[Chapter 36]
"Hi dad!" Agad kong salubong kay dad ng makalabas ako ng condo ko at sumalubong siya sa labas ng pintuan.
"Good morning my daughter." Anya at hinalikan ako sa noo. Nginitian ko naman siya.
"Let's get going, your mom is excited to see you." Tumango naman ako sa sinabi niya. Hindi na ako nagdala ng mga damit ko dahil may mga damit naman ako sa bahay. Sabi daw kasi ni dad kapag nag s-shopping si Lucille at si mama ay binibilhan din nila ako.
"Kumusta ang party niyo kagabi dad?" Tanong ko habang sumasakay na sa elevator pababa sa ground floor.
"It's fine. He didn't attended the party." Seryusong anya na ikina kunot ng noo ko. Napatingin naman si akin si dad at nagkibit balikat lang siya.
"Paanong naging fine 'yon? At bakit hindi siya sumipot, hinanda niyo ang party na iyon para sa kanya!" Inis na sambit ko. Napapa iling naman ako habang iniisip kung gaano ka disrespectful ang ginawa ng taong iyon. Pero imbis na mag komento si dad ay narinig ko ang tawa niya.
"It's fine anak, as long as I've announce the new CEO it's fine. And one thing is, everyone still enjoyed the party." Napa irap naman ako kay dad. Hindi man niya sabihin pero mukhang gustong gusto niya ang taong iyon.
Minsan ko nang nakitang nagalit si dad, lalo na sa mga employees niya na laging na l-late sa mga meetings. Pero pag ako ang na late hindi naman napapagalitan, kaya nga minsan naririnig kong ginagawan na ako ng issues.
Hindi ba nila napapansin na kamukha ko si dad? Girl version ako ni dad, magkaiba nga lang kami ng kulay ng mata. Green sa kanya tapos akin hazel brown, nagmana kay mama. Pero nagmana talaga ang kagandahan ko sa gwapong mukha ni dad!
Mukhang pinapaburan talaga ni dad ang taong 'to. Sino naman kaya? Pero nevermind, siguro naman makikilala ko rin kapag bumalik na ako sa trabaho.
"Ngayong may bago nang CEO sa kompanya mo, hindi ka na babalik doon?" Takang tanong ko. Kasabay non ang pag tunog ng elevator. Hudyat na nakarating na kami sa ground floor.
"I'll visit, sometimes. I need to focus on your mom. You know we didn't get along together since then. I have to work hard to give you another siblings"
"Huh?!" Narinig ko ang tawa ni dad dahil sa reaksyon ko. Napapangiwi pa akong tumingin sa kanya habang magkasabayan kaming maglakad palabas ng condominium. May napapatingin pa sa amin, of rather I say kay dad sila tumitingin.
"Ewan ko sa inyo." Napapa iling na sambit ko at sumakay na kami range rover niya pagka labas namin.
"You're so judgemental anak." Napa irap nalang ako sa sinabi ni dad. Ang tatanda na nangangarap parin. Sa kanilang dalawa ni mom si dad nalang ang puweding magka anak. Pero hindi ko alam kay mama, malapit na kasing mag 50 si mama.
Pero puwedi pa naman siguro sila magkaroon ng menopausal baby? Si dad naman malapit narin mag 70 pero tulad nga ng sinasabi ng iba tumatanda sila ni mama ng paurong.
Sa backseat ako sumakay dahil masyadong mahaba ang biyahe namin. Isa pa si dad ang mag d-drive at kaya niya naman hindi makatulog sa biyahe. Ako kailangan ko talagang matulog dahil inaantok ako kapag masyadong mahaba ang biyahe namin.
Nag suggest naman si dad na mag helicopter nalang pero humindi ako dahil simula noong tumuntong akong 20 ang bilis kong mahilo. Ewan ko ba kung bakit. Nagpa check up naman ako pero sinabing normal lang ako. Baka nagkaruon lang ako bigla ng fear of heights.
"So how's your work anak, hindi ka ba pinapagod ng superior niyo?" Tanong ni dad.
"Sinusungitan nga ako non eh. Pero ayos lang naman, wala namang problima sa akin dahil tungkol naman sa trabaho. Pero kung ibang bagay na baka ilampaso ko siya."
BINABASA MO ANG
IL Ferno Series 1: Damien Dalerrios
RomanceIL Ferno Series 1 __________ Madeline Genevieve Hermedilla has a loving family, despite not having a father. In elementary school, she was bullied because she didn't have a traditional family structure. However, Madeline was too focused on other thi...