45: Katimyas (Pure)

626 28 5
                                    

Reference photo of Damian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Reference photo of Damian
.
.
.
.
.
.
.
.

KEIFER

Nag-uumapaw ang inis, galit, at pagkapoot ko kay Winsor dahil sa ginagawa niyang panlalandi sa boyfriend ko. Kulang na lang ay umusok ang mga tenga ko habang nakikita siyang nakapalupot ang kamay sa malaking braso ni Damian at hindi talaga ayos sa akin 'yon. Buo na ang desisiyon ko at balak ko na sanang sumugod sa kanila nang makita ko si Damian na mismo ang bumawi ng kaniyang braso mula kay Winsor. Bahagya pa siyang dumistansiya kay Winsor Dinosaur dahilan para mapanatag ako. Buti naman marunong ka nang umiwas ngayon, love?

Sapat na ang mga nakita ko upang maging kampante kaya naman sumunod na ako kay Sir Jimmynat isinantabi ang inis na nararamdaman. Hindi ko rin maikubli ang saya sa puso ko dahilan para mapangiti ako habang binabaybay ang daan patungo sa opisina.

Maraming tao sa loob at lahat ay may kaniya-kaniyang ginagawa. Naging mabilis lang ang paglalakad namin hanggang sa makapasok na kami sa isang silid. Malaki ang loob nito salungat sa inaasahan ko. Meron ding ibang mga empleyado sa loob, nakap'westo sa kani-kanilang mga lamesa. Mukha namang mababait ang mga nandito dahil nagawa pa nila akong batiin at ngitian kahit na hindi nila ako kilala personally. Siyempre ngumit at bumati rin ako pabalik sa kanila.

"This way, Sir," sabi sa akin ni Sir Jimmy. Napadpad kami sa isang p'westo kung saan mabilis siyang nagtungo sa isang swivel chair upang maupo rito. Ito na marahil ang p'westo niya. "Have a sit po," magalang niya pang sambit sa akin at saka itinuro ang bangko na nakap'westo sa gilid ng lamesa niya.

Sinunod ko siya. Naupo ako sa upuan na sinabi niya't Inilibot ko ng tingin ang aking mga mata. Napansin ko na kahit maraming paper fillings sa ibabaw ng lamesa niya ay maayos pa rin ang salansan at pagkaka-pwesto ng mga ito.

Binuksan niya ang laptop at saka inilahad ang kamay niya sa akin.

"May I get your documents, sir," sabi sa akin ni Sir Jimmy kaya naman agad kong iniabot ang hawak na brown envelope sa kaniya.

Nang makuha ito ay isa-isa niyang sinuri ang laman nito at sa tingin ko ay kumpleto naman lahat ng dala ko base sa ekspresiyon ng mukha niya.

"You must be very special to Sir Baltazar, Sir Keifer. Kabilin-bilinan niya pa sa amin na asikasuhin namin kayo nang maayos," nakangiting bahagi sa akin ni Sir Jimmy.

Nahihiya akong ngumiti at saka sinabing, "Sa totoo niyan, sir, ay hindi ko kilala si Sir Baltazar."

"Oo nga po pala! Mr. Richie Baltazar, our Passport Main Office Manager, called me earlier to inform me that a close friend of his, who is likely your relative, asked me to assist you, sir," magiliw niyang sabi sa akin habang inaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga dokumento ko.

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon