Chapter 30

36 5 0
                                    

[Chapter 30]

"Laroo! Tara na, baka magbago pa ang isip ni Damien!" Pilit kong hinihila si Laroo palabas ng mansion para sumakay sa helicopter na papunta sa city ng Italy. 

Kasi naman nakiusap ako kagabi kay Damien na gusto kong gumala sa lungsod nang Italy kasi nga first time ko dito. Pinilit ko nga nang pinilit dahil mukhang wala siyang plano dahil aalis din siya sa araw na ito. Kaya ang sinabi ko si Laroo ang isasama ko para sigurado. Hindi rin naman ako makakatakas pa dahil nasa ibang bansa ako. Ayos lang sana kung nasa pilipinas pa ako no! Pero panigurado namang makukuha niya rin ako ulit.

Sinabi niya pa na kapag napilit ko si Laroo ay makakaalis kami. Magkasama kasi kaming aalis ngayon pero sa ibang lugar naman pupunta si Damien. Pero ito namang si Laroo ayaw sumama! Mukhang pinaalam sa kanya ng boss ang gagawin ko e!

"Madam, may gagawin rin ako kaya hindi kita masasamahan. Kung ako sayo, mag behave ka nalang,"

"Laroo naman ehhhh! Samahan mo na ako!"

"Madam, papagalitan ako ni boss kapag pinilit mong umalis"

"Sinabihan ko na nga siya kagabi, Laroooooo! Dali na, iiyak talaga ako. Tapos hindi ko na papansinin si Damien, tapos sasabihin ko na binully mo ako kaya ganon." Pananakot ko pero hindi siya nagsalita! Alam niya talaga! Letsi talaga tong si Damien e. Pinipilit niya rin kasi kagabi na sasamahan niya ako kapag natapos siya sa gagawin niya.

E wala na nga akong magawa dito. Inikot ko na ang mansion niya pero wala siyang manmade falls dito! Ang ganda na sana e kaso yung favorite spot ko wala. Umikot na ako kahit saan pero wala talaga. Cinema room lang ang meron at library. Tapos yung sweeping pool.  Iyon lang!

"Huwag na ngalang." Malungkot na sambit ko. Kasabay naman ng pag talikod ko kay Laroo ay nakarinig ako ng ingay ng pag lipad ng helicopter kaya mabilis akong lumabas.

At natanaw ko nga ang mabilis na lumalayong helicopter kung saan nakasakay si Damien. Hinang-hina naman akong naglakad nalang papasok ulit. Tatambay na ngalang muna ako sa library.

Wait! Maligo kaya ako sa dagat. Sige mamaya, magpapahatid ako mamaya. Pero puwedi namang ako nalang ang pumunta. Nalalakad lang naman yon. Nasa likod lang naman ng mansion.

Nakarating ako sa library at agad na lumibot para maghanap ng mga libro. May mga novel books rin pala dito na mukhang pinasadya pa dahil ang babago pa. Mas malaki ang library niya dito kaya may second floor. May nilagay din ditong mga sofa para kapag tumambay ay maganda ang buhay. Katabi lang din nang library na ito ang opisina ni Damien at may pintong nakakonikta galing sa office at library.

Isang buwan narin ang lumipas simula no'ng makarating kami dito. No'ng Isang araw nga bumisita dito ang magkakambal na pinsan ni Damien. At mukhang napaka dilikadong mga tao rin. Pero hindi narin sila bumalik pa.

Natapos akong makapili ng libro kaya nagtungo na ako sa malaking sofa para umupo doon. Malapit lang rin sa bintana iyon kaya kitang kita ang view ng dagat, kaya naman kapag binubuksan ko ang bintana ay ang lakas ng hangin na pumapasok, amoy dagat talaga.

Habang nagmumuni-muni ako ay biglang tumunog ang intercom na nasa center table. Dahil sa naka higa ako ay bumangon ako at umupo para abutin ang intercom doon. Ang puweding maka konekta lang sa intercom dito sa mansion ni Damien ay siya lang at si Laroo kaya paniguradong si Damien ang tumatawag.

"Baby?" Tsk! Baby-hin mo sarili mo! Iniwan mo ako!

Umirap pa ako kahit hindi niya naman ako nakikita. At dahil nga sa hindi niya ako nakikita ay inangat ko ang gitnang daliri sa harapan ng intercom. Pero akala ko lang pala. Akala ko hindi niya ako nakikita.

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon