47: Bana

498 36 10
                                    

"Bana" is an old term that can mean "treasure" or something of great value, though it is less commonly used today.
.
.
.
.
.
.
.
~*~

KEIFER

Hindi ko alam kung paanong napapayag ni Damian ang nakausap niyang mag-asawa na ipahiram sa amin ang anak nila para lang maglaro sa loob ng playsquare. Kung sabagay, kahit na malaki ang pangangatawan ng boyfriend ko ay makikilatis na agad na may mabuti siyang kalooban sa paraan pa lang ng kaniyang pakikipag-usap kaya ganoon na lang marahil naging madali na makuha ni Damian ang loob ng mga magulang nito.

Nagbayad na si Winsor sa cashier. Kaming tatlong adults at iyong bata na nagngangalang Jared, apat na taong gulang, ang nakapila ngayon. Buhat-buhat siya ni Damian at hindi ko maiwasang magpantasiya habang pinagmamasdan silang dalawa. Naisip ko lang na ganito rin siguro ang itsura niya oras na dumating ang panahong mag-sesettle na kami sa tahimik na buhay. Magsasama sa iisang bubong. Bubuo ng pamilya at mag-aalaga ng mga anak. Alam ko na magiging responsableng ama si Damian at napaka-swerte ko na kung ako pa rin ang mapipili niyang makasama habang-buhay.

Naputol ako sa pag-iisip nang magsalita si Winsor. Nakatingin siya ro'n sa mag-asawang sina Marianne at Jun, parents ni Jared. "It would be much better if you joined us here in the playsquare. This will be a great opportunity for family bonding. No buts. I'll pay the fee," dire-diretsong sabi ni Winsor sa kanila at saka nag-abot ng pera ro'n sa cashier.

Hindi na nakaangal pa iyong dalawa kaya naman sumunod na rin sila sa amin sa pila.

Mayamaya pa'y may nag-assist na sa aming staff. Nagbigay ito ng mga pares ng foot socks. Sinabi na rin nila sa amin ang mga rules and regulations sa loob ng playsquare at pagkatapos naming suotin ang binigay na foot socks ay pinapasok na rin kami agad sa loob.

Kahit na kasama na namin ang parents ni Jared ay kay Damian pa rin siya nagpabuhat, bagay na kinatuwa ng puso ko. Ang sarap lang kasi nilang pagmasdan dalawa, parang magtatay talaga.

Leather-cushion ang buong platform ng playsquare kaya safe na safe kahit na bumagsak o madapa ang mga batang naglalaro. Nang makapasok kami ay kabila't kanang nagtatakbuhang mga chikiting ang bumungad sa amin. Maraming safe obstacles sa loob ng playsquare. Spectrum-colored slides na kung saan may naghihintay na pool ng colorful soft balls sa ibaba. Meron ding separate pool ng mga multi-colored soft balls para walang mangyari na aksidente sa tuwing may gumagamit ng slides. May mga monkey bars din na soft-cushion ang babagsakan. Meron pang obstacle wall na hindi naman ganoon kataas kaya hindi na kailangan pa ng safety harness. May mini cave rin na puro toys sa loob, tapos isang mahaba na stationary train station kung saan pwede pumasok at maglaro. Meron ding puzzle area, building blocks and giant lego house! Ilan lang 'yon sa iba pang pwedeng puntahan sa loob. Para akong bumalik sa pagkabata habang ini-enjoy ang sayang pumuno sa aking puso. Tama nga sila, first experience will always be the best one.

Ibinaba ni Damian ang bata kaya agad naman itong tumakbo para subukan ang mga narito sa loob. Sumunod naman sa kaniya ang mga magulang niya pero bago sila lumayo ay nagpasalamat pa sila sa amin lalo na kay Winsor. Sa lahat ng ginawa ng dinosaur na 'yon, ito na yata ang pinaka-dabest sa lahat.

"Naalala ko si Dama sa kaniya. Na-miss ko tuloy ang anak ko," sabi ni Damian sa gilid ko habang pinagmamasdan si Jared na nakikipaglaro sa mga magulang niya.

"Gusto mo bang bisitahin natin siya? Gusto ko rin mabisita ang probinsiya niyo bago umalis ng Pilipinas," suhestiyon ko.

"Settle the date. Isama niyo ako sa balak niyo nang hindi na problema ang transpo dahil may kotse naman ko," singit ni Winsor sa gilid namin.

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon