Chapter 46

24 5 0
                                    

[Chapter 46]

Napanganga ako sa mansion na nakikita ngayon. Ito ang mansion kung saan nagsimula lahat! Ang pinaka paburito ko ring mansion dahil sa manmade na falls!

"Welcome back, baby." Nakangising saad ni Damien habang magkahawak kamay kaming pumasok ni Damien. At mas namangha ako dahil mas gumanda ang mansion. Huling alis ko dito ay nagkagulo pa no'n dahil may biglang sumugod. Mas naging maaliwalas din at mas lumaki. Pero may Isang walang nag bago. Ang mga taohan niya, marami parin at nakapalibot sa boong mansion.

"Are you hungry?" Agad na tanong niya pagkapasok namin. Buti nalang dito sa loob walang tao dahil nasa labas lahat ng taohan. Mukhang tulad rin ng dati ay maagang nililinisan ng katulong ang mansion at nawawala din sila agad pagkatapos.

"Yes, gutom na kami ni baby." Sambit ko na naka busangot. Lagi nalang talaga akong gutom eh.

Narinig ko naman ang bahagyang pag tawa ni Damien, kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Come, I'll make your food." Masaya naman akong tumango at agad na sumama sa kanya. Ibang iba na ang samahan namin ngayon kaysa noong una kong dating dito.

"Okay. Pero habang nagluluto ka, sabihin mo sa akin ang tungkol kanina." Saglit niya akong niyakap at hinalikan sa noo at sa labi.

"Alright. I'll tell you the whole story. But promise me you won't get mad." Tinaasan ko naman siya ng kilay. Bakit naman ako magagalit? Pero hindi nalang ako sumagot at tumango nalang na ikinangiti niya.

"Since childhood, I was destined to marry the only daughter of the Kianhil family. It was an arranged marriage, a deal struck by my grandfather, the head of our mafia family." Pagsisimula niya habang sinisimulan naring mag luto. Naka upo lang ako sa island counter kung saan nakaharap sa kanya habang ginagawa niya ang pagluluto.

"The purpose was to strengthen our family's position and theirs as well. Being young and unable to do anything, I agreed. Back then, I thought it was for the betterment of our family."

Mariin lang akong nakinig sa kanya habang dahandahan akong pumapapak ng popcorn na nakita ko lang sa gilid. Malay ko kung sino nag luto. Nakatakda na pala siyang ikasal? Ito ba ang ibig niyang sabihin na huwag akong magalit? Bakit ako magagalit eh sa akin nga nag propose, buntis na nga ako.

"But things took a turn for the worse because of the misunderstanding. I was 23 when a serious conflict erupted between our families, and I am already married that time. The Kianhil's had stolen a large sum of money from my grandfather, which enraged him."

Napalunok naman ako dahil saglit niya akong mariin na tinitigan, bago nagpatuloy sa ginagawa. Ako naman ay mariin lang ring nakikinig.

"And a brutal war ensued, and because our family was more powerful, we emerged victorious. Unfortunately, it was a pyrrhic victory. My grandfather, along with the entire Kianhil family, perished in the bloody battle. Or so I thought. I'm not sure if the woman I'm married with survived, but I know someone from that family is still out there. And it seems they're seeking revenge."

Pagtatapos niya. Kaya napa isip ako.

"Misunderstanding? So ibig sabihin, hindi sila ang totong kumuha ng pera?" Tanong ko na ikinatango niya.

"Yes, and they want justice because of that."

"So, sino ang kumuha ng pera?"

"Me." Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang napatulala ako sa nangyari.

"W-what?" Hindi makapaniwalang nagtanong ko. Na warshock ang utak ko!

"Why?" Tanong ko ulit dahil naguguluhan talaga ako. He betrayed his own family?

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon