Chapter 18

25 5 0
                                    

[Chapter 18]

Mabilis na lumipas ang mga araw. Graduate narin kami pero hindi namin kasama si Amber noong graduation day. Naiintindihan rin namin dahil kailangan rin talaga siya ng Lola nila doon. Plano nga naming doon mag bakasyon dahil inimbitahan kami ng Lola niya.

Pariho kami ni Lyra ng papasukang paaralan, pero si Nathalie ay kailangan ring umalis at sa manila mamalagi. Doon siya mag co-college pero dahil nga magbabakasyon nga kami duon sa Lola nila Amber ay hindi na muna siya sumabay sa parents niya.

Pero naisipan naming sa katapusan na ng buwan umalis lalo na at nandito ako ngayon sa manila. It's June 16 na at ngayon mangyayari ang ball sa Chernyye Karty Hotel kung saan isa ako sa swerting naimbitahan. Hindi ko alam kung paano at bakit pero isinawalang bahala ko nalang iyon lalo na at excited narin akong pumunta.

Wala rin akong ibang kasama dito sa maynila kundi ang bodyguard ko. Si crushy ko. Nandito rin ako sa isang room hotel dito sa Chernyye Karty Hotel. Hindi ko alam na may special treatment pala sila sa mga bisitang iniimbitahan.

Maganda ang kwarto at ang lawak. Hindi nakakapagtakang sikat ang hotel na ito sa iba't ibang bansa. Kaso may dark history daw ang Chernyye Karty Hotel habang binubuo ito. Ewan ko kung totoo ba pero may posibilidad talaga na mangyayari iyon.

May apat na magkakapatid na lalaki daw ang naisipang buohin ito para itago ang mga masasamang gawain nila. Mga mafia daw kasi at para matakpan ang mga madudumi nilang gawain ay gumawa sila ng pang distraction.

1987 pa daw nagawa ang Chernyye Karty Hotel pero 10 years ago palang nagawi ang hotel na ito dito sa pilipinas. Ang yaman na siguro ng nagmamay ari nito. Pero sana naman hindi totoo ang kuwentong iyon, pagod na ako sa mga actions eh. Apo ba naman ako ng magiging mayor sa malaking lungsod tapos palaging may tangka sa buhay.

Plano ko pa namang sa abroad na mag aral para naman tahimik ang buhay ko pero baka ma homesick ako lalo pa at inaalala ko rin sila mama. Baka mabaliw ako, nako dilikado. Ganda ko pa naman, sayang.

9 na ng umaga at kakatapos ko lang kumain dahil hinatiran ako ng bodyguard ko ng pagkain. Alam ko namang trabaho niya ang pagsilbihan ako pero kinikilig talaga ako eh. Wala namang nag bago at malamig parin naman siya maki tungo. Pero pansin ko kapag pagod ako ay nagiging malambing siya. Kinikilig na naman tuloy ako.

Natapos akong kumain at kinuha niya na ang mga pinaggamitan ko. Tinanong ko pa nga kong kumain na, sumagot naman siya na tapos na raw. Hindi nalang ako nag tanong pa ulit dahil kailangan ko ng maligo. Gusto kong mag libot ngayon sa mall na katabi lang ng hotel na ito. Minsan lang akong nalalagi dito sa manila dahil mas nagbabakasyon kami sa labas ng bansa. Malamig kasi habang dito sa pilipinas mainit parin. So, mas prefer namin sa malamig na clima sa ibang bansa.

Natapos akong maligo kaya nag palit na ako ng damit. Simpling sundress at flat sandals lang ang suot ko. Naka messy bun ang buhok at dala ang hermes na kulay itim kong sling bag. Mag sho-shopping ako kasama ang bodyguard ko. Pinilit ko pa nga siyang mag suot ng casual na damit dahil ayaw kong lagi siyang naka suit na itim.

Wala naman siyang nagawa at sinunod nalang ang utos ko. Hindi ko pa siya nakikita dahil papalabas palang ako ng hotel room ko. May naka laan rin kasing room para sa kanya pero hindi ko alam kung saan. May sariling mga rooms daw kasi ang mga bodyguards lalo na at hindi lang ako ang may bodyguard na bisita. Marami kami.

Humarap pa ako saglit sa full length mirror bago napagdisiyunang lumabas na. And to my surprise, napanganga ako ng makita ang bodyguard ko na ibang iba sa araw na ito. Nakasuot siya ng kulay puting polo shirt na may tatlong botones at lahat yon naka bukas, pinarisan niya ng black trouser at puting sapatos.

Para naman akong kinapusan ng hininga dahil sa ayos niya. Nagmamayabang pa ang mga naglalakihan niyang mga biceps na parang ang sarap magpa headlock... charot lang!

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon