. Music iyon ng BINI na bagong trending na girl group ngayon dito sa pilipinas. Sikat na nga sila at dumarami na ang nakikinig sa kanila, at syempre Isa na ako duon. Susuporta ako sa mga kababayan ko! Go Philippines!

At pagkarating ko nga duon ay may nagkakantahan at nagsasayawan na na sila ng pantropiko. Pero hindi na ako nangialam dahil inaantok pa ako. Dumiritso nalang ako sa table ko at duon humalukipkip at natulog nalang muna.

Nagising lang ako ng marinig ko ang boses ng isa kong kaklase na kinakalabit ako. Inangat ko ang tingin at napatingin sa kanya. 

Agad naman siyang may ini abot sa akin, kaya napunta duon ang tingin ko. Kape iyon.

"Inumin mo daw sabi ng bodyguard mo." Kumunot naman ang noo ko at napatingin sa labas ng bintana at nakita ko siyang nakatalikod at naka hamba sa railing.

Bumalik ang tingin ko sa kaklasi ko at tinanggap ang kape.

"Thank you," tinanguan niya naman ako. Gusto ko rin sanang magpasalamat Kay bodyguard, pero hindi naman ako papansinin non, nonchalant iyon eh. 

Pero thank you, parin sa kape, kahit hindi ako mahilig dito. I'm not fond of coffee, but I also drink it sometimes if I need the heat inside my body. Pero kadalasan gatas talaga ang iniinom ko kapag maaga.

Hinihipan ko naman ang kape at pa unti-unting iniinom iyon. I feel satisfied, naman dahil medyo nawala ang lamig na naramdaman ko. Pero napangiwi ako ng biglang kumulo ang tiyan ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, kaya ayaw ko sa kape eh dahil parang hinuhukay ang luob ng tiyan ko. Hindi naman masakit, but it's weird to feel it.

Hindi ko nalang pinasin at unti-unting inuobos ang kape. Wala naman kasi akong choice. At isa pa minsan lang naman akong uminom ng kape, kaya okay lang. 

Nawawala narin ang antok ko dahil nawili ako kakanuod sa mga kaklasi ko na puro kalukohan ang ginagawa. Kaunti palang kaming girls ang nandito at dahil ayaw nilang matulog ay sumasayaw nalang sila. Sila Andy naman at si Levy ay nasa gilid at mukhang gumagawa ng choreography. Hindi lang naman kasi si pres ang magtuturo. Marami silang dancer, kaya naman ay matutulungan talaga sila. 

Apat kasi silang mas marunong ng sumayaw. Dalawang bakla at dalawang babae. Si Pres, Tiller, Andy, and Levy. Sila rin ang bagong mga kaibigan ni Tiller. Part sila ng dance sports at dance troupe, kaya batak na batak na pagdating sa sayawan. 

Iyan rin ang ginagawa nilang pang hanap buhay dahil hindi naman kami lahat dito sa classroom ay mayayaman. Mayaman si Tiller at pres, pero mag gusto nila ang mag turo para mapag aral nila ang mga sarili nila kahit may kaya naman. Habang sila Andy at Levy ay hindi kaya todo kayod sila sa buhay para lang makapag aral.

Marami narin silang mga naturuan sa iba't ibang paaralan. At kahit napaka busy nila ay nagagawa parin nilang mag-aral ng mabuti. Tulad nalang ni Levy, kahit ang daming ginagawa bukod sa pag-aaral ay nagawa paring maging top 1 sa classroom namin. May pruweba ding maaari siyang maging top student sa buong school, pero masyado siyang busy. 

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon