[Chapter 31]
"Wow" manghang sabi ko sa sarili ng makita ang lugar kung saan ako pinagdalhan ni Damien. The deck was designed with full of flowers, all of them are my favorite! The lilac and dahlia! Sa gitna naman ay pinapalibutan ng bulaklak ang dining table na may dalawang upuan na magkaharap. May pagkain narin doon. Pero mas namangha ako sa ganda ng view. Kitang kita ko ang city lights ng Italy. Ang ganda!
"Did you liked it?"
"I love it" nasambit ko na lamang habang dahandahan niya akong pinapa upo sa upuan, pagkatapos ay umupo na siya sa harapan ko.
Nandito kami ngayon sa yacht niya dahil dito daw kami mag d-date. Kaming dalawa lang ang nandito sa yacht kasama ang captain nito para komontrol sa sinasakyan namin.
"Naninigurado ka talagang hindi ako makakatakas huh" nakangising sambit ko. Malakas ang hangin kaya medyo nililipad nito ang buhok ko. Nakita ko ang pag ngisi niya.
"I know how stubborn you are, shortcake" pinaningkitan ko siya ng tingin na ikinatawa niya. Ang cute namang tumawa nito. Ibubulsa ko ba?
Kapag galit kasi gwapo tas mag nagiging hot siya. Pag Wala namang siyang gawin ganon parin. Kapag naman tumawa cute. Saan ako lulugar nito?
"Are you hungry?" Tumango naman ako. Sinanay akong kumain ng maaga lagi eh.
Habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko ay nakatitig lang ako sa kanya. Napaka seryoso nito habang nagsasandok. Habang abala siya ay may biglang sumaging tanong sa isip ko.
"Damien, can I ask?"
"Hmm? What is it?" Anya at sandaling tumingin sa akin sabay balik ulit sa ginagawa.
"Do you still have a dad?" Natigilan siya sa ginagawa pero sandali lang iyon at napatingin sa akin. Kumunot ang noo ko ng may makitang kakaibang imosyon sa mga mata niya. Galit?
Pero agad nawala at ngumiti sa akin.
"He's dead, along with my mother" bahagya akong napanganga sa isinagot niya.
"S-sorry about that"
"It's okay, baby"
Lumamlam naman ang tingin ko sa kanya. So he don't have a family already? Unlike me, kahit wala na akong ama ay may pamilya pa naman ako na nagmamahal sa akin.
"Alright, let's eat." Ani Damien habang nakangiti sa akin. Sinuklian ko naman. I don't want to ruin the moment, kaya set aside ko muna ang mga ganoong tanong.
"Anyway, aside from me. Ilang babae na ang hinandaan mo nang ganito?" Narinig ko ang pag tawa niya kaya napatingin ako sa kanya. Sumusubo kasi ako ng pagkain kaya nakayuko ako.
"That's so random, baby,"
"Wala tayong ibang topic kaya sagutin mo nalang,"
"But it's our date. It's not appropriate to talk about other people,"
"Suss, iniiwasan mo lang eh," irap ko sa kanya pero nakangiti. Don't worry Damien, hindi naman ako selosa. Ngumisi naman siya.
"Well, this is my first time."
"Weh?"
"I kissed and make out with a lot of woman, but I don't date them," at hito naman ako, kinilig agad at paniwalang paniwala. Date niya ako eh.
"Expected from a mafia like you." Tumawa siya at sumubo ng pagkain. Wala na kaming ginawa buong gabi sa hapag kainan kundi ang mag kuwentohan. Enjoying every moment while still can. First time ko talaga kasing maranasan 'to.
---
"Gusto mo bang malaman kung bakit wala na kaming ama ng kapatid ko?"
Tanong ko sa kanya. Nandito kami sa railing ng yacht, habang nasa likod ko siya at nakapatong ang baba niya sa ulo ko, baka kasi sumakit ang leeg niya kung sa leeg ko siya papatong. Ang laki kasing tao kaya sa ulo nalang.
BINABASA MO ANG
IL Ferno Series 1: Damien Dalerrios
RomanceIL Ferno Series 1 __________ Madeline Genevieve Hermedilla has a loving family, despite not having a father. In elementary school, she was bullied because she didn't have a traditional family structure. However, Madeline was too focused on other thi...