[Chapter 14]
Dahan dahan akong bumangon sa kinahihigaan ko at napasapi sa ulo kong sumasakit. Napa sobra ba ako sa pag-inom?
Umungol na lamang ako dahil sa sakit. Pero pinilit ko paring pumunta sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush. Mabigat naman ang hakbang kong bumaba para kumuha ng gamot.
Napahinto naman ako sa paglalakad. Wala akong maalala sa nangyari kagabi. Sa kalasingan ko siguro, kaya wala akong maalala. Naparami nga yata ang inom ko. Nako baka kung ano na ang ginawa ko kagabi. Siguro ang bodyguard ko rin ang nag-asikaso sa akin.
Napapikit nalang ako sa inis ng wala talaga akong maalala. Nandito naman na ako sa bahay, kaya siguradong ang bodyguard ko ang naghatid. Sino pa ba eh siya ang kasama ko. Sana naman, wala akong ginawang kababalaghan na ikakapahiya ng sarili ko.
Habang naglalakad pababa ay pansin kong dumidilim ang labas at malakas ang ulan. Duon ko lang naramdaman ang lamig dahil narin sa air conditioning. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kusina. May mga maids na nagluluto, pero wala si mama. Siguro nasa kwarto niya lang. Ang lamig naman kasi ngayon. Umuolan pala, pero kailangan kong kumain at uminom ng gamot dahil alas 10 na pala ngayon ng umaga.
"Ma'am Mady, nandyan po sa island counter ang gamot at kakainin niyo." Anya ng isang maid na siyang nagluluto.
"Salamat po ate Cecil."
Nginitian ako nito habang ako ay tinungo na ang island counter at sinimulan higupin ang sabaw na nanduon at ang kanin na may fried hipon.
Habang abala ako sa pagkain ng biglang may maalala. Mga alaala sa nangyari kagabi.
~~
Pagkatapos naming magsikainan ay napunta na nga ang event sa inuman. Plano kong huwag uminom masyado dahil wala ako sa mood at baka masuka pa ako at malasing. Pero ang mga shuta pinag halo ba naman ang mga matatapang na alak, kaya nong naka limang baso na ako ay nahihilo na ako.Pero pasikat ako, eh? Hindi ako nagpa halata dahil kontrolado ko pa naman sarili ko, kaso nahihilo na ako pero pinipilit ko talagang magpaka astig. Isa pa busog na busog ako, kaya natatamaan na ako ng alak.
Ang mga kaibigan ko naman ay halatang lasing na, kaya ang nagawa ko na lamang ay tawanan sila. Habang ako naman ay kumanta. Para naman maganda ang bonding. Nilagyan nga raw dito ni Tiller ng videooke para makakanta kami. Lalo na daw ako. Huwag lang daw akong kumanta ng malulungkot, kasi baka antukin daw sila at umiyak ang mga iniwan ng jowa.
"She's gone,
Out of my life.
I was wrong.
I'm to blame,
I was so untrue.
I can't live without her love."Napangisi ako ng marinig ang sigawan at hiyawan ng mga kaklasi ko ng simulan ko ang kanta. Isa ang kantang ito sa nagpanalo sa akin noong grade 7 pa ako. Sumali ako non sa singing contest sa paaralan. Mabigatin din ang mga kalaban dahil hindi lang naman taga spa ang may talented singer. Pero ako ang pambato ng strand namin at nagpanalo ko naman.
Ano nga tawag nong contest nayon?
Ah, birit contest, kung sino mas maraming part na pumiyok siya ang panalo. Ang pangit pa ng boses ko non.
Buti nalang nag improve nanga ako ngayon eh, hehe. Ewan ko anong trip ng school namin dati.
"Lady, won't you save me?
My heart belongs to you.
Lady, can you forgive me?
For all I've done to you.
Lady, oh, lady."Birit ko na sinabayan rin nila. Tumatayo na nga ang iba para lang sabayan ako sa pagkanta. Hindi naman ako ang nag select ng song nato, pero nagulat nalang ako ng tinawag na nila ako at ito na ang pinapakanta sa akin.
BINABASA MO ANG
IL Ferno Series 1: Damien Dalerrios
RomanceIL Ferno Series 1 __________ Madeline Genevieve Hermedilla has a loving family, despite not having a father. In elementary school, she was bullied because she didn't have a traditional family structure. However, Madeline was too focused on other thi...