Chapter 45

18 5 0
                                    

[Chapter 45]

Dahandahan akong nag mulat ng mga mata, at agad na tumambad sa akin ang nakakasilaw na ilaw kaya napapikit ako ulit.

Bahagya naman akong napahawak sa ulo ko ng bigla iyong kumirot. Napa daing ako sa sakit non.

"Madeline. You're awake baby, how's your feeling?" Agad nabaling ang pansin ko kay ng magsalita ito sa tabi ko. Pansin kong nakahiga ako at nakatayo naman siya.

"Ang sakit ng ulo ko, Damien." Daing ko at dahandahang bumangon para ma upo. Naramdaman ko naman na tinulungan niya akong maka upo.

At habang sapo-sapo ko parin ang ulo ay bigla kong naalala ang kanina. Kaya wala sa sarili na naman akong lumuha at nilingon si Damien na agad nag alala.

"Damien sila mama. Totoo ba talaga na wala na s-sila?" Humihikbibg tanong ko. Nakita ko ang pag dila nito sa labi niya at parang nagdalawang isip na sagutin ang tanong ko, pero kalaunan rin ay tumango siya na mas ikinaiyak ko.

"We run an investigation, and... their bodies was found and already burned. They took a DNA test to confirm, and..." Lumunok siya at nakita ko ang bahagyang pamunula ng mata niya habang nakatitig sa akin na subrang umiiyak na. "It's them."

Tuloy na sabi niya. Hindi ko napigilang takpan ng dalawang kamay ang mukha ko dahil sa luhang namumutawi sa mga mata ko. At sa sakit na nararamdaman ko. Naramdaman ko naman ang pag yakap sa akin ni Damien kaya mas naiyak ako.

"And there's something you have to know." Bulong na anya at dinampian ako ng halik sa ulo. Puno ng luha ang mukha ko nang mag angat ako ng tingin sa kanya.

"You're pregnant, baby. We're pregnant."

Wala sa sariling nag angat ako ng tingin sa kanya at gulat na gulat.

"A-ano?" Nauutal kong saad.

"You're pregnant, baby." Mahinahong anya at mahigpit akong niyakap na mas ikinaiyak ko at napayakap narin sa kanya.

Kinabukasan. Nandito ako sa unit ni Damien. Nakatulala lang ako habang naka upo sa sofa at nakatanaw sa malayo. Iniisip parin ang lahat ng mga nangyari. Parang ang bilis lang ng mga araw na nakasama ko ang kapatid at magulang ko at bigla nalang nawala.

At sa sandali na namang iyon ay naluluha na naman ako. Pero napatingin ako sa tiyan kong wala pang umbok. Pina alam sa akin na 2 weeks na pala akong buntis.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang hinimas ang tiyan ko.

"Sorry kung lagi akong umiiyak baby ha. Pasensiya na, nasasaktan pa kasi ako ngayon eh. Pero huwag kang mag aalala, hindi kita pababayaan. Magiging malakas si mama, para sa'yo." Nagsisimula na naman akong maluha. Hanggang sa maramdaman ko ang pag tabi sa akin ni Damien at marahan akong hinila para yakapin.

"Your grandfather called me, since you're not answering your phone. We'll go home to Alfonso tomorrow." Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim kaya tumango-tango ako.

Kaylangan kong maging malakas sa ganitong pangyayari, kahit ang sakit. Kaylangan para sa anak ko, sa magiging anak namin ni Damien. Kailangan kong harapin ang mga pagsubok na ito kahit mahirap at masakit.

Para kina mama. At sa magiging anak namin ni Damien.

"Ang sakit Damien. Ang saya ko pa no'ng gabing iyon dahil bumisita sila sa akin. Pero napakabilis lang ng pangyayari, kinuha rin agad ang kasiyahan ko. Pero binalik rin agad dahil nalaman kong buntis ako. Masaya ako dahil magkaka anak na tayo, pero kinuha naman ang mga magulang ko." Malungkot kong sambit habang nakayakap sa kanya.

"I'm always here for you, baby. Since the first day, I've already promise to myself that I will protect and love you. And I also promise to your family that I will take care of you." Bahagya naman akong napangiti sa sinabi niya at umangat ang ulo para matingnan siya. Nakatitig naman sa akin ang asul niyang mga mata na pumupungay habang tinitignan niya ako.

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon