Chapter 35

26 5 0
                                    

[Chapter 35]

"Si Damien?" Tanong ko kay Laroo no'ng papalabas na kami ng mansion ni Damien. Kanina ko pa siya hindi nakikita. Nasaan ba siya? Gusto ko siyang kausapin.

"Umalis si kuya madam. Hindi ka niya maihahatid sa pag alis mo." Malungkot na anya kaya napayuko ako. Bakit naman ganon. Gusto ko lang naman magpaalam.

"Let's go anak, Damien has a lot to do." Malungkot naman akong tumango sa sinabi ni papa at nagpahila nalang sa kanya.

"Nasaan ba siya? May ginawa ka ba?" Nasungitan naman ni mama si papa kaya natawa ako. Tinampal niya pa ito.

"No, Damien has to clean a mess." Paliwanag naman ni papa habang sumasakay na kami sa sasakyan na maghahatid sa amin sa helicopter.

Habang nasa sasakyan ay nakatanaw lang ako sa mansion, baka makita ko si Damien na lumabas pero wala. Hindi ko na siya nakita. Hanggang sa nakasakay na kami sa helicopter.

Masaya akong makaka uwi na ako. Pero malungkot rin dahil hindi ko nakita si Damien sa huling sandali. Tumulo ang luha ko. Hindi na ba talaga kami mag kikita?


"Hoy! Babaeta ka tulala ka na naman diyan." Nagising ako sa pagkakatulala ko ng biglang tampalin ng katabi ko ang table ko. Sinamaan ko naman si Elyse ng tingin dahil sa ginawa niya.

"Ano ba kasi?" Inis na tanong ko na ikinangisi niya. Napatingin naman ako sa mga ka office mate ko na napapatingin kay Elyse at napapa iling.

"Nababaliw ka na naman Elyse." Kuminto ni Farah na dumaan sa likod namin na may dalang mga papelis at pinatong sa table niya na katabi ni Elyse.

"Nakakatawa ka talaga kapag nakatunganga Mady. Anyway, sama ka mamaya. May pa party si boss mamaya sa ibabang bar, celebration daw para sa bagong boss natin." Tumataas baba pa ang kilay nito kaya napa irap ako. Hindi ako interisadong pumunta dahil gusto ko nalang magpahinga. Nakakapagod kaya dito sa office, tapos pupunta pa sa bar? Mas mapapagod lang ako doon at ma b-bored.

"Ayaw ko, uuwi pa ako bukas sa probensiya kaya kailangan ko ng pahinga." Irap ko sa kanya at hinarap nalang ang computer ko para mag tipa doon sabay ayos sa eye glasses ko.

Plano ko ngang mag overtime, kaso hindi ako pinayagan ni dad. Sabi niya umuwi ako sa tamang oras at magpahinga para hindi ako masyadong mapagod.

Kaya nga hindi na ako sasali sa pa party niya mamaya eh. Ewan ko ba kung sinong tao ang nakita niya para pagmanahin sa business niya.

3 years ago, saktong naka graduate ako pinilit niya agad ako na ako ang mapapatuloy sa business niya pero nawalan na ako ng gana sa business, kaya tumanggi ako. Gusto ko nalang maging impleyado niya kaya ngayon impleyado niya na ako. Hindi pa nga alam ng mga kasama ko rito na anak ako ng CEO.

2 years pa naman akong nag ta-trabaho dito sa kompanya ni dad kaya medyo patagalin na muna bago nila malaman.

"Ito naman, minsan lang eh." Bumusangot pa si Elyse na ikinatawa ni Farah. Napa iling naman ako. Mas matanda sila Elyse sa at Farah sa akin ng dalawang taon. Dahil pariho na silang 30, ako ang mas bata dito sa opisina. Pero itong si Elyse, parang mas bata pa sa akin eh. Parang ewan.

"Hindi puwede, susunduin ako ng maaga ni dad bukas para umuwi sa probensiya. Siguro next week nalang tayo mag bar. Samahan ko kayo." Tinignan ko si Elyse na nasa itaas ang tingin habang nag iisip.

"Sige. Promise mo 'yan ha. Tyaka mag dala ka ng pagkain na galing sa inyo, huh?" Pangungulit niya ulit kaya natawa nalang ako at tumango.

"Oo na"

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon