[Chapter 16]
Apat na araw ang lumipas at bukas ay baccalaureate na namin. Tapos na kaming nag practice kahapon at ngayon ay sa gym ulit kami para sa practice.
"Bye ma!" Paalam ko kay mama habang papalabas na ako ng bahay. Narinig ko naman agad ang sagot niya, kaya nagpatuloy na ako sa paglabas.
Pag labas ko ay sinalubong ako ng bodyguard ko, kaya tinanguan ko siya hudyat na umalis na kami. Pinag buksan pa ako ng pinto, kaya sumakay na ako.
"Punta nga muna tayo sa The Meal restaurant, mag papa reserve ako. Birthday kasi ni Lyra. Tapos balik nalang tayo pagkatapos."
Hindi ko siya narinig na sumagot, kaya umirap ako. Ang lamig talaga ng isang to. Siguro pinanganak to sa ice noon kaya ganyan siya.
May kalayuan sa school ang The Meal, pero mas masarap kasi ang pagkain doon, mahal nga lang. Pero worth it, naman. Malapit lang iyon sa town hall, kaya maraming tao ang nagpupunta doon, kaya dapat maaga akong magpa reserve para hindi kami mahirapan mamaya.
Habang nasa byahe ay tinawagan ko nalang muna si Nathalie. Hindi ko alam kung ready naba ang Isang iyon, siya kasi ang bibili ng cake habang si Amber sa balloon.
Su-surprise namin siya mamaya sa school, kasi last birthday na niya ito na magkakasama kami. Para naman, may memories kami bago magka watakwatak diba. Isa pa plano naming hindi na muna mag practice sa gym ngayon dahil narin sa birthday ni Lyra.
"Nathalie?" Sambit ko nong sagutin niya ang tawag ko sa pang ilang ring. Alam kong kakagising lang ng Isang 'to. Nakalimutan ba niya ang plano namin? Siya pa nga ang nag plano lahat sa surprise tapos ito at kakagising niya palang. Mag-set up pa kami sa classroom para maganda.
"Hmm?" Inaantok na sagot niya, kaya napapikit ako.
"Tulog kapang babaita ka?" Madiing tanong ko.
"Huh?" Mahinang tanong niya. Narinig ko pang humikab siya. Kung nasa tabi ko lang ito kinurot ko na to, kaya laging late kasi nasa dreamland pa pala.
"Bumangon ka diyan! Litsi ka, baka nakakalimutan mong may surprise pa tayo ngayon. Ikaw ang may dala sa cake!!"
"Shit. Huwag ka ngang sumigaw. You're hurting my ear!" Napa irap nalang ako. Tong babaeng talaga to. Kahit man lang ngayon huwag siyang ma late!
"Bumangon kana diyan! Kapag hindi kapa bumangon pupuntahan na talaga kita diyan!" Patuloy kong pag sigaw. "Oo na." Anya at pinatay na ang tawag.
Nakaka stress rin talaga ang Isang iyon e. Huminga na lamang ako ng malalim at pumunta sa GC na ginawa namin kagabi lang. Nakita ko doon ang chats ni Amber.
Amber:
Ready na ako, papunta na ako sa school
@Natha lie papunta ka na?Napa iling nalang ako at ako na ang sumagot sa chat niya. Kakabangon palang ng prinsesa, e, kaya ako nalang sasagot.
Myl:
Kakagising lang ng babaeta, tinawagan ko maliligo palang iyon.Amber:
Para namang tanga, hoi! Nathalie umayos ka sa buhay mo ha, pag Ikaw talaga nag birthday after 3 days, kapa namin, I s-surprise!Natha Lie:
Tapos na akong maligo! You'll be so harsh to me.Myl:
Bilisan mo na diyan, malapit narin ako sa The Meal para magpa reserve.Amber:
Ang mahal kaya doonMyl:
Okay na yon, masarap naman. Isa pa konte lang naman ang kakainin natin dahil apat lang tayo.Amber:
Basta Ikaw na bahala sa pera namin. Anyway, pupunta ka mamaya sa party?Myl:
Of course, but hindi na ako iinom. Alam ko namang hindi na ako pipilitin.
BINABASA MO ANG
IL Ferno Series 1: Damien Dalerrios
RomanceIL Ferno Series 1 __________ Madeline Genevieve Hermedilla has a loving family, despite not having a father. In elementary school, she was bullied because she didn't have a traditional family structure. However, Madeline was too focused on other thi...