Chapter 3

57 5 0
                                    

[Chapter 3]

“Jackfruit na naman ang ulam niyo? Ang yayaman niyo tas Iyan lang ang afford niyo?” Tanong ng bakla naming kaklase na si Tiller sa umaga, at Taylor Swift daw siya sa gabi. Isa siya sa circle of friends namin noon, pero lumipat rin dahil kay Lyra. Ito kasing si Lyra napaka oa.

Sila talagang dalawa ang mahilig mag-asaran, pero dumadating talaga sa puntong nakakasakit na siya ng feelings. Ang talim kasi ng tabas ng dila nito, kaya minsan ang sarap palunukin ng buong mansanas para manahimik e.

Pero alam talaga naming, hindi lang iyon ang dahilan kaya siya umalis sa grupo namin. May mas malalim pa. Kuwento niya sa amin na umamin daw siya sa nararamdaman niya para kay Lyra, pero ininsulto lang siya kaya ayon nasaktan ang Taylor namin- este si Tiller.

“Bakla, baka nakakalimutan mong investors kami? Lahat ng pera namin na ubos na kaka invest namin buwan-buwan para hindi masayang ang pera nami sa wala.” Nagbibirong Inirapan ko pa siya at nagpatuloy ng kumain.

Bisexual si Tiller, kaya hindi kami magtataka kung may magustuhan din siyang babae. Pero sa lahat talaga ng babae, si Lyra pa talaga, e para ngang sinasapian ng kung anong demonyo ito kapag nakaharap na si Tiller.

Parang may bluetooth switch si Tiller kay Lyra na kapag nakikita siya ni Lyra ay na t-trigger ang anger issue nito.

Or baka naman enemies to lovers, sila? Pero minsan may napapansin narin akong something sa kanila e. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero minsan nakikita ko sila na magkasama.

“Huwag ka ngang mangialam dito Tiller.” At sinungitan na nga siya ni Lyra. Narinig kong tumawa lang si Tiller, at alam ko ang susunod niyang gagawin, aasarin na naman niya si Lyra.

“What if kayo ang magkatuluyan?” Napa lingon naman ang dalawa kay Amber.

“What the heck, Amber?! ”

“Ewwww, nakakadiri! ”

Sabay na sabi nilang dalawa kaya natawa kaming dalawa ni Nathalie, buti nalang walang laman ang mga bibig namin. Pero sa totoo lang bagay talaga sila. Oa lang talaga itong si Lyra.

“Myl” biglang dumating si Vin at may inabot na softdrink sa akin, at Royal pa talaga. My favorite soft drink!

“Yieeeee!” Kantyaw ng apat kaya napa irap ako at tinignan si Vin at kinunutan ng noo. Isa pa itong si Vin, may girlfriend na, pero ang landi landi parin. Sabi ko na nga ba at walang forever. 5 years na nga sila ng girlfriend niya, pero nilalandi ang kaklsi naming si Alyssa. Umamin pa nong grade 11 kami. At ito namang si Alyssa, may gusto rin pala sa inutil.

Ang gulo rin ng relasyon ni Vin sa girlfriend niya dahil cheater rin. Ewan ko sa buhay nila. Crush ko si Vin, pero hindi ko papatulan pagnagkataon man. Kagwapohan lang naman ang nagustuhan ko sa kanya.

“Kanino galing?” Tanong ko. Yeah, alam kong hindi sa kanya galing ito. Bakit? Sinasabi ng instincts ko, at isa pa hindi siya pala bigay. Ang damot ng ungas nato e.

“Luh! Bakit mo alam na hindi ‘to galing sa akin?” Tanong niya pa habang kinukuha ko na sa kamay niya ang royal.

"Well, hindi ka naman mapag bigay sa iba Vin, sa jowa mo lang naman tss! ”

Napa kamot ito sa batok niya.

“Bodyguard mo daw. Hanip ah, first time mong mag dala ng bodyguard, foreigner pa.” Ngumisi pa ito kaya napa iling-iling nalang ako.

“Nga pala Myl, bakit ka pala may bodyguard. May nangyari ba?” Tanong ni Amber kaya umuling lang ako habang iniinom ang soft drink.

“Wala naman. Ewan ko kung anong trip nila. Sinasabi nila na dilikado na daw ngayon, kaya tinanggap ko nalang. Hot rin siya e.” Sagot ko pagkatapos kong uminom at nag kibit balikat.

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon