Chapter 29

31 5 0
                                    

[Chapter 29]

Ayon na nga. Ang ganda na sana ng mood ko kanina pero no'ng makita ko ang paghalik ng babae kay Damien nawala agad ang mood ko. Naghalikan kami sa loob ng sasakyan niya tapos may naghihintay pala dito sa bahay niya?!

"Baby, she's just one of my ex. Nothing more."

Tapos magrarason na kesyo ganto, kesyo ganyan. E hinalikan sa harapan ko? Sino ang hindi ma w-warshock do'n! Alam ko namang wala pang label ang nangyayari pero.... Ay ewan, bahala na siya sa buhay niya.

Pakiramdam ko pa kanina para akong tanga dahil sinabihan pa akong kapatid niya daw ako! No'ng una iyon din ang pagaakala ng babaeng nakahalikan niya doon sa pilipinas. Masyado ba talaga akong maliit?!

"Hey, baby. Talk to me."

Hindi ko siya pinansin at tahimik lang na nagiisip. Nandito kami ngayon sa opisina niya. Pagkatapos kasi no'ng nangyari kanina ay agad niyang pina alis ang babae. Sinamaan pa nga ako ng tingin no'ng babae dahil sa pag akbay ni Damien sa akin.

"Baby—"

"Shut up ka nalang, Damien. No need to explain."

Alam ko namang hindi nagustuhan ni Damien ang nangyari kanina. Hindi naman ako bulag para hindi makita ang galit na namayani sa mga mata niya kanina nang halikan siya ng babae bigla. May pagaalala pa nga no'ng lingunin niya ako.

Pero hindi niya naman talaga kailangan magpaliwanag dahil wala naman akong karapatang pagbawalan siya. Syempre nasaktan ako sa nakita dahil may gusto ako sa kanya, pero wala nama'ng kami.

Kaya siya wala rin siyang karapatan sa akin! Kinuha man niya ang first, second and third kong halik wala parin siyang karapatan dahil hindi niya naman ako pagmamay ari. Pero dahil gusto ko siya, gwapo at hot pa, sige sa kanya muna ako hehe.

"Kumain na kaya tayo. Bakit ba dumiritso tayo dito sa opisina mo?"

Pag iiba ko ng topic dahil mukhang gusto niya na naman mag explain e. Sarap ibulsa, ang cute kasi. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako makaramdam ng takot sa kanya, napaka komportable ko sa kanya. Nasanay ata ako na siya ang bodyguard ko at kung ano ano nalang ang ginagawa ko para inisin siya. Hindi ko alam pero mas guma-gwapo siya mag galit o naiinis kaya hindi ko magawang matakot.

"Let's eat here. I'll call them to serve the food" anya at lumapit sa intercom na nasa lamesa niya dito sa opisina. Ang ganda ng opisina niya napaka manly at kaamoy niya pa. Hindi na ako magtataka kung maraming babae ang biglang darating dito bigla.

"How's your feeling? Nahihilo ka parin ba? You want medicine?" Alalang tanong niya pagkalapit niya ulit sa akin pagkatapos niyang kausapin ang nasa intercom.

"Ayos lang ako" malamig na sagot ko dahil totoo naman. Nagugutom lang talaga ako dahil siya na halos ang kumain ng pagkain kanina sa helicopter. Mukhang siya pa ang mas gutom sa aming dalawa, pero pinabayaan ko nalang dahil ang cute.

"You're being cold to me, baby. I promise, she's just one of my ex. I won't let that happen again."

Nagpipigil naman akong mapangiti. Ibang iba talaga siya no'ng bodyguard ko pa siya. Ang lamig niya sa akin lagi noon pero ngayon nagiging madaldal na nga. Nakakalungkot lang dahil sa madilim niyang gawain.

"Damien, sinabi ko nang ayos na, kaya huwag kanang magpaliwanag." Mahinahon kong sabi sa kanya at tinitigan siya. Hindi naman siya nagpahuli at nakipagtitigan din. Napansin ko rin ang pagbaba niya ng tingin sa labi ko at pabalik sa mga mata ko na parang may pinapahiwatig na alam na alam ko. Ang landi talaga ng lalaking 'to.

"Bakit?" Tinaasan ko pa siya ng kilay. Alam na alam ko naman ang pinapahiwatig niya pero oa ako e.

"I want to kiss you,"

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon