Chapter 5

48 5 0
                                    

[Chapter 5]

"Omygod Madeline! Ayus ka lang ba anak? May masakit ba sayo? O my God! May pasa ka sa pisngi!" Sinalubong ako agad ni mama pagkapasok namin sa bahay. Nasa likod ko naman si kapre at napahinto rin dahil kina mama.

"Dad! We have to go to the hospital! May pasa si Madeline." Sambit pa niya. Alalang alala ito at hinahawakan narin ang pisngi ko para tignan ang sugat sa pisngi ko. Napadaing pa ako ng bahagya dahil bahagya niya iyong naipit.

Mukhang mamaga pa nga ito bukas, pero ice lang ang katapat nito at maaayos rin 'to.

"Ma, its okay, I'm okay alright? Gamutin niyo nalang po ako." Ngiting ani ko at pinipilit na patahanin siya dahil masyado na siyang kinakain ng pagaalala, baka kasi ay bigla nalang mahimatay. Omygash, stop thinking about that, that's bad.

Masyado kasing mapanic si mama, kaya dapat maging marahan lang sa kanya. Sensitive si mama kaya iniingatan namin 'to.

"You! You're fired! I thought you could protect my granddaughter, but what happened!?" Kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa sigaw ni lolo at naka tingin sa likuran ko.

"Lo!" Tawag ko sa kanya dahilan para mapatingin ito sa akin. Napa atras naman ako sa uri ng tingin nito, galit na galit siya. Hindi naman kasi kailangang ma fired at isa pa nailigtas niya naman ako kanina.

Isang pasa lang naman ang natamo ko. Pero hindi talaga nagpapatinag si Lolo. Syempre siya ang batas, pero parang mali namang e-fired niya na ang bodyguard ko. Hindi niya naman kasalanan na may nakapasok na pala sa kwarto ko.

"Shut up, Madeline! Go to your room with your mom! Maricar, clean your daughter's wound!". Naramdaman ko namang hinila na ako ni mama, kaya napatingin ako kay mang Juan ulit at bumusangot. Sayang, ang pogi pa naman.

Nakatulala naman akong umupo sa higaan ko pagkarating namin ni mama. Agad niyang ginamot ang sugat ko at dinaluhan ng ice pack para naman mawala ang pamamaga. Ang beautiful face ko!

"Are you okay now, Mady?" Tanong ni mama pagkatapos gamutin ang pasa sa mukha ko at sugat sa braso na hindi ko napansin kanina.

"Hmmm..." Sagot ko. "Pero ma? Tatangalin kaya ni lolo iyung bodyguard ko?"

"Hindi ko alam anak, alam mo namang napaka protective ng lolo niyo pag dating sa inyung mga apo niya. Natatakot lang siya anak, intindihin nalang natin."

Huminga ako ng malalim at maliit na ngumiti, sinuklian naman iyon ni mama at umupo sa tabi ko. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Pumipikit-pikit pa ako dahil gusto kong matulog. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko para naman hindi ako makatulog.

Naramdaman ko rin ang paglabas ni mama sa kwarto, kaya nagmulat ako ng mga mata. Umupo ako sa higaan at tinungo ang bintana kong may makapal na kortina ang naka takip. Hinawi ko pabukas at dismayadong huminga ng malalim.

Sira ang bintana ko. Basag na basag iyon dahil gawa iyon sa glass. Kailangan kong ipaayos to ulit. Pang ilang ayos nato e. Dahil sa kagagawan ng bobong matanda na iyon nasasayang ang pera namin.

At dahil nagaalala ako baka may kung sino pang lukong-luko ang maisipang pumasok dito ay napag isipan kong ilagay ang malaki kong cabinet sa may bintana para takpan.

Ang bigat pa nga, pero kinaya ko dahil iyon lang ang pwede. Mabigat at matigas ang cabinet ko na ito, kaya pwedi na. Aalisin nalang naman, 'to agad kapag naipaayos ko na. But for now, dahil abala pa ang lahat, bukas nalang.

Pagkatapos kong ayusin ay naisipan kong matulog. Pagod na pagod ang katawan dahil sa mga nangyari, kaya kailangan ko ng magpahinga.

Nagising lang ako kinagabihan kaya bumangon na ako at tinignan kung anong oras na. Its already six in the evening; syempre alam kong gabi na dahil nakatulog ako kanina ay 12 ng tanghali, alangan namang bumalik ang oras.

IL Ferno Series 1: Damien DalerriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon